His illegirl Forty six

164 8 1
                                    

Min yoongi's POV

Beuurkk

Nakita kong nagtakip siya ng bibig at dali daling bumaba sa kama at tumakbo papuntang CR. Agad agad akong tumayo at isundan siya. 
Naabutan ko siyang yakap yakap ang bowl habang sumusuka.  Lumapit ako at hinagod ang likod niya.

Beuuurrkk

Every morning ganito siya, suka siya ng suka tapos nahihilo siya.  Seven weeks pregnant na siya kaya normal lang daw ang ganito o morning sickness kung tawagin nila, naaawa ako sa kanya pag nakikita ko siyang ganito lalo na nung first check up niya hindi ako kasama.  Ayaw niya ako pasamahin dahil baka may makakita daw samin. Pagkatapos niya ay inabutan ko siya ng tubig at pamunas.

"Thank you" sambit niya sabay ngiti
Hindi ko mapigilang hindi maluha. Hinila ko siya at niyakap

"Sorry love" Bulong ko

"Ano ka ba! Normal lang ito" Sagot niya. Inalis niya ang yakap namin at hinila na ako papuntang kusina.

"Love i want mango" parang bata na sabi niya

"Mango? hindi season ng mango ngayon love,  strawberries nalang" sabay kuha ko ng strawberry sa ref
Pinaghiwa ko siya at nilagay ko sa platito sabay lagay sa harap niya.

"Yuck ang baho" reklamo niya sabay usod ng strawberry palayo sa kanya
Napakunot naman ang noo ko

"Pero love ito yung favorite mo"
Nagulat ako ng bigla siyang umiyak

"No! Hindi yan yun. I want mango. Bakit ayaw mo ako bilihan hindi mo na ba ako mahal?" umiiyak na sabi niya

Hindi si shirina ang nakikita ko ngayon parang isang batang nagtatantrums.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya
"Alam mo namang love na love kita.  Kaya nga ito bababa na ako" Pagsusuyo ko sa kanya.

Agad agad naman siyang ngumiti.
Ganito ba talaga ang mga buntis,  moody. 

Lalabas palang sana ako ng biglang may nagdoor bell.  Tinignan ko sa monitor kung sino ito nakita ko si Taehyung, Jimin at kookie.
Agad agad ko silang pinagbuksan. 

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko pero di nila ako sinagot, dumiretso sila papunta kay shirina.
Unang pumasok si Taehyung na may dalang isang kahon ng mangga.

"Thank you Taetae" Nakangiting sabi ni Shirina.  Napangiti ako ng makita kong masaya si shirina. 

"Kamusta pakiramdam ng buntis?" tanong ni Jimin
Nakita ko namang biglang nangilid ang luha ni shirina
Agad agad akong lumapit kay shirina.

"Are you okay love?" tanong ko

"Si Jimin kasi buntis ang tawag sakin." Umiiyak na sabi nito habang ang mukha niya ay nakasubsob sa tiyan ko at nakawrap ang kamay nito sa bewang ko. 

Nakita ko namang napanganga si jimin sa kinikilos ni shirina

"Ayaw niyang tinatawag siya ng ganun feel niya ang taba taba daw niya" Paliwanag ko habang hinahaplos ang buhok niya. 

"Ikaw kasi eh" Sabay batok ni taehyung kang jimin

"Sorry noona" Sabay ngiti nito.

"Noona oh" Inabot ni kookie ang manga na nakaslice na, napangiti ito ng makita niya

"Thank you kookie"
Masayang sabi nito na tila hindi umiyak.  Iniwan ko muna si Shirina kasama si taehyung at kookie sa kusina.  Kasama ko naman si jimim dito sa sala. 

"hyung! Ganyan ba talaga ang mga buntis?" tanong ni jimin

"Siguro? Napansin ko nga napaka moody ni shirina" sagot ko

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon