Shirina's POVDalawang araw akong lumayo sa lahat para makapag isip. Hindi ko na alam gagawin ko. Wala akong choice, dahil masasaktan at masasaktan si yoongi kahit sino pa ang piliin ko. Kung hindi ba ako anak ni daddy mas madali ba para samin ni yoongi? Makikilala ko rin ba siya? Pipiliin din kaya niya ako tulad ngayon. Kung hindi ko ba pinilit ang gusto ko at hindi sumugal kay yoongi, hindi ba darating sa point na ganito?
Sa dalawang araw na yun. Pinag isipan kong mabuti kung tama ba ang magiging desisyon ko. Sa panaginip ko noon pinili ko ang bighit kaya nawala sakin si yoongi. Kung pipiliin ko ngayon si yoongi, mawawala sakin ang buong bangtan at bighit. Pwede bang ako nalang? handa akong masira at masaktan para sa kanila. Nangako ako sa sarili ko na i'll protect Yoongi and BTS at all cost. Ito na ba yung kapalit ng kasiyahan ko? Bakit ang bilis naman ng bawi?
Andito ako ngayon sa tapat ng bahay ng BTS. Wala akong lakas ng loob para harapin sila. Wala pa man din akong ginagawa pero nagiguilty na ako.
Sasakay na sana ako ng kotse ko ng marinig ko ang boses niya sa likuran ko
"Love" dahan dahan ko siyang nilingon. Lumapit siya sakin at niyakap ako, yung yakap na ang isang kamay ay nasa likod ng ulo ko samantalang ang isa ay nasa likod ko. I feel safe with his hug. Niyakap ko din siya ng pagkahigpit higpit at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.
"I miss you"Bulong niya
Tiningala ko siya " I miss you too love" Sabay tulo ng luha ko
"Don't cry" Sabay pahid niya ng luha ko at niyakap ulit ako
"Noonaaaaa!" Rinig kong sigaw ni kookie at nakiyakap samin ni yoongi. Nakita ko namang papalapit na ang ibang member.
"Simula ng dumating dito si noona, i love group hug so much, group hug!! "sigaw ni jimin at nag group hug kaming lahat
Buo na desisyon ko. Proprotektahan ko sila no matter what.
++++
Third Person's POV
Maagang dumating ang BTS sa Concert venue dahil kailangan nilang magrehearse sa stage na gagamitin nila. Dahil iba ang space sa Practice room sa actual na lugar.
Umupo si Shirina sa First row katabi si manager sejin habang ang BTS ay umakyat na sa taas ng stage. Chineck ni Yoongi kung kumpleto na sila pero wala si jungkook.
"Taehyung-ahhhh!" Sigaw ni yoongi
Napalingon naman sa kanya si V na nagtataka sa nangyayari.Imbes na jungkook ang isisigaw niya ay Taehyung ang naisigaw niya
"huh? Hyung nandito si Taehyung hahaha" Natatawang sabi ni Hobi kaya napatingin si yoongi kay taehyung na nasa tabi niya
Ngumiti si yoongi at itinuro si V. Natatawa si Yoongi sa ginawa niya.
"Jungkook-ahhhh!!" natatawang sigaw ni Yoongi
Sa ibaba ng stage ay tawa din ng tawa si Manager sejin at shirina.
Tumatakbong umakyat si JK sa stage.
Nang makumpleto na sila ay inumpisahan na nilang magvocalize."Ahem" Jk clearing his throat
"Prrrtt!! Shhh! " Jimin
"uh huh uh huh let's go!" pagpapatawa ni JK kay Jimin, kaya napahalakhak si jimin
"Ding dong, diding dong!" Ginagaya ni kookie ng instrumental ng isa nilang kanta kaya natawa si Jin
"Natatakot ako ahhhh!" Kinakabahan na sabi ni jin habang talon ng talon na tila pinapagpag ang kaba niya
BINABASA MO ANG
His illegirl | m.yoongi (Completed)
Fanfiction"Pag umalis ka ngayon sa tabi ko at mawala sa paningin ko sinasabi ko sayo Quinn, kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko" Humarap ako sa kanya at ngumiti "Then forget me baby, thats the best thing you can do for me and i will owe you for tha...