Eight

968 36 1
                                    

Eight

Sapilitan akong napabangon sa aking hinihigaan, nagulat pa si Ken ng makita ang napakalaking dark circle sa mata ko.
“Anong nangyare sayo?” Natulala lang ako sakanya habang nakabusangot.

“Hindi ka nakatulog?” Para akong robot na tumatango-tango sa tanong niya.

Matapos sabihin saakin ni Mr. Jel Arthur ang about sa 3rd floor ay hindi na ako tinantanan ng aking iniisip, gusto ko mang gisingin si Ken upang tanungin about doon ngunit ang himbing himbing ng tulog niya. Alam ko parin naman kung gaano siya kapagod sa trabaho at may hiya pa naman ako sa kanya.

“T-Teka Ken, totoo bang may nagpakamatay na babae doon sa 3rd floor?” Halos maibuga niya ang kinakain niya at hindi maiwasang hindi matawa sa tanong ko.

“Sino namang nagsabi niyan sayo?”

“Si Landlord…” Dali-dali akong naupo sa harap niya at nag-abang ng kanyang isasagot.

Kakaiba niya akong tiningnan. “Alam mo ikaw, at si Tenant 2, hindi ko alam kung anong meron sainyo pero may napapansin ako.”

Kumunot noo ako. “Tulad ng?” tanong ko

“Kahapon halos siya ang bukambibig mo saakin at pakiramdam ko mas marami pa ang pagkikita niyo kaysa saakin…” mas lalo siyang lumapit saakin at pinandalatan ako ng mata. “Umamin ka nga saakin.” Naging seryoso na ang tono ng boses niya.

“In love kana naman ba?” Woah. Hindi ako matigil sa paghalakhak dahil sa sinabi niya.

“Anong tingin mo saakin, naiinlove kaagad? Did you know na nasa vocabulary ko parin naman ang three months rule.”

Sarkastiko niya akong pinalakpakan. “At coming from you talaga? Hindi ba ikaw ang umatras sa kasal? B-Bakit kailangan mong mag-move-on kung may kailangan ng three month rule dito, hindi ikaw yun. Baliw!” Natigilan ako sa sinabi niya. Ou nga pala. Napansin ni Ken ang pananahimik ko kaya ibinalik na niya sa topic namin kanina ang lahat.

Napatikhim muna ito bago ulit magsalita. “So si Tenant 2 ang nagsabi sayo ng about sa 3rd floor? Tama ba?” Tumango ako.

“Ano na naman ba napag-usapan niyo at nasabi niya yun?” Napaisip ako sa sinabi niya, teka ano nga ba? Yung about sa Rooftop pala.

“Nag-suggest lang naman ako sakanya about sa rooftop, since ang rooftop is too plain. Gusto ko lang sanang lagyan ng halaman ang paligid para sumigla-sigla naman at alam mo namang mahilig ako sa mga halaman since may garden si Mama sa likod ng bahay, I was offering him na kahit free na ang labor basta pundohan niya lang ang mga bibilhin kong materials” pagku-kwento ko.

“And?”

“He said he’s not lowering the monthly rate for me to be thankful, and kung hindi mo ba daw sinabi saakin kung bakit walang nagtatagal na tenant sa 3rd floor? At ayun nga may nagpakamatay daw kasing babae doon, so I assume there is a ghost above us.” Hindi na naman siya matigil sa pagtawa niya kaya medyo naiinis na ako dahim imbes na sabihin niya saakin kung totoo ba yung sinabi nung Supladong iyon e’ tinatawanan niya lang.

“Tapos ano pa?” tanong na naman niya ulit.

“And If I really want to take that Unit, then gagawin niya daw ang sinabi ko sa rooftop.” Masama ko na siyang tiningnan dahil sa nagbabanta na naman ang pagtawa.

Nakakailang tikhim pa siya sa akin bago tuluyang magsalita ulit.

“About what he said sa 3rd floor, hindi totoo yun. Kaya lang talaga walang nagtatagal diyan ay dahil lumilipat na sila ng location at Yes, mababa lang talaga ang rate dito dahil hindi pa kasama doon ang mga Water Bills and Electricity. Para saakin, tine-test ka lang nun kung kukunin mo ba talaga ang Unit, naingayan siguro sayo.”

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon