His illegirl Thirty nine

207 11 5
                                    


Third Person's POV

Nag simula ang bulong bulungan ng pumasok ang mga pulis sa MS Entertainment.

"Anong meron?" Tanong ng isang staff

"May nawala kaya?  O may nagnakaw?" tanong din ng isa. 

"Saan ang office ni Mr. Lee?" Tanong ng isang pulis sa isang staff

"Sa pinakahuling floor po" Sagot nito
Kaya dali daling sumakay ng elevator ang mga pulis

Nang marinig ni Mr. Lee ang tungkol sa mga pulis ay dali dali niyang kinuha ang flashdrive at nagmadaling tumakas gamit ng hagdan pero may mga pulis din na naghihintay sa kanya doon. 

"Mr. Lee taas mo kamay mo" sigaw ng isang pulis habang nakatutok ang baril nito kay Lee

Dahan dahan na itinaas ni Lee ang kamay niya agad agad naman siyang nilapitan ng pulis at pinusasan ang kamay.

"Anong ginagawa niyo?  Wala kayong warrant of arrest pwede ko kayong kasohan " Sigaw ni lee
Pinakakita ng pulis ang hawak niyang papel

"Ikaw ang kakasohan sa ginawa mo, tara sumama ka samin"
Inalalayan siya ng pulis pababa kahit nagpupumiglas ito

"I will kill you shirina" Nasa isip na sabi ni Mr. Lee

+++++++

Mag gagabi na ng makauwi ang BTS sa kanilang bahay, malungkot ang mga mukha nila. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.  Hindi nila alam kung paano babawi kay shirina sa masasakit na salitang nabitawan nila o kung makikita pa ba nila ito.

"Mapapatawad pa kaya tayo ni noona?" Tanong ni kookie

"Hindi naman nagalit si shirina, kahit nung bago siya umalis tayo pa din ang nasa isip niya" Sagot ni Jin

"Naiinis ako sa sarili ko" Malungkot na sabi ni Hobi

"Kung nandito siya at malaman niyang sinisisi natin ang sarili natin sa nangyari magagalit yun" sambit ni RM

"Bago siya umalis noon sinabi niya na huwag natin sisihin ang sarili natin,  huwag natin pahirapan ang sarili natin pag dumating yung araw na malaman natin ang totoo. Sinabi din niya na nandiyan lang siya nakasuporta satin sa malayo at May iniwan din siya satin"

Inilapag ni Jin ang box na ibinigay noon ni shirina. Kasabay ng pag lapag ni Jin ay ang pagpasok ni yoongi sa pinto.  Lumapit ito sa kanila at tahimik na umupo.

Binuksan ni Jin ang box at isa isang iniabot sa kanila ang Puzzle piece.
Hindi nila mapigilang hindi mapaluha ng makita nila ito. Kinuha din ni RM ang sulat na iniwan ni shirina at sinimulang basahin

To my Seven Stars (BTS)

Hi? haha hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat na ito. Siguro sisimulan ko nalang sa isang napalaking THANK YOU! /sabay bow/.
Hindi ako mapapagod na magpasalamat sa inyo for saving my life. Simula ng mamatay si mommy lumala ang depression ko.  Ready na akong tapusin ang lahat noong araw na yun, ready na akong igive up ang buhay ko pero narinig ko kayong kumakanta sa park at sa oras na yun pinili kong mabuhay.  BTS saved me ^^ .
Simula nung araw na yun nangako ako sa sarili ko na, i will walk with you until the end pero sorry kung hindi ko na matutupad ang pangako ko....

Saglit na napahinto si RM sabay punas ng Luha niya

"Hindi ko man kayo masabayan sa lakad ng buhay niyo, pero i want you to shine more brightly para sa mga taong nasa madilim parin na part ng buhay nila. Be a shining star to them para makita nila ang daan nila gaya ng ginawa niyo sakin. About sa puzzle piece balak ko sanang ibigay yan bago ako ikasal kay yoongi haha (I know, it will never happen) at bago mag sign off bilang army. Hindi ko inexpect na mas mapapaaga pala ang bigay ko niyan. kung hindi ngayon baka kasi hindi ko na maibigay. Wala kasing kasiguraduhan kung babalik pa ako, wala na din kasi akong babalikan...

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon