(6 Months later)
Shirina's POV
Sinundo ako ni yoongi sa condo para bisitahin si RM sa hospital. I don't know the full detail pero mamaya nalang daw nila ieexplain sakin.
Natapos na nila ang World tour nila kaya binigyan sila ng ilang araw na bakasyon bago simulan ang susunod nilang kanta.
(Sa loob ng kotse)
"Love sabihin mo na sakin kung anong nangyari kay RM" pangungulit ko sa kanya
"Kahit ako hindi ko alam. Si Manager sejin at bang pdnim lang ang nakakaalam. Biglaan ang lahat" Sagot niya
Hindi na ako nangulit dahil mukhang hindi naman talaga niya alam. Isisave ko nalang tong curiosity ko hanggang makarating kami ng hospital.
Pinark ni yoongi ang sasakyan katabi ng sasakyan ng ibang member. Bago kami bumaba ay inayos niya ang damit ko
"Bakit ba kasi ganito suot mo?" tila nagagalit na tanong niya
Anong mali sa suot ko? Masyado bang simple ang White V neck loose tshirt na nakatuck-in sa denim pant?
"Simple ba masyado?" Tanong ko
"Hindi yun ang ibig ko sabihin, tignan mo nga halos lumabas na yang hinaharap mo" Galit na sabi niya
Natawa ako sa sinabi niya"Love saan ka nakakita ng v neck na takip na takip ka?" Natatawang sabi ko
"Mas gugustuhin ko pang magsuot ka ng turtle neck na damit kesa ganyan" Paninermon niya
"Ang init init love turtle neck?" Tanong ko
"Basta ayokong nagsusuot ka ng ganyan" sabay abot niya sakin ng jacket niya
"Idoble mo yan" Utos niya
Wala akong nagawa kundi ang isuot ito. Anyways yoongi's clothes are my favorite hahaha.Inilagay niya ang hood sa ulo ko at sinuotan ako ng salamin.
"Inlove ka na naman sakin love" pang aasar ko sa kanya ng mahuli ko siyang nakatitig sakin. Napangiti siya sa sinabi ko
"oras oras, araw araw inlove ako sayo" napapikit ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi
"Bumaba na tayo bago magbago ang isip ko at solohin kita sa kwarto ko"
Himpas ko siya sa braso"Ang naughty mo" natatawa kong sabi at binuksan na ang pinto.
Hinintay ko siyang makababa ng sasakyan. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papasok ng hospital.
+++++
Pagkapasok namin ni yoongi sa kwarto ni RM ay biglang sumigaw si Hobi
"Mabuhay ang bagong kasal!!" At may tumugtog na wedding march song
Kaya natawa ang lahat."Hyung! You jimin today" Sabi ni Kookie na ginaya ang Boses ni RM at muling napuno ng tawanan ang buong silid
"Okay guys! Tama na ang pang aasar kay Yoongi." Saway ni bang pdnim
Kaya nagseryoso na ang lahat. Umupo si yoongi at shirina sa tabi ni Jin."So as you can see RM undergone surgery for a deviated septum" Panimula ni Bang pdnim
"Anong deviated septum?" tanong ni Jimin
"The deviated septum is a condition with the nasal septum that can see the bone and the cartilage divide, which may cause it to look crooked and can cause breathing difficulties." Sagot ni Bang pdnim
Para kaming mga studyante na nakikinig sa guro at tumatango kapag tinanong kung naintindihan ba namin.
"Okay na siya pero he need to stay here for 2 days. Pagkatapos ng 2 days ay pwede na niyang ituloy ang recovery sa bahay"
BINABASA MO ANG
His illegirl | m.yoongi (Completed)
Fanfiction"Pag umalis ka ngayon sa tabi ko at mawala sa paningin ko sinasabi ko sayo Quinn, kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko" Humarap ako sa kanya at ngumiti "Then forget me baby, thats the best thing you can do for me and i will owe you for tha...