His illegirl Twenty four

223 8 1
                                    


Third person's POV

Nakarating sila Venue kung saan malakas na tumutugtog ang kanta ng BTS na 21st Century Girl

"Wow" Bulaslas ni Yoongi
Napahanga ito sa nakita niyang tila isang concert ang pinuntahan nila, ang kulang nalang ay BTS.

"Tara ipapaexperience ko sayo paano ginagawa ang fan gathering" nakangiting sabi ni shirina. Hinawakan niya ang kamay ni yoongi at hinila ito papasok.

Pagdating nila sa entrance ay nilagyan sila ng stamp sa kamay na may nakasulat na Happy army day.
Nang makita ito ni yoongi ay doon niya lang naalala na July 9 ngayon at ibig sabihin birthday ng Army.

Hindi siya namukhaan ng army dahil nakamask ito at nakacap.  Kung makita man siya ang iisipin lang nila ay isa lang din siyang fanboy na ginagaya si Yoongi

"Tara doon tayo" dinala ni shirina si Yoongi kung saan madaming nagbibenta ng official and unofficial merch ng BTS.

"Ito ang isa sa mga tinatawag naming happiest place" Paliwanag ni shirina habang busy na nagtitingin ng merch

"Bakit happiest place?" tanong ni yoongi

"Kung sa non kpop fan Disneyland is their happiest place on earth, sa aming mga fangirl Concert at madaming nagbibenta ng merch ang happiest place namin. Kailangan kasi pag labas na paglabas meron na agad kami, it's a must haha. Iba yung satisfaction pag nagbubukas ka ng parcel na puno ng merch ang laman  at syempre yung satisfaction pag nadisplay mo lahat ng collection merch mo."  isinuot ni shirina ang bt21 shooky headband kay yoongi

"Ang cute talaga ng boyfriend ko" komento niya at isinuot sa ulo niya ang bt21 tata headband

"bakit si tata ang suot mo, dapat si shooky" nagmamaktol na sabi ni yoongi

"Nasayo na si shooky kaya si tata nalang kinuha ko, tutal bias wrecker ko naman si V"

"What? Bias wrecker?  So naaakit ka sa kanya ganun ba?" Tanong ni yoongi

"Noon hahaha" natatawang sagot ni shirina.  Bigla namang tinanggal ni yoongi ang headband na nasa ulo niya at naglakad papasok ng event hall.

Agad naman itong sinundan ni shirina
"Hintayin mo ako" Sigaw ni shirina
Nang malapitan niya ito ay agad niyang pinulupot ang kamay niya sa braso ni yoongi

"Napakaseloso ng boyfriend ko" natatawang sabi ni shirina pero hindi ito pinansin ni yoongi. Umupo silang dalawa sa may likod kung saan malayo sa karamihan.

"Bakit andaming pumupunta sa ganitong gathering kahit wala kami?" tanong ni yoongi.

"Sa ganitong gathering kasi mas nakikilala namin ang bawat isa. Yung kahit hindi mo sila kilala personally pero pag nagkwentuhan na tungkol sainyo nagkakaintindihan kami. Karamihan samin nakahanap ng kaibigan dahil sa pagiging army. Ganyan ang naging epekto niyo samin. You inspired and teach us to treat each other as a family" Inihiga ni shirina ang ulo niya sa balikat ni yoongi, hinawakan naman ni yoongi ang kamay ni shirina

"Thank you dahil hanggang ngayon nandito parin kayo para samin"
Naiiyak na sambit ni yoongi habang pinaglalaruan ang kamay ni shirina.

"Until the end we will walk with you" sagot ni shirina

(Playing BTS Silverspoon)

Nang tumugtog ang kanta ay may umakyat na pitong lalaki kaya nagsigawan ang lahat

"Sino sila?" tanong ni yoongi

"Sila ang mga local group na inspired by BTS. mula pananamit hanggang buhok niyo ay ginagaya nila.  Usually sa mga fan gathering sila nagpiperform" Paliwanag ni shirina napatango naman si yoongi na nagets ang sinasabi ni shirina. Habang nanunuod ang dalawa, wala silang kaalam alam na may mga army na kumukuha ng litrato nila.

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon