His illegirl Twenty Eight

192 6 0
                                    

Shirina's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa office pagkatapos kong maglinis ng katawan kanina.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na, it's already 7:00 PM in the evening. nakita ko din na madaming miss call sakin si yoongi.

I texted him na "Papauwi palang ako ng condo dahil nakatulog ako sa office"
Binulsa ko ang phone ko at kinuha na ang mga gamit ko. Bumaba na ako at dumeretso sa parking lot. Paglabas ko ng elevator naramdaman kong parang may nakatingin sakin, inilibot ko ang paningin ko pero wala namang tao. Hmmm baka guni guni ko lang.  Sumakay ako ng kotse at umalis na.

Third Person's POV

Nang makababa si shirina sa harap ng condo niya ay ibinigay na niya sa Valet person ang susi at pumasok na. Pagdating niya sa tapat ng elevator ay nabasa niya ang notice na sira ang elevator kaya no choice siya kundi ang umakyat gamit ang hagdan.

Sa pag akyat niya ay may nakasabay siya pero nasa likudan niya ito. Hindi na niya ito nilingon dahil baka isa din itong nakatira sa condominium. Nasa second floor palang sila ng maramdaman niyang may kung anong humiwa sa tagiliran niya, nang lingunin niya ito sa likod ay may nakaamba ng kutsilyo sa kanya buti nalang ay agad na hinampas ni Shirina ang kamay nito kaya nabitawan niya ang kutsilyo na hawak ng babaeng nakahood. Agad agad na tumakbo paakyat si Shirina at ininda ang nagdudugo niyang tagiliran.

"You'll die bitch!!!!" Sigaw ng babae na nagpakaba lalo kay shirina. Kahit takot na si shirina ay pinilit niyang ifocus ang sarili niya para makalayo sa babae.

Nakarating na si shirina sa 4th floor at
Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa hingal.

Tinakbo niya ng mabilis ang tapat ng condo niya,  pilit niyang binubuksan ang lock ng pinto niya pero dahil sa kaba at takot ay hindi niya mapindot ng tama ang combination ng password ng pinto.

"Found you!" sigaw ng babae at tumakbo papalapit kay shirina, nang malapit na ito sa kanya ay biglang bumukas ang pinto ng condo ni shirina at may humila sa kanya papasok at isinarado ang pinto

"Lumabas ka diyan! Papatayin kita!  Akin lang si Yeolchan" Parang baliw na sigaw ng babae

Nang tignan ni shirina kung sino ito ay bumungad sa kanya si yoongi.

"Sorry love, Nahuli ako" sambit ni yoongi
Biglang nangilid ang luha ni shirina ng makita niya si yoongi, niyakap niya ito ng pagkahigpit higpit.

"Shhhh! It's okay love andito na ako, wala ng makakasakit sayo" Bulong ni yoongi at hinagod ang buhok ni shirina
Nawala lahat ng takot na nararamdaman ni shirina ngayong nandito na si Yoongi.

Inalis ni yoongi ang yakap niya kay shirina at hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito

"Stop cryin love hindi na kita hahayaang masaktan ng ganun" sabay punas niya ng luha ni shirina

Nakaramdam si Shirina ng pagkahilo kaya muntik na itong matumba buti nalang ay nahawakan siya ni yoongi.
"Are you okay?" nagaalalang tanong niya kay shirina. Binuhat niyo ito ng pang kasal at pinaupo sa sofa.

"ahhh" bulaslas ni shirina ng makaramdam siya ng sakit at pag kirot sa tagiliran niya. Hinawakan niya ito at nakita niya ang dugo na nasa kamay niya. doon niya nalang naalala na nahiwa siya.

"What the asdfh*!/ You're bleeding. What happened?" natatarantang tanong ni yoongi at itinaas ang damit ni shirina para icheck ito

Tumambad sa kanya ang malalim na hiwa sa tagiliran ni shirina na ayaw tumigil sa pagdugo. Naghanap si yoongi ng pwedeng ipang takip dito.

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon