Patricia's POV
Yiiiieee kilig hahaha ang tamis nung dalawa dun sa basketball court :) sana talaga maging sila na.
Ako ang number 1 fan nila pag nangyari yun.
Ang besfriend ko pumapag-ibig na ulit masaya ko para sakanya.
Mau's POV
Ay grabe ... yung totoo kinilig ako sa ginawa niya <3 ano ba? sssshhh wag kayong maingay ha? hahaha :)
Naka-uwi na kami dito sa bahay niloloko nga nila kaming dalawa ni leb eh ang tamis daw namin kanina.
Huh akala nila sila lang, di pwede yun syempre dapat kami din.
Nandito na ko sa room ko, nagsipasok na din sila sa mga rooms nila mga pagod yata eh panu daw kasi kasabwat sila ni leb dun sa surprise ekek nila na yun.
Simula nung gumawa sila ng surprise surprise na ganyan nagustuhan ko na din kalaunan, masaya pala haha di ko lang naenjoy yung dati kasi bitter pa ko nun eh ngayon hindi na :)
Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng biglang nag-ring yung phone ko, tinignan ko, eh? si leb? bakit natawag 'to? nasa kabila lang naman siya eh.
"hello...." ako.
[ hi mau... matutulog kana?! ] tanong niya.
"hm... hindi pa naman bakit?" ako.
[ hm.. wala miss na kasi kita kaya ako tumawag! ] sabi niya. Napangiti ako.
"ahh.. e nasa kabila ka lang bakit ka pa tumawag?" ako.
[ ayoko kasing pumunta dyan sayo baka hindi na ko umalis pag nagkataon! ] leb.
Ano bang pinupunto ng lalaking 'to?
"ah..." sagot ko.
[ nagustuhan mo ba yung surprise ko sayo kanina galing kong kumanta no? ] leb.
"oo na sige na magaling ka na, hm oo napaiyak mo nga ko eh!" ako.
[ mau tanungin mo nga ako kung anong pangarap ko sa buhay! ] sabi niya.
Eh? anu bang nangyayari dito?
"K.fine... anong pangarap mo sa buhay?" tanong ko.
[ ang sumakay sa jeep kasama ka! ] leb.
"eh??! yun lang?!" ako.
[ at sabihing bayad oh dalawang senior citizen! ] sagot niya.
Ayun babanat naman pala, pero sige aminin ko lihim akong napangiti sa sinabi niya. enebe.
"oh sige na tulog na ko! antok na din ako eh!" sabi ko.
[ sige... haha wag mo ng pansinin yung pick-up line ko, korny eh! ] leb.
Ay aminado hahaha :D
"haha sige... sabi mo eh!" natatawa kong sabi
[ good night! ] siya.
"good night!" ako.
[ i love you ! ] siya.
"........... sige na tulog ka na!" atsaka na yung i love you too pag sinagot ko na siya kahit oras oras pa kong mag-iloveyou sakanya gagawin ko.
Binaba na niya yung call tapos natulog na din ako.
BINABASA MO ANG
Afraid To Say I Love You
Novela JuvenilStorya ng isang babaeng natakot sa salitang iloveyou dahil hindi ito napatunayan sa kanya. Kung darating ba ang pagkakataong may taong muling magpapatunay ng pagmamahal sa kanya maniniwala pa ba siya o hinding-hindi na? StoryCover by: charm lee