His illegirl Fifty (Finale)

243 15 4
                                    


Third Person's POV

Pinagmamasdan ni Shirina si Yoongi habang kalong kalong nito ang 8 months old na baby nilang si Delan. Nakaupo ang mag ama sa isang malambot na rocking chair at nakaharap sa magandang tanawin sa labas. 

"Sinong kamukha ng baby ko?" tanong ni yoongi sa anak at itinaas ito

Tuwang tuwa naman ito at halakhak ng halakhak

Napapangiti din si shirina na busy sa pagluluto ng almusal nila. Nang ibinaba niya ito ay kiniliti niya ito sa tiyan gamit ang labi nito kaya tuloy lang sa paghalakhak si baby delan. Sa kakatawa ay bigla itong umutot kaya nagulat si yoongi at natawa din. 

"Love baka nag popo na siya" Sigaw ni Shirina

Agad agad sinilip ni yoongi ang diaper nito

"Wala love, nasobrahan lang siya sa kakatawa" natatawang sabi ni yoongi
Kinurot ni yoongi ang pisngi ni delan, imbes na umiyak ito ay gustong gusto pa niya.

"Peek a boo!" Sambit ni yoongi
Tumawa na naman siya

"Ang sarap sa tenga ng tawa mo" Komento ni yoongi

"Bakit ang babaw ng mga baby no?" Tanong ni yoongi kay Shirina

"Pero ang baby pag gusto niya gusto niya hahaha" Sagot ni shirina

Nagumpisa ng umiyak si Delan kaya tumayo si Yoongi at sinayaw sayaw ito

"Gutom kana?" Tanong nito sa anak

"Hindi pa tapos si mommy eh,  kunting tiis nalang, okay? " Dugtong pa niya

Bigla niyang itong hinagis sa taas at sinalo, nang makita ito ni shirina ay nagulat siya

"Loveeeee" sigaw ni shirina

"Bakit?" tanong ni yoongi

"Baka mabitiwan mo si delan" nag aalalang sabi ni shirina

"Hindi love, tignan mo gustong gusto niya" Pangangatwiran ni Yoongi

"Gusto mo yun diba?" tanong ni yoongi sa anak

"Tara kumain na tayo" pagyaya ni Shirina

Nakahain na ang almusal nila pati na din ang smashed potato ni Delan,  nakakakain na kasi ito ng solid food. 
Kinuha ni Shirina si Delan at sinubuan ng paunti unti

"Masarap ba baby?" tanong ni shirina kay delan

"Love, bukas na ba yung start ng tour niyo?" tanong ni shirina kay yoongi

"Oo bukas na kaya baka matagal ko na naman kayong hindi makikita,  pwede bang sumama nalang kayo" sambit ni yoongi

"Love naman haha alam mo namang hindi pwede." Sagot ni shirina

"pero love nagaalala ako doon sa mga death threat na nakukuha mo" Nagaalalang sabi ni shirina

"Huwag mo na isipin yun love. Wala lang yun" sabay subo ni yoongi ng pagkain

"Paanong hindi iisipin? Mamaya kung anong mangyari sayo."

"Love wala okay.  Basta gusto ko nandun ka bukas" Utos ni yoongi

"Isasama ko si Delan?" tanong ni shirina

"Hindi. Iwan mo muna siya kila mommy" sagot ni yoongi

"Okay"

Nang matapos silang kumain ay pumasok sila sa kwarto at pilit pinapatulog si Delan pero ayaw nito matulog

"Tara nga dito" kinuha ni yoongi si delan kay shirina at pinaupo sa kandungan niya

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon