Forty One

847 31 2
                                    

Forty One

"If I do something big in the past na kinadahilan para masaktan ka, will you forgive me" biglang bumalik saaking ala-ala ang mga sinabi niya noon. Ilang beses kong hinampas ang puso ko para patigilin na ang sakit nito ngunit ayaw.

Tulala akong nagtungo sa banyo upang maligo, at nagbihis. Wala ako sa sariling namili ng damit na pinaka-sexy habang naglalagay ng stocking na kulay black sa legs ko. Ang walang kolorete kong mukha ay nilagyan ko ng makapal na eye-liner, red lipstick. Sunod kong binuksan ang lagayan ng aking sapatos at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Halos hambalusin ako ni Mama ng makita niya ang ayos ko.

"S-Saan ka pupunta ng ganyan ang suot?" Hindi ko siya sinagot. Dire-diretso ang lakad ko sa sala upang makalabas ng kwarto.

"Para kang ibubugaw." Galit na sambit ni Mama at tuluyan na akong lumabas ng bahay.

Hindi ko pinansin ang bawat bulong-bulungan ng mga tao sa tuwing nakikita ako at dire-diretso lamang ang lakad ko hanggang sa dalhin ako ng aking paa sa fountain na dati lamang ay iniiyakan ko.

Maraming mga namamasyal sa paligid at kahit titik na tirik ang araw ay hindi ko ininda ang init nito. Tuluyan ko ng binuksan ang aking phone na halos apat na araw ko ng hindi binubuksan.

Pinagmasdan ko lamang ang mga sunod sunod na text na nagsisipasukan sa ibat ibang tao ngunit naphinto ako ng biglang maligaw ang mata ko sa message niya na kakapasok lang.

"I'm sorry" natulala ako sa dalawang word na iyon at inabot ako ng halos tatlong oras at nagbabakasakaling may idudugtong siya pero wala akong natanggap.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko at dinial ang phone niya. Madiin kaagad akong napapikit ng narinig ko ang kanyang paghinga sa kabilang telepono.

"I waited for 3 hours at umaasang madudugtungan ng ibang word ang tinext mo but I failed. Alam mo ba kung gaano kasakit saakin ang mga ginawa mo?" Napangisi ako at heto na naman ang aking mga luha.

"You break my heart Jel at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi kita kayang matiis, hindi ko kayang makipaglaro at sabihin sa puso kong kaya ko ang lahat. Alam mo ba kung gaano ako nagdurusa ngayon? At ang sasabihin mo lang saakin ay "I'm sorry?"

"Where are you" mala-awtoridad na bigkas niya at napapamura na naman ako sa sarili ko dahil maging ang boses niya ay kinapapanabikan ko.

Ibinaba ko na ang tawag at tulalang nakatingin sa fountain na nakikipaglaro sa tubig. Tumayo na ako at ng lumingon ako ay kaagad ko siyang nakitang papalapit saakin.

Galit ang inilalabas ng mga mata ko habang nakikita ko ang mga bagong sugat na nasa kanyang mukha. I suddenly want to hug him but itong lintik na sakit na meron ang dibdib ko ay ayaw akong payagan.

Kaagad niyang inalisa ang suot ko at halos mapanura siya sa ayos ko.

"I'm sorry, I was wrong" parang biglang tumagos sa kabilang tenga ko ang mga salitang binitawan niya. Lumapit siya saakin at akmang hahawakan ang kamay ko ngunit mabilis akong napaatras.

"Finally, you manage to say more than I'm sorry now." Sarkastikong sambit ko habang galit na galit ang puso ko.
"At mukhang pinagisipan mong maigi ang sasabihin mo habang papunta dito. "I was wrong?" Tsk!"

"I'm sorry" mapakla akong ngumiti sa harap niya.

"Are you sorry? Iyan ang mga salitang ayaw kong marinig sa mga oras na ito. Alam mo ba yun? Dahil nakakasawa, sobra."

"Can we go somewhere and talk?" Napahalukipkip ako sa harap niya.

"Why? Nahihiya ka ba sa suot ko? O nahihiya ka na baka marinig ng mga tao kung paano mo ko sinasaktan ngayon?" Nanunuyo ang lalamunan ko sa sobrang galit habang tinititigan siya.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon