Leb's POV
Nandito pa rin kami sa pool area ng retreat house nila mau, nung naalala niya yung pangyayaring yun bigla nalang niya kong niyakap.
Alam ko na napangiti siya, sabi sa inyo effective ang plano ko.
Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin, tumayo ako tapos pumunta ako sa likod niya para isuot yung necklace na binigay ko sakanya.
Nung naisusot ko na sakanya, bumalik na ako sa pwesto sa tabi niya.
"pagka-tapos mo bang isuot sa akin 'tong kwintas iiwan mo na ulit ako?!" tanong niya. Naiiyak nanaman siya.
Inakbayan ko siya tapos sinandal ko yung ulo niya sa balikat ko.
"hindi na kita iiwan, hindi na ko aalis, ngayon alam kong kailangan mo ulit ng kasama, kaya wag ka ng umiyak hindi bagay sayo ang pangit mo" sabi ko.
Umangat yung ulo niya, tinignan niya ko tapos she smiled at me.
"thank you for making me smile! :)" mau.
Ngayong nasabi ko na sakanya kung sinu ako at alam na niya, eto na siguro yung right time para sabihin kong mahal ko siya.
Mau's POV
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na siya yon. Parang ang galing lang.
Nagulat ako nung nagsalita si leb.
"mau naalala mo yung araw na nagtanong ako sayo, kung naranasan mo ng magmahal ng taong hindi ka mahal?" tanong niya.
"hmm.. oo teka anu na nga palang nangyari dun?!" sabi ko.
"di ba sabi mo inamin mo at pinaramdam mo sa taong yun na mahal mo siya?!" tanong niya.
"oo ganun nga, eh ano naamin mo na ba?!" ako.
Pinag-intertwined niya yung kamay namin. O____O nagulat ako.
"oo eto na nga pinaparamdam ko na sakanya na mahal ko siya!" sabi niya ng nakatingin sa akin. Nasa stage of shock pa din ako right now.
"so... ako yun?!" takang tanong ko.
"oo mau ikaw yun, matagal na kitang gusto, matagal na kitang mahal hindi ko masabi sayo noon kasi baka umiwas ka, nung naging kayo ni mark nasaktan ako pero hindi nagbago yung nararamdaman ko para sayo!" paliwanag niya.
"nung nalaman kong nag-break kayo sobrang nasaktan ako kasi yung taong mahal ko lagi kong nakikitang malungkot at umiiyak. Kaya ngayon gusto kong tanungin ka, kung sasabihin ko bang mahal kita, mamahalin mo rin ako?" seryosong tanong niya.
Hindi ako makasagot... nga-nga ang abot ko dito.
"kung sasabihin ko bang gusto kong ako naman ang pumrotekta sayo papayag ka ba?!" leb.
Uuuwwwaaaahh T_____T naiiyak na ko hindi ko alam ang isasagot ko sakanya, nasaktan ko siya noon pero kahit ganun hanggang ngayon ganun pa din yung nararamdaman niya para sa akin.
"alam kong nahihirapan kang mag-decide ngayon, pero i promise maghihintay ako kahit sobrang tagal, gagawin ko ang lahat para sayo!" sabi niya.
Biglang tumulo yung luhang kanina ko pa pinipigilan, nahihiya na ko sakanya na lagi niya kong nakikitang umiiyak parang ang hina-hina ko pag ganun.
Pinunasan niya ng kamay niya yung luha ko.
"ssssshh... stop crying, gusto ko sa susunod na iiyak ka yung dahilan ay ako, pero yung iyak na hindi sakit ang dahilan, kundi yung dahilang masaya ka dahil sa akin!" leb. Sabay yakap sa akin.
"promise me, maghihintay ka!" sabi ko. tapos i hugged him tight.
"yes i will!" sagot niya tapos he kissed me in my head.
Alam niyo yung feeling na akala mo wala ng magmamahal sayo, pero mali ako may tao pa palang kayang magmahal sayo at bumuo matapos mong mabasag dahil sa sakit na naranasan mo.
Ayiiiieeee <3 sinong kinilig? taas paa :D hahaha
di ko kinaya yung confession ni leb :) e kase ang sweet <3
~~~> bby_munch
BINABASA MO ANG
Afraid To Say I Love You
Teen FictionStorya ng isang babaeng natakot sa salitang iloveyou dahil hindi ito napatunayan sa kanya. Kung darating ba ang pagkakataong may taong muling magpapatunay ng pagmamahal sa kanya maniniwala pa ba siya o hinding-hindi na? StoryCover by: charm lee