(London)
After 2 monthsThird Person's POV
Inilabas ni shirina ang isang kamay niya sa bintana ng sasakyan habang ang isa ay nagmamaneho.
Inienjoy ng kamay niya ang malamig na hangin sa labas.
Buzz!! Buzz!
Sinagot niya ang tawag ni callie
[Phone convo]
"Hello" bungad ni shirina
"Nasan kana? kanina pa ako nandito! " Sigaw niya
"Hahaha oo malapit na ako" Sagot ni shirina
"Siguraduhin mo lang" Masungit na sabi nito at pinatay na ang tawag.
Muling inilabas ni shirina ang kamay niya. Sa loob ng dalawang buwan ay unti unti ng nakakarecover si shirina.
Ngumingiti na ito ng bukal sa loob niya.Maya maya pa ay nakarating na siya sa lugar kung saan nagbovolunteer si shirina. Bumaba siya sa sasakyan at kumaway kay callie na nakasibangot sa kanya
Binuksan ni shirina ang likudan ng kotse niya
Ting!
May nagpop sa notification niya
Binuksan niya ito at nakita niya ang picture ng batang lalaking na may kasamang message na "please visit me"
Napangiti siya sabay bulsa ng cellphone niya at binuhat ang isang kahon ng gatas.Lumapit naman ang ibang kasamahan niya at binuhat ang iba pa niyang dala
"Callie babe!" bati niya dito.
"Ang tagal mo, wala na akong time para mag mall" pagmamaktol niya
"Sorry" Sabi ni shirina sabay lapag ng dala niya
"Shirinaaaa!!" sigaw ng mga bata at niyakap siya
"You guys miss me?" Tanong ni shirina
"Ofcourse! Where's our Chocolate?" Tanong ng isang bata
"Oh i'm sorry i forgot"
Nalungkot ang mga bata sa sinabi ni shirina"Joke! I bring them with me" Sabay kuha nya ng chocolate sa bag nito at inabot sa mga bata
"Yehey! Thank you shirina" sabay sabay na sabi nila
"your welcome" Sagot ni shirina
Nagsitakbuhan naman na sila palayoEvery monday ay nagdadala sila shirina ng pagkain sa isang community na good for 1 week. Ito yung commumity na less fortunate. Hindi lang pagkain ang dinadala nila meron din silang dalang mga school at pang hygiene na supplies.
"Shirina may pupuntahan ka ba mamaya?" Tanong ni callie
"Meron" Matipid na sagot ni shirina habang inaayos ang mga dala niya
"Hindi ba uso sayo ang salitang pahinga? Pagkatapos mo magtrabaho bilang stage director, diretso ka sa mga charity mo para mag volunteer hindi lang yan. Meron ka pang anong tawag mo dun, better ways?" tanong ni callie
"Better days" pagtatama ni Shirina
"Oo yun. Ilang buhay na ba nasave mo? Hindi ka naman super hero wala kang kapa na suot"
"Hindi lahat ng super hero may kapa na suot, tsaka diba sabi ko naman sayo na minsan na din akong katulad nila kung hindi lang ako sinagip ng taong yun siguro wala na ako ngayon. " Inabot ni shirina ang isang tray ng itlog kay callie.
"Simulan na natin para makapag mall kana" nakangiting sabi ni shirina
Inisa isa nilang puntahan ang bawat bahay at inabot ang mga supplies na dala nila. Sobrang saya ang nararamdaman ni shirina sa tuwing nakikita niya ang mga ngiti nila.
Nang matapos sila sa pamimigay ay umupo muna sila para uminom ng tubig at magpahinga.
BINABASA MO ANG
His illegirl | m.yoongi (Completed)
Fiksi Penggemar"Pag umalis ka ngayon sa tabi ko at mawala sa paningin ko sinasabi ko sayo Quinn, kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko" Humarap ako sa kanya at ngumiti "Then forget me baby, thats the best thing you can do for me and i will owe you for tha...