Mau's POV
"ano ba? bilisan mo nga!" malakas na sigaw ng isang babaeng kahit ganyan eh mahal na mahal ko. Siya ang bestfriend kong si Patricia.
Kasalukuyan kasi kaming naghahanda para sa pagpasok sa pinakamamahal naming school.
Ako nga pala si Maurice Andrea Ford, fifteen years old, 2nd year highschool sa Pillowfield Academy. Masasabi kong isa akong simpleng estudyante na ang karaniwang routine eh bahay,school,bahay ganun lang ang gawain namin masyado kasing protective ang parents namin. Pero hindi naman kami nagrereklamo dun kasi para din naman sa amin yun eh.
Kung tatanuning niyo kung bakit kami magkasama ni Patricia sa iisang bahay?! dahil yun sa isang mababaw na dahilan lagi ko kasi siyang namimiss oh diba? Naalala ko tuloy nung time na nagpaalam ako kay mommy.
Flashback: convo with mommy
"mommy sige na po payagan niyo na po akong mag-stay sa house nila patricia" sabi ko with matching pa-cute para effective.
"hay naku Maurice Andrea Ford wag kang makulit, kilala kita baka mamaya eh magboyfriend ka lang dun at hindi mag-aral, lalo na't hindi mo ako kasama mahirap na" mommy na nakakunot noo.
"mommy naman second year highschool pa lang po ako, hinding-hindi po yun mangyayari promise" with matching taas kamay pa.
"please mommy, mag-bebehave po ako" pahabol ko. di ako matitiis ni mommy ako pa.
*isip konte* *buntong-hininga* tapos tinignan ako ni mommy.
"aish... sige na nga basta behave ha?! ayoko pang magka-APO" natatawang sabi niya tapos niyakap ako
"mommy naman apo agad di po ba pwedeng boyfriend muna? kayo talag--- Aray ... !" naputol yung sasabihin ko kasi kinurot ako ni mommy.
"kasasabi ko lang magbehave tapos ganun sasabihin mo, gusto mo bawiin ko na na pinapayagan kita?!"
"he-he joke lang po mommy, di kayo mabiro iloveyou" kiniss ko siya sa pisngi tapos umalis na ko dun baka kasi bawiin pa niya yung sinabi niya... takot ko lang.
End of Flashback
Nagbalik ako sa katinuan nung kumatok si Patricia sa pinto ng kwarto niya tapos sumigaw.
"Maurice Andrea Ford, pasko na di ka pa rin tapos mag-bihis? aba naman baka mag-ga-gown ka pa. sa school tayo pupunta hindi sa sagala" sabi niya.
Naku pag tinawag ako niyan sa buong pangalan ko it means galit na siya, tumayo na ko tapos kinuha yung mga gamit ko para sa pagpasok.
"eto na lalabas na" sigaw ko. baka mamaya sirain pa niyan yung pinto ng kwarto niya dahil sa inis sa kabagalan ko.
*bukas pinto* "Hay salamat natapos ka din" sabi ni Patricia sa akin.
"^_____^" nginitian ko nalang siya at bumaba na para sumakay sa sasakyan at pumasok sa school.
Yehey chapter 1 updated :) waaaaahhhh .. dedicated to sa pinakamamahal kong friend na si Mosh :) alam mo kung sinu ka hehe :* love you
~>> bby_munch
BINABASA MO ANG
Afraid To Say I Love You
Teen FictionStorya ng isang babaeng natakot sa salitang iloveyou dahil hindi ito napatunayan sa kanya. Kung darating ba ang pagkakataong may taong muling magpapatunay ng pagmamahal sa kanya maniniwala pa ba siya o hinding-hindi na? StoryCover by: charm lee