RM's POV
"WHAAAAAAATTT??!!!" Sigaw namin
"Paanong nangyari yun?" tanong ni Jin hyung
"Fraternal twins kami ni Shirina, hindi niyo ba nahahalata na lagi ko siyang sinusungit noon dahil ayoko malaman niyo na kambal kami" sagot ni taehyung
"Ahhhh ganun pala, kala ko pa naman noon palang mahal mo na si Shirina" sagot ni Hobi
So kaya pala nagpipigil siya ng tawa nung minsang nakausap ko siya
/Flashback/
"Taehyung..." tawag ko kay ni Taehyung
"Bakit hyung?"tanong niya habang nagpapalit ng damit
"Mukhang mahal pa ni Shirina si Yoongi hyung, hindi ba masakit sayo?" seryosong sabi ko
Concern lang ako sa kanya syempre para ko na silang kapatid, ayokong nagkakasakitan sila.
"Hindi hyung" sagot niya habang nagpipigil ng tawa
"Anong nakakatawa sa tanong ko?" seryosong tanong ko
"Wala naman hyung"
"Ang weird niyong lahat" bulong ko
/End of Flashback/
"Pero bakit sinabi mong ikaw ang ama nila?" tanong ni jimin
"Dahil ayaw munang ipasabi ni shirina ang lahat at alam kong hindi naman kayo maniniwala kung sinabi kong napulot o inampon ko sila" natatawang sagot ni taehyung
"Pshhh! Ang tagal nating room mate pero hindi mo man lang sinabi sakin" Nagtatampong sabi ko
"Oo nga wala ka bang tiwala samin?" dugtong pa ni Junggo
"Hay nako! Di bagay sainyo. Ngayong
alam niyo na okay na tayo?" tanong niya"Tsaka teka nga! Matagal niyo na bang alam na hindi ko sila anak?" dugtong na tanong niya at tinignan ako, hinihintay niyang sumagot ako
"Sinabi lang sakin ni shirina"
Sinunod niyang tignan si Jin hyung na katabi ko
"ahh ano, narinig ko lang silang nagaaway sa kwarto pero hindi ko sinasadya yun" Defensive na sabi ni Jin hyung kaya tinignan naming siyang lahat
"Totoo nga!"Depensa pa niya kaya napatawa nalang kami
Sumunod si Junggo at jimin
"Actually, theory lang naman namin ni junggo yun ee" sagot ni jimin
Tumango naman si junggo"Kasi ni isang feature walang nakuha sayo at kung iaanalyze mong mabuti si yoongi hyung talaga ang ama" paliwanag ni junggo
Tumango tango naman si jimin. Itong dalawang ito laging tandem sa lahat ng bagay, pakasal na kaya sila haha
Sabay sabay naming nilingon si Hobi para sa Sagot niya pero tahimik lang siya
"Ngayon mo lang ba nalaman hyung kaya shock na shock ka diyan?" tanong ni Taehyung
"No, matagal ko ng alam. Pinagbubuntis palang niya ang mga ito alam ko na"
Napanganga kaming lima sa sinabi niya
"So totoo pala hyung yung sinabi mo noon? Nung tinanong mo kami kung paano kung buntis si shirina pero binawi mo din agad?" tanong ni Taehyung
Tumango naman si hobi
"Teka nga! Di ko kinakaya ang mga nangyayari" Komento ni Jin hyung
Bigla kong naalala si Yoongi hyung
BINABASA MO ANG
His illegirl | m.yoongi (Completed)
Fanfiction"Pag umalis ka ngayon sa tabi ko at mawala sa paningin ko sinasabi ko sayo Quinn, kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko" Humarap ako sa kanya at ngumiti "Then forget me baby, thats the best thing you can do for me and i will owe you for tha...