His illegirl Thirty eight

187 9 4
                                    


Third Person's POV

Maagang nagising si V kaya dumiretso agad ito sa kusina para uminom ng tubig, nadatnan niya si Jin na nagluluto ng almusal

"Good morning hyung!" Bati ni V kay jin

"Good morning V! Ang aga mo yata nagising?" tanong ni Jin

"Napanaginipan ko kasi si noona" sagot ni V

"Anong nangyari?" tanong ni Jin sabay lagay ng pinggan sa harap nito.

"Nakita natin siyang nakatayo sa tabi ng dagat. Malungkot ang mukha niya pero nung lumingon siya satin ngumiti siya. Kinaway niya ang kamay niya na tila nagpapaalam, kasabay ng pagtulo ng luha niya ay unti unti siyang naglaho na parang hangin." malungkot na sabi ni V

"Okay lang kaya si shirina?" tanong ni Jin

"Good morning" Bati ni RM na may dalang libro

"Anong meron kay shirina?" tanong ni RM

"Napanaginipan siya ni V" Sagot ni Jin
Sabay lapag ng pinggan sa harap ni RM.

"Don't worry sabi nila lahat ng napanaginipan mo, kabaliktaran ang mangyayari" sagot ni RM

Isa isa ng nagsidatingan ang ibang members pwera kay Yoongi na wala pa din.

"Jimin akyatin mo nga si Yoongi" utos ni RM. Dali daling tumayo si Jimin para puntahan si yoongi

Pagdating niya sa tapat ng kwarto ni yoongi ay kumatok ito.

Tok tok tok!

"Hyung?" Tawag ni jimin

"Hyung! Mag aalmusal na tayo" Dugtong niyang sabi

Kakatok palang sana ulit si Jimin ng biglang bumukas ang pinto.

"Bababa na ako, huwag ka ng maingay" Cold na sabi ni yoongi at nauna ng maglakad pababa.
Tahimik na sumunod si jimin kay yoongi.

Nang makumpleto na sila ay sabay sabay silang kumain.

"Hyung ayoko ng kamatis" Reklamo ni Jimin sa kinakain niya

"Kainin mo yan, masustansya yan. Kung nandito si shirina--

Natigilan si Jin sa sinabi niya

"Sorry" paghingi niya ng paumanhin.
Tinignan niya si Yoongi na tila walang reaksyon.

Buzz buzz!!

Kinuha ni RM ang phone niya na nasa lamesa at binasa ang text na natanggap niya galing kay bang pdnim.

"Guys! Gusto daw tayo kausapin ni bang pdnim mamaya pagdating natin sa bighit" sambit ni RM

"Baka itatanong niya ulit kung may natapos na ba tayong kanta" Nag aalalang sabi ni Kookie

"Malamang yun nga yun" pag sang ayon ni hobi.

Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sila para pumunta sa bighit

+++++

(Bighit) 

Pagbaba nila ng sasakyan ay nagulat sila ng makita ang papaalis na police car. 

"Anong meron?" tanong ni V

"May nangyari kaya?" tanong ni RM
Dali dali silang pumasok papasok.  Nasalubong nila si manager sejin na tumatakbo papunta sa kanila. 

"Hinahanap na kayo ni bang pdnim" hinihingal na sabi ni manager

"Anong meron?" tanong ni RM

"Si Bang pdnim nalang magsasabi" Sagot ni Manager sejin

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon