Shirina's POVBlaaaaaag!!
Malakas kong isinarado ang pintuan ng office ni daddy.
"Where's your manner young lady?" Tanong ni daddy.
Hindi ko ito pinansin at patabog na umupo sa Sofa.Huminga ako ng malalim bago magsalita
"Hindi ko gagawin ang interview dad, my statement is enough. Hindi naman totoo lahat ng yun"
"Pero ayaw nila paniwalaan ang statement mo so we don't have a choice kundi ang magkaroon ng interview"
"No i won't do it." pagmamatigas ko
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yeolchan kasama yung manager nila. Hindi ko ito binati o tinapunan man lang ng tingin
"Goodmorning Miss. Lee" Bati niya pero hindi ko ito pinansin
"Buti at dumating kana, pumayag na si shirina na gawin ang interview" Napatingin ako kay dad dahil sa sinabi niya
"talaga?" tanong ni Yeolchan
"No! Gawin mo mag isa ang interview. Wala akong paki kung matanggal ako bilang stage director, basta hindi ko gagawin ang interview" masungit na sabi ko
"Kung wala kang paki na mawalan ng trabaho, paano si yeolchan na may mga pangarap?" Tanong ni daddy
Bigla kong naalala si yoongi ng banggitin ni daddy ang salitang pangarap
"Makakaya mo bang makita na matapon lahat pinaghirapan niya? Matitiis mo kayang makita na nakasira ka ng isang buhay?" Dugtong na tanong pa ni daddy
Nangongonsensya ba si daddy kasi kung oo effective siya. Masyado akong sensitive pag dating sa salitang pangarap, dahil nakita ko kung paano nangarap noon si yoongi at patuloy parin na nangangarap.
Wala akong nagawa kundi gawin ang interview na sinasabi nila pero parang may mali, parang may hindi magandang mangyayari.
----
Third Person's POV
Dinumog si Shirina at Yeolchan habang papasok ng venue kung saan gaganapin ang interview.
Inakbayan ni yeolchan si shirina na tila niyakap ito papalapit sa kanya at tinakpan ang mukha nito para hindi masilaw sa flash ng mga camera. Gustong alisin ni shirina ang pagkakaakbay ni yeolchan sa kanya pero hinayaan nalang niya ito para hindi na mas lumala ang siwasyon. Nang makarating sila sa harap ay ipinaghila ni yeolchan si shirina ng upuan. Tinignan muna ni shirina si yeolchan bago umupo. Umupo si yeolchan at ngumiti sa mga tao."Paano niya nagagawang ngumiti sa ganitong sitwasyon?" Tanong na nasa isip ni shirina.
"Pwede na ba naming simulan ang interview?" Tanong ng isang reporter
Tumango silang dalawa bilang sagot"For Miss lee, totoo bang labag sa loob mo ang ginawang statement ng MS entertainment kung saan itinanggi ang totoong relasyon niyo ni Yeolchan?" Tanong kay shirina
Kinuha ni shirina ang mic
"First of all ako po ang gumawa ng statement na inilabas ng MS Entertaiment kaya hindi po labag sa loob ko yun at wala kaming relasyon ni yeolchan. Stage director niya ako at Artist ko siya yan lang po ang relasyon na meron kami" sagot ni shirina sabay baba ng mic"Mr. Kim Yeolchan itinatanggi mo rin ba ang relasyon niyo ni Miss lee?"
Kinuha ni yeolchan ang mic na nasa harap niya"Wala kaming relasyon ni Shirina" matipid na sagot nito
"Kung wala kayong relasyon bakit casual lang tawag mo sa kanya. Diba dapat miss o director? "
Tinignan ni Shirina si yeolchan ng "what are you doing" look
BINABASA MO ANG
His illegirl | m.yoongi (Completed)
Fanfiction"Pag umalis ka ngayon sa tabi ko at mawala sa paningin ko sinasabi ko sayo Quinn, kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko" Humarap ako sa kanya at ngumiti "Then forget me baby, thats the best thing you can do for me and i will owe you for tha...