His illegirl Forty four

185 9 3
                                    

AN: Warning!  Medyo may SPG. Read at your own risk. (Hindi ko kayang magsulat ng buong ganun haha natatawa ako kaya kung cringe ang part na yun. I'm so sorry)

-----------

Shirina's POV

"love matagal ka pa ba diyan?" tanong niya sakin.

"Malapit na love" sagot ko
Kinuha ko ang camera ko at isinabit sa leeg ko at lumabas na ang kwarto. 

"Bakit ka naka skirt?" tanong niya
Here we go again sa napakaprotective na boyfriend

Lumapit ako sa kanya at niwrap ko ang kamay ko sa leeg niya

"Huwag kana magalit, tsaka kasama naman kita eh" paglalambing ko
Nag pout lang siya sa sinabi ko

"Tsaka love tignan mo, naka turleneck ako" Dugtong ko

"Turtle neck nga crop top naman" Inis na sabi niya.
Natawa ako sa sinabi niya haha oo nga naman shirina.

"Bati na tayo ha" malambing na sabi ko at hinalikan siya sa labi. 
Wala itong reaksyon kaya hinalikan ko ulit siya sa labi. 

"Love naman" Natatawa kong sambit
Nakita kong hindi maayos ang tshirt na suot niya kaya inayos ko ito.  Kinuha ko ang sunglass na nakasabit sa shirt niya at sinuot sa kanya.

"Ang gwapo talaga ng boyfriend ko" sabay kindat ko sa kanya. 

"Huwag mo akong binobola love,  huling beses na yang pagsusuot mo ng ganyan"

Akala ko okay na eh hahaha. Simple lang naman suot ko, hindi naman revealing. Black turtleneck na crop top tas nakadenim skirt at black converse.

"Bakit ayaw mo sumagot?" tanong niya

"Ayoko!" sagot ko sa kanya at nauna ng lumabas ng condo. 

Pupunta kami ngayon ng Bali for vacation.  Nagpaalam kami kay Mr. bang at pumayag naman siya, maging maingat nga lang.

Pagdating namin ng aiport ay ingat na ingat kami sa mga nagkalat na Dispatch. Pinagmasdan ko si yoongi habang bumibili siya ng maiinom namin habang naghihintay ng flight. 

Ang gwapo niya sa black oversized shirt , denim shorts at black converse niya. Hindi naman halatang couple kami haha. Nakasuot din siya ng black cap, sunglass at black face mask para hindi siya makilala. Ang hirap idate ang isang idol.

"Inlove ka na naman sakin"
Kahit may takip ang bibig niya alam kong nakangiti siya

"Everyday love" Sagot ko sa kanya
Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako,  inihiga ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"Let's get married" bulong niya
Halos maibuga ko ang iniinom ko dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya

"Baliw kana ba?" tanong ko sa kanya

"I'm just joking" tumatawang sabi niya at inakbayan ulit ako sabay yakap

"Someday love, someday" bulong niya. 

+++++

Mabilis lang kaming nakapasok sa eroplano since business class ang upuan namin wala masyadong hassle. Pagkaupo na pagka upo ko ay nilagyan niya agad ng kumot ang hita ko

"Thank you love" sambit ko sabay ngiti

"You're welcome" Sabay kindat niya

"Love" tawag ko sa kanya
Tumingin naman siya sakin at naghihintay ng susunod kong sasabihin

"Gagamitin mo yung unan mo?" tanong ko sa kanya
Hindi siya sumagot pero inabot na niya sakin

"Walang duda magkapatid nga kayo ni taehyung" sabay ngiti niya

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon