Bago ako bumaba ng kotse ay hinubad ko ang suot kong Jacket. Bumaba ako ng kotse at dahan dahan na naglakad papasok ng bahay. Dahan dahan ko ding binuksan ang pinto at sumilip kung nasa loob ba si daddy. Tahimik ang bahay kaya sure akong wala dito sa daddy. Umakyat ako ng hagdan ng walang ginagawang ingay pero napahinto ako ng may magsalita. Dahan dahan akong lumingon sa direksyon kung saan ko narinig ang boses.Napangiti ako ng makita ko si kuya jae. Anong ginagawa niya dito?
"Saan ka galing?" tanong niya
Hindi ko siya sinagot, bumaba ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit."i miss you kuya" Masayang sambit ko.
"I miss you too bunso" at niyakap din niya ako.
"Saan galing ang spoiled brat kong kapatid?" tanong niya kaya napahiwalay ako sa yakap niya.
"Diyan lang hehe" sabay takbo papuntang kusina para kumuha ng soda at para makaiwas na din sa mga tanong niya.
Pinuntahan ko si kuya na nakaupo sa sofa, inihagis ko ang soda sa kanya at sinalo naman niya ito.
"Buti naisipan mong bumisita dito? Kamusta ang MS entertainment sa Japan" tanong ko sa kanya sabay inom ng soda, uminom mo na ito bago niya sagutin ang tanong ko
"Sakit sa ulo, kaya nga nandito ako para magpalamig muna"
Tumayo ako at tinap ang balikat niya"Kaya mo yan kuya, nananalig ako sa kakayahan mo. Fighting!" at naglakad na ako paakyat ng hagdan
Si Kuya Jae ang nag iisang kuya ko. Dalawa lang kaming anak ng magulang namin. 5 years old ako ng mamatay si mommy dahil sa cancer at simula noon si daddy nalang ang kasama namin. 4 years ang agwat namin ni kuya pero mukhang 10 years kasi super stressed siya sa work, yan tuloy tumanda siya tignan pero gwapo pa din naman, Sa japan siya nakatira ngayon dahil siya ang nagma-manage ng entertainment ni daddy doon.
Pagpasok ko ng kwarto ay nagbihis kaagad ako ng comfy na pajama. Umupo ako sa study table ko at naghanap ng pwedeng patugtugin na kanta ng bts.
Scroll....scroll....scroll
Dahil lahat ay gusto ko shinuffle ko nalang ito.
(PLAYING BTS COFFEE)
Kinuha ko ang bag ko at ipinatong ito sa table. Binuksan ko ito at kinuha yung regalo na bigay ng BTS sakin at yung sandwich na ibinigay nung staff.
Bago ko buksan ay pinicturan ko muna ito. Sabay tweet sa account ko.
Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang regalo na bigay nila sakin. Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko ang nangyari kanina.
Dahan dahan kong binuksan ang regalo, tumambad sakin ang latest album nilang love yourself: Answer album. Nang sinimulan ko itong iscan ay nakita kong may sign nila ito.Waaaaahhhhh!!!
(Walang sound na sigaw ko)Niyakap ko ito at nagtatatalon sa kama ko at hindi pa ako nakuntento, inilapag ko saglit ang album sa side table ko at nagpagulong gulong sa kama dahil sa sobrang saya.
Umupo ako sa kama at sinimulan ulit tignan ang album. Ilang LY:Answer ang binili ko pero this one is so special. Malapit na akong matapos sa pagscan ng album ng mabasa ko ang message nila sakin"Thank you army" Jin(Signed)
"Thanks for being our angel" Jhope(Signed)
"Thank you for supporting us. Cheer up always! " RM(Signed)
"Thank you for the love Army" Jimin(Signed)
"I purple you 💜" Taehyung(Signed)
"Thank you for still walking with us" Suga(Signed) with heart.
BINABASA MO ANG
His illegirl | m.yoongi (Completed)
Fanfiction"Pag umalis ka ngayon sa tabi ko at mawala sa paningin ko sinasabi ko sayo Quinn, kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko" Humarap ako sa kanya at ngumiti "Then forget me baby, thats the best thing you can do for me and i will owe you for tha...