His illegirl Nineteen

315 8 0
                                    


Napatayo ako sa higaan ng marinig kong magsalita si Alexa (virtual assistant AI technology)

"BTS comeback music show pre recording is today at 5am"

Tinignan ko ang oras 4:30AM na. Late na ako. Sayang yung seat ko. Pag official fanclub member ka lagi kang priority sa mga music show pero kailangan meron kang Army membership card, personal id. Meron ka din dapat nung latest album nila and Proof of Purchase of their digital single. Pag meron ka niyan for sure sa harap ang seat mo pero kung katulad ko na kumpleto sa requirements pero late, mapupunta ang seat mo sa likod.
Pre-recordings, from check-in time to finish, usually last around 3-4 hours. Pag sa ibang tao sobrang haba ng apat na oras pero para satin saglit lang yan.

Isinuot ko ang backpack ko, at inayos ang hood ng jacket ko, inayos ko din ang suot kong clear lens glasses na walang grado. Simple lang ang suot ko black pants, black converse, white loose shirt na pinatungan ko ng Black hoodie jacket. Ganyan lagi outfit ko sa tuwing pasekreto akong umaattend ng events nila. Nagmadali akong bumaba ng hagdan para di ako mahuli ni daddy. Sumakay ako ng kotse at mabilis na pinaandar ito.

5 Minutes nalang bago magsimula ang pre-recording buti nalang nakahabol ako

"Ma'am pwede pa ba akong umupo sa original seat ko?" tanong ko sa staff

"Sorry miss Late ka nang dumating. masisira na ang seating arrangement natin kung uupo ka sa original seat mo" nalungkot ako sa sinabi niya.
Nagmakaawa ako ng isa pang beses baka sakaling ibigay yung upuan ko pero hindi umobra yung magic ko. Huhuhu

Aalis na sana ako ng marinig ko ang boses ni RM

"Anong problema?" tanong niya
Napalingon ako sa kanya at sa katabi niya. Omg! my Leader and My min.

"Nalate kasi siya ng dating kaya hindi ko na maibigay sa kanya yung original seat niya" bigla akong nahiya kaya napayuko ako.

Bakit kailangan pang sabihin sa harap nilang dalawa na late ako. Nakakahiya

"No. It's okay. Doon nalang ako sa likod" Nayuko pa ding sabi ko at naglakad na ako papunta sa seat ko

Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila. Paano kung isipin nila napakairesponsable kong ARMY na laging nalilate.

Nagsimulang magsigawan ang lahat ibig sabihin magsisimula na

"Dul, Set! Bangtan! Annyeong Haseyo Bangtan Sonyeondan Imnida!"

Nagsimula na ang pre recording pero heto ako nakatakip ang mukha. Buong duration ng pre-recording bagsak ang balikat ko. Sobrang nadisappoint ako sa sarili. Hindi naman siguro nila ako namukhaan, sa dami ba naman ng fans nila.

After 5 hours natapos din ang pre recording. Ilang take bago makuha ang gusto ng director. Kita sa mata ng BTS na pagod na sila pero they keep on smiling to us. Nagpaalam na ang bangtan kaya nagsimula ng magsi-alisan ang mga army. Nasa huli ako kaya expect ko ng huli din akong makakalabas. Naglalakad ako palabas habang sinasara ang zipper ng bag ko. Nagulat ako ng biglang hinarang ako ng staff na nakausap ko kanina. Bigla akong namula ng maalala ko ulit ang nangyari kanina.

"Yes po?" Tanong ko
Hindi siya sumagot sa tanong ko pero inabot niya sa kamay ko ang isang sandwich.

"Para saan po ito?" Tanong ko
Pero imbes na sumagot at ngumiti lang ito sakin at tumalikod na

Peace offering ba niya sakin ang sandwich na ito

"Thank you po!" sigaw ko
Inilagay ko ang sandwich sa bag ko.
Bago ako lumabas ay pinicturan ko muna ang buong studio at namulot ng confetti for remembrance.
Paglabas ko ng building nagulat ako ng may humila sakin at tinakpan ang bibig ko para di ako makasigaw. Hinila niya ako sa parte na walang tao at medyo madilim. Medyo kinakabahan na ako sa nangyayari.
Binitawan niya ako at tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Sisigaw na sana ako ng sumenyas siya na tahimik.

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon