Chapter 51: This I Promise You

81 3 0
                                    

Mau's POV

"Good Morning World!" sigaw ko. Excited akong pumasok ngayon, ewan ko kung bakit haha.

Nandito ako ngayon sa bago naming bahay malapit sa university, dito na kami pinatira ni mommy para daw hindi kami mahirapan pagpasok.

May anim na kwarto dito sa bahay kaya sakto para sa barkada. Medyo awkward nung una pero nasanay na din kami.

Tinignan ko yung cellphone ko may text si Patricia, nauna na daw silang pumasok bakit kaya? mga mukhang ewan yun kagabi tawa ng tawa tapos kung anu-anong pinag-uusapan.

Hmm... hayaan mo na nga sila, makapag-ayos nalang para makapasok na.

Leb's POV

Maaga pa kami sa maaga pumasok sa school, tulog pa si mau nung umalis kami.

Pinatext ko nalang kay Patricia na sabihin kay mau na nauna na kami.

Yung naisip ko kasing plan para isurprise siya at pakiligin ginagawa namin ngayon. Nag-set up kami ng mini stage dito sa basketball court ng school.

Oo dito sa school ko gagawin yun, wala para masaya lang. Kakantahan ko si mau while playing a guitar.

"leb goodluck sa gagawin mo sana maging success!" He said while he tapped my shoulder.

I noded at him "oo naman ako pa!" sabi ko.

Panigurado akong dagdag pogi points nanaman kay mau 'to :) hahaha.

Mau's POV

Pagpasok ko ng gate ng Wixford University tahimik, walang estudyante sa ground.

"bakit ganto? wala bang pasok?" tanong ko sa sarili ko.

*libot dito*

*lakad dun*

*lingon dito*

aaarrrggghh >< wala talaga kong makitang estudyante dito. Strike ba ngayon? O nag-welga sila ni hindi man lang nila ako sinama.

Umupo ako sa may bench, nakakapagod mag-ikot =____= kahit barkada wala dito.

*facepalm* "ay baliw... may isang lugar pa pala kong hindi napupuntahan, dun sa basketball court." sabi ko tapos tumayo na.

*lakad*

*lakad*

*lakad*

Finally narating ko na din =______= uuwaaahh saket sa paa.

Lingon ako ng lingon sa paligid ng basketball court, para kong ewan na nawawalang estudyante na hindi mahanap ang room niya :3 kainis naman.

"wala namang tao pati dito, siguro nga walang pasok, hindi man lang ako sinabihan ng barkada, sayang effort kong mag-ayos. Kahit si mommy hindi din ako sinabihan." sabi ko sa sarili ko.

Sa amin 'tong school na 'to pero hindi ako inform na walang pasok ngayon -.-' Parang nalugi itsura ko dito. Makalabas na nga

Lalabas na sana ako ng court ng may biglang nagsalita.

"teka... wag ka munang umalis!" sabi ng nagsalita este sumigaw pala, medyo malayo kasi ako eh kaya sigaw yun!

Eh?! wag umalis?! kinabahan ako, di kaya end of the world ko na? kikidnapin niya ko tapos ipapatubos kay mommy? pag walang naibigay na pera si mommy papatayin niya ko? >/////< omg wag po!!!

Lumingon ako sa likod ko, may mini stage akong nakita, may mga ballons sa path na madadaanan mo papuntang stage, may petals na nakakalat sa sahig. Romantic ♡

Afraid To Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon