Chapter 13: Crush 101

103 4 0
                                    

Patricia's POV

  Tuesday ngayon, at dahil masipag kami syempre nandito kami sa school, bawal absent lagot kami sa mga parents namin pag nagkataon.

   Yun pa naman ang pinaka-ayaw nila, pagdating daw kasi ng panahon kami na ang susunod na maghahandle ng mga business nila, mangyayari yun pagka-graduate namin ng college. Kaya magpapaka-enjoy muna kami sa aming highschool life.

  Kasama ko ngayon ang dalawa kong pretty gf's, nandito kami sa tambayan sa may malapit sa fountain.

  "girls baka gusto niyong magkwento ng updates sa inyo? masyado na kayong nakangiti dyan baka mabaliw na kayo" sabi ko. panu ba naman kasi mga mukhang ewan, makangiti eh wagas tapos tulala pa.

  "Krrriiiiiinnnnggg....." tunog ng bell, ayan hindi na sila nakpagkwento eh panu bell na, kailangan na naming pumasok sa room, aish =____=

"later nalang kami magkwento sayo, after class" mau na mukhang kinikilig habang naglalakad kami sa hallway.

Ok fine, may ikukwento din naman ako sa kanila mamaya.

Dumaan ang mga subjects, bawat subjects iba-ibang teachers. English, Math, Science, Filipino.

Ugh >.< ang boring hindi naman sa ayaw kong mag-aral basta ang boring lang talaga. Maya-maya may naramdaman akong kumakalabit sa may balikat ko, paglingon ko sa katabi ko si charles pala, problema nitong lalaking 'to? ang sitting arrangement kasi namin ganito.

Leb-Mau-Clar-AteNette-Charles-Ako

  bale sa isang row lang kami, panay kalabit niya sa akin eh nagsusulat ako sobra 'to nakakaistorbo na siya, pagkalabit niya ulit nilingon ko na siya.

"bakit ba? problema mo?" inis na sabi ko sakanya.

"wala, patricia bakit ang ganda mo?" cha. with matching pang-asar na ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin, habang siya nakangiti lang. Kasabay nun ang pagtunog ng bell. Hay salamat uwian na sa wakas.

Lumabas na kaming tatlo ng room, naiwan ang mga boys may practice daw sila ng basketball sakto may pupuntahan kaming tatlo at may pag-uusapan.

Afraid To Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon