His illegirl Sixteen

364 14 1
                                    


SHIRINA's POV

"Ikaw na muna bahala kay yoongi nabihisan na namin siya" tumango ako kay jin oppa

Lumabas na sila at naiwan kaming dalawa, tulog na tulog siya dahil na din siguro sa lagnat niya. Nagkasakit siya dahil sakin.

Binasa ko ang bimpo at pinunasan ang mukha niya

"Sorry Min dahil sakin nagkasakit ka" bulong ko kahit na alam kong di naman niya ako naririnig

"Sorry kasi pinairal ko ang pride ko kesa sa pagmamahal ko sayo"

"Gising kana diyan, ipapakilala na kita sa mga bata"

Nilagay ko ang bimpo sa may noo niya

"Gusto ko din sabihing mahal din kita love"

"Ang sarap namang marinig niyan Love!" nakangiting sabi niya sabay upo

"Nakakagulat ka naman, humiga ka nga baka mahilo ka" utos ko

"Kung nakahiga ako paano ko magagawa ito" sabay halik niya sa labi ko

Dahil sa gulat hindi ako nakapagreact agad, hindi ako makagalaw para bang may kuryente na dumadaloy sa katawan ko

"Matagal ko ng gustong gawin yan pero di ko magawa, namiss ko ang labi mo" Nangising sabi niya
Namula naman ako dahil dun
Hinampas ko ang dibdib niya

"Awww" Na tila nasaktan siya

"Ang hina lang nun, di ka mamamatay dun" pero nakahawak lang siya sa dibdib niya

"Uyyy ang arte mo hindi naman masakit yun" sinundot sundot ko ung braso niya para pansinin ako

"hoy masakit ba talaga?" tanong ko
Bigla niya akong niyakap

"Oo masakit kasi hoy ang tawag mo sakin diba dapat love?" tanong niya

"Tsaka may sakit ako susuntukin mo ako?" kahit di ko nakikita reaction niya alam kong nakapout siya
Napangiti nalang ako sa inasal niya
Kumalas ako sa yakap niya at hinawakan ang pagkabilang pisngi niya

"Welcome back love" nakangiting sabi ko at binigyan siya ng smack sa labi

"I love you love, i'm sorry promise babawi ako sainyo" yumakap ako sa kanya

JIN's POV

"and they live happily ever after" masayang sabi ko

Nakasilip kaming anim sa maliit na siwang ng pinto kung saan naroon sila yoongi

"Tara na sa baba baka makita pa nila kayo diyan" at nanguna ng bumaba si RM sumunod si Hobi

Sus bitter talaga ng lalaking yun.

"Tara na daw sabi ni RM hyung!" inulit ni Taehyung ang sinabi ni RM dahil hindi yata narinig nung dalawa

Hinila na ni Taehyung si Junggo at Jimin pababa dahil wala pa ata silang balak umalis doon

"magcelebrate tayo dahil okay na ang lahat"masayang sabi ni Taehyung

"Tama! nagluluto si Jin hyung para satin" excited na sabi naman ni Junggo

"Sige magluluto ako pero kayo ni jimin ang pupunta sa grocery para bumili ingredient"

"Ehh ang lamig lamig sa labas nakakatamad!" pagmamaktol ni Jimin

"Ako nalang sasama kay Junggo para bumili" pagpresenta ni Taehyung
nag apir yung dalawa

"Mag ice cream na din tayo" masayang sabi ni junggo
tumango si Taehyung

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon