His illegirl Thirty four

170 6 0
                                    


Shirina's POV

"Hi mom" bati ko sa kanya at inilapag ang dala kong bulaklak sabay haplos ng pangalan niya sa lapida.

Umupo ako at sinindihan ko ang candila na dala ko
"Namimiss ko na ang strawberry cake mo sakin every birthday ko nung nandito ka pa."

"Simula kasi ng mawala ka mag isa nalang akong nagsicelebrate ng birthday ko. Lagi kasing busy si daddy at si kuya, minsan nga nakakalimutan ko ng birthday ko. Pero alam mo mom this day, may makakasama na akong magsicelebrate ng birthday ko. May kasama na akong kakain ng cake at may tao ng kakantahan ako ng happy birthday " sabay ngiti ko

"Sayang nga mom eh, hindi mo na siya makikilala. Don't worry mom alam kong magugustuhan mo siya para sakin. Ito siya oh" Sabay pakita ko ng picture ni yoongi sa kanya.

Niyakap ko ang tuhod ko ang tumingala sa langit

"Mom, hindi ko na alam ang gagawin ko kay daddy.  Hindi ko na siya kilala" pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan

"Kung hindi ka ba nawala ng maaga hindi siya magiging ganito? Natatakot ako sa pwedeng gawin ni daddy.  Sana hindi siya matulad sa panaginip ko" Pinunasan ko ang luha na tumulo sa pisngi ko

"Mom aalis na ako ha. Baka hinihintay na niya ako" paalam ko at muling hinawakan ang lapida

"I love you the most mom" Tumayo na ako at umalis.

hindi alam ni yoongi na birthday ko ngayon at yun ang dahilan kung bakit ko siya inaya ng dinner date, tinignan ko ang oras sa suot kong relo, 5:30PM na. 6:00 pm ang pinareserved ko para samin ni yoongi

Dumaan muna ako sa mall para bumili ng cake at dumiretso na sa restaurant kung saan kami magdidinner ni yoongi. Ito yung restaurant kung saan una kaming nag dinner ni yoongi. Nang makarating ako ay wala pa si yoongi.
Baka may tinatapos pa

I texted him na nandito na ako.
Ibinaba ko ang phone ko sa lamesa at binuksan ang strawberry cake na binili ko.

Inamoy ko ito at napakabango ng amoy
"Can't wait to eat you" Bulong ko sa cake

"Miss. Shirina gusto niyo ba ng drinks?" tanong ng staff sakin

"No it's okay" Sabay ngiti ko
Nirent ko ang buong restaurant para samin ni yoongi ayoko kasing may lumabas na naman na pictures naming dalawa

I waited for yoongi's text pero wala.
Siguro may biglaan silang ginawa.
Hindi ko mapigilan ang kasiyahan ko ngayong gabi dahil after mamatay ni mommy ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng kasama na magcelebrate ng birthday ko.

2 hours na akong naghihintay kay yoongi pero wala pa din siya,  ni tawag o text wala kaya napagpasyahan kong puntahan nalang siya sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay wala pa sila doon kaya dumiretso ako sa bighit.

Third Person's POV

Masayang nakangiti si Shirina habang papasok ng bighit. Dala dala niya ang cake na binili niya. Naiisip niya na mas masaya magcelebrate kapag madami.

Bawat madadaanan ni shirina na staff ay nakatingin sa kanya na tila may ginawa itong mali. Nagkibit balikat na lamang siya.

"Hi guys!" Masayang bungad ni shirina ng makapasok siya sa kwarto ng BTS.

"Anong ginagawa mo dito?!!" galit na tanong ni Hobi. Nawala ang ngiti ni shirina sa labi nito. 

"Ahmm hindi kasi nagrireply si yoongi kaya pinuntahan ko siya." Sagot ni shirina

"Umalis kana dito, You did a great job spying us" Napakunot ang noo ni shirina sa sinabi ni Hobi

"What? Anong spy?  Hindi ko kayo naiintindihan" naguguluhan na sabi ni shirina

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon