Mau's POV
Sa school, umaga nandito ako sa may tapat ng cafeteria makikipagkita daw kasi si mark sa akin.
Hay naku kinakabahan ako syempre crush ko kaya yun dati. Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa akin, aish siya lang pala.
"kamusta? :)" tanong ko.
"eto ok lang, ikaw? laki na ng pinagbago mo, gumaganda ka lalo" mark sabay yakap sa akin. ngiti nalang ang naisagot ko sakanya.
Uwian ...
Habang nag-aayos ako ng gamit may nagtext sa akin, eh sinu pa ba? edi si mark.
From: Mark
"wait kita sa parking lot, may pupuntahan tayo" yun yung text niya.
Agad akong nagpaalam kay ate nette at patricia na mauuna na ko, kasama naman nila ang boys kaya ok lang na iwan ko sila.
Parking Lot ...
Nakita ko si mark na nakatayo sa harap ng kotse niya.
"Mark" tawag ko na ikinalingon niya at sinalubong ako para kunin yung mga librong hawak ko.
"saan ba tayo pupunta?" tanong ko sakanya.
"basta akong bahala, ok?!" sagot niya tapos pinasakay na niya ko sa sasakyan niya pati siya sumakay na din tapos umalis na kami.
Katahimikan ang namagitan sa amin sa gitna ng biyahe. Nahihiya kasi akong magtanong sakanya ng kung anu-ano hanggang sa nakarating kami sa dati naming school na may play ground may naalala akong bigla.
BINABASA MO ANG
Afraid To Say I Love You
Teen FictionStorya ng isang babaeng natakot sa salitang iloveyou dahil hindi ito napatunayan sa kanya. Kung darating ba ang pagkakataong may taong muling magpapatunay ng pagmamahal sa kanya maniniwala pa ba siya o hinding-hindi na? StoryCover by: charm lee