Third Person's POV"Dad huwag siya, kahit ako nalang" pakiusap ni shirina
Nakita niyang papalapit ang tatay niya. Ang tatay nila ni Taehyung.
"Shun! Bitawan mo ang anak ko!" Sigaw ni Sejun
"Long time no see Sejun" Sabay tawa ni Lee
"Please pakawalan mo na ang anak" Pakiusap ni Sejun at akmang lalapit
"Sige lumapit ka! Tutuluyan ko talaga itong anak mo" sigaw niya at hinila paatras si Shirina
"Dad itigil mo na ito" Umiiyak na sabi ni shirina.
"Titigil lang ako pag nakuha ko na ang lahat ng gusto ko" sagot niya
"Ano bang gusto mo dad?" Tanong ni shirina
Sasagot na sana si Lee ng biglang makita niya na may pulang ilaw na nakatutok na sa ulo niya"Don't shoot!" sigaw ni shirina sa mga pulis
"Dad nagmamakaawa ako. Itigil mo na ito, babarilin ka nila pag hindi mo pa ito tinigil"
"Huwag ka magalala shirina sabay tayong mamamatay" sambit ni Lee
Napapikit si shirina and take a deep breath."Kung ito na ang huling araw ko dito sa mundo gusto kong magpasalamat sayo dad for raising me kahit hindi mo ako tunay na anak"
Umiiyak na sambit ni shirina"Tumahimik ka!" Sigaw ni lee na naluluha na din
"You're the best dad for me, naalala ko pa noon lagi mo akong dinadalhan ng favorite kong strawberry cake, lagi mo din akong dinadala sa office mo para maglaro, ayaw mo kasing mag isa ako sa bahay kasama si yaya"
Pagkikwento ni shirina"Sa sobrang mahal mo ako hindi ko inakalang hindi mo ako tunay na anak. Thank you dad, mahal na mahal kita"
Pagkasabi nun ni shirina ay nakarinig sila ng malakas na putok.
Bumagsak agad sa sahig si Lee, dali dali namang tumakbo si Yoongi papalapit kay shirina para saluhin ito.Pagsalo niya kay shirina ay wala na itong malay.
"Shirina wake up" sabay yugyog ni yoongi sa kanya
Nakita niyang may dugo si shirina sa leeg. Agad agad namang lumapit ang mga medical team para icheck si shirina. Isinakay ito sa stretcher at isinakay sa ambulansya. hindi sumakay si Yoongi, hinayaan niyang ang tatay ni shirina ang sumama sa kanya.Pinagmasdan ni Yoongi ang ambulansya hanggang makaalis ito. Bigla naman siyang nasilaw sa flash ng mga camera kaya agad agad itong tumakbo palayo.
+++
Dahan dahan nagmulat ng mata si shirina, bumungad sa kanya ang mukha ni yoongi. Nakangiti ito sa kanya.
"kamusta pakiramdam mo?" tanong ni yoongi
Hindi sumagot si shirina, siniksik niya ang mukha niya sa dibdib ni yoongi at nagsimulang humagulgol.
Hindi nagsalita si yoongi, hinayaan lang niyang ilabas lahat ni shirina ang sakit na nararamdaman niya. Hinahagod nito ang likod ni shirina.Nang tumigil sa pag iyak si shirina ay sinilip ito ni yoongi, nakita niyang nakatulog ulit ito.
Inayos ni yoongi ang pagkakahiga ni shirina, nang aalis na siya ay natigilan siya. Napatingin siya sa damit niya na hawak hawak ni shirina ng sobrang higpit kahit na tulog ito. Humiga ulit siya at niyakap si shirina.
"I won't leave you love" bulong nito at hinalikan ang noo ni shirina
Malumanay na tinatapik tapik ni yoongi ang likod ni shirina na tila nagpapatulog ng isang bata.++++
Halos mawala ang lakas ni shirina habang papalapit siya sa kabaong ng kinilala niyang ama. Akala niya ay ubos na ang luha niya pero heto na naman sila na sunod sunod sa pagtulo.
BINABASA MO ANG
His illegirl | m.yoongi (Completed)
Fanfiction"Pag umalis ka ngayon sa tabi ko at mawala sa paningin ko sinasabi ko sayo Quinn, kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko" Humarap ako sa kanya at ngumiti "Then forget me baby, thats the best thing you can do for me and i will owe you for tha...