Nagtext si Yoongi kay Shirina, tinatanong nito kung nasaan siya. kaya sinabi ni shirina na nasa loob ito ng kotse sa may parking lot. Sinabi din nito kung anong kulay at kung ano ang plate number. Maya maya pa ay may kumatok sa may bintana ng kotse niya, binaba niya ang bintana ng kotse niya."It's me suga" Mahinang sambit ni yoongi. Balot na balot ang katawan nito para hindi siya makilala. Agad namang binuksan ni Shirina ang pinto at pumasok si Yoongi. Buti nalang ay tinted ang sasakyan niya walang makakakita sa kanila.
"ahmm hindi ka pa ba pagod?" Tanong ni Shirina kay yoongi.
Inalis ni yoongi ang takip sa mukha niya."Hindi, kasi nandito ka" Nakangiting sagot ni yoongi kaya napangiti si shirina
Gustong gusto tumili ni shirina pero di niya magawa. "Ang gwapo mo talaga min, bagay na bagay sayo ang baseball cap na suot mo" kinikilig na sabi ng isip niya
"saan tayo?" Tanong ni shirina
Pero hindi nagsalita si yoongi, nakita niya itong nagsisearch sa phone niya."huwag ka ng magsearch, dadalhin nalang kita sa favorite place ko" inistart na ni Shirina ang kotse niya. Bigla namang nagsalita si Yoongi
"Ako na magdadrive"
"No. It's okay. Magpahinga ka nalang diyan, alam kong pagod ka" sabay ngiti ni shirina. Napatitig nalang si Yoongi kay shirina.
Pasulyap sulyap si Yoongi sa nagdadrive na si shirina.
-----
Huminto sila sa isang tagong restaurant. Bumaba si shirina at sumunod naman si yoongi na todo ang takip sa mukha. Napansin ni shirina na uncomfortable si yoongi na baka may makakita sa kanila.
"Don't worry wala masiyadong tao dito. Walang makakakita sayo, tara!" Hinawakan ni shirina ang kamay ni yoongi at hinila ito papasok ng restaurant, napatingin naman si Yoongi sa kamay nilang magkahawak ngayon.
"Good evening Miss Lee" pagbati sa kanya ng staff.
"available ba yung upstair?" Tanong niya
"Basta para sayo miss available yun" Biro ng staff na nagpatawa kay shirina
"Pwede bang samin nalang muna yung taas? Walang kahalong ibang customer? Tsaka alam mo na kung anong kakainin namin ha"
"No problem miss" At hinatid na sila sa taas.
Pagdating nila sa taas ay napahanga si yoongi sa ambiance ng restaurant, para silang nasa garden na puno ng ilaw
"May lugar palang ganito dito" Komento ni yoongi.
"Buti naman nagustuhan mo" masayang sambit ni shirina at umupo na. Umupo na din si yoongi, tinanggal na din nya ang mask at hood na nasa ulo niya. Umupo sila kung saan tanaw nila ang labas, tinted ang sliding door kaya wala silang dapat ikabahala. Masayang pinagmamasdan ni shirina ang paila ilang tao na naglalakad sa labas habang si yoongi naman ay masayang pinagmamasdan si shirina.
"I'm Min yoongi" nagulat si shirina ng biglang magsalita si yoongi kaya napatingin ito sa kanya
"Haha ano ka ba kilala na kita" Tumatawang sabi ni shirina
"Gusto kong magpakilala ng maayos sayo, hindi bilang Suga ng BTS pero bilang isang Min yoongi" Inilahad ni Yoongi ang kamay niya kay shirina. Nakangiting tinanggap iyon ni shirina
"I'm Shirina Gashina Lee" pagpapakilala din ni shirina
"ilang taon kana?" tanong ni yoongi
"We're in the same age" sagot ni shirina
BINABASA MO ANG
His illegirl | m.yoongi (Completed)
Fanfiction"Pag umalis ka ngayon sa tabi ko at mawala sa paningin ko sinasabi ko sayo Quinn, kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko" Humarap ako sa kanya at ngumiti "Then forget me baby, thats the best thing you can do for me and i will owe you for tha...