Forty Eight

900 29 0
                                    

Forty Eight

"Saan kana naman ba pupunta?" Tanong ni Mama habang nakita akong gayak na gayak.

"Magkikita lang kami ni Ken." Simpleng sagot ko at tuluyan ng lumabas ng bahay. Ang lapad ng aking ngiti ng makita ko siyang nasa labas na ng aming bahay habang nakapamulsang hinihintay ako, tinatamaan din siya ng init ng araw na animoy nagkikinangan ang kakisigan ng mukha niya.

Bigla akong napatanong sa sarili ko, did I really deserve this man in front of me, I mean he is just to good be true. Para bang siya ay nasa ibang dimension ng mundo na naligaw lamang sa buhay ko. She is just a stranger na accidentally nasabihan ko ng mga pinagdadaanan ko but then he turns out to be my landlord and boss. Nakakatuwa lang how my life revolves when he suddenly appear in my life.

Nakahawak ang kanyang kamay saakin at masayang nagmamaneho, pinagmasdan ko lamang siya sa bawat pilantik ng kanyang mata.

Ang dami ko pang gustong sabihin sakanya pero ayokong basagin ang kung anong meron kami ngayon.

Siguro noon, noong masaya pa sila ni Nadine, wala sigurong mas sasaya pa kapag nakikita niya ang mga ngiti nito dahil iyon din ang nakikita ko kapag kaharap ko siya at kasama ko ito. Jel Arthur is the type of person na alam kong hindi gaano kadalas ngumiti sa harap ng iba, o maybe because he experienced a painful heartbreak kaya noong nakilala ko siya ay tipid ang bawat ngiti nito but look at him now, it feels like smiling is part his life now. Ito nga ata ang side effect kapag inlove.

Inihinto niya ang sasakyan sa isang restaurant.

"Sunduin kita mamaya, huwag masyado magpapakalasing, kilala pa naman." Nakakalokong bilin niya at lumapit saakin at mapanuksong ikinalas ang aking seatbelt.

Hindi ako nakapagtimpi, hindi ako nagalangang idapo ang aking labi sa labi niya at mapanuksong inangkin ito. After 10 seconds ay nauna na akong kumawala ng pareho kaming namula ng makita ko si Ken na, kunot noong kinatok ang binatana ng sasakyan.

"T-Tama na yan, naghihintay na sila sa loob." Napaka-wrong timing talaga ng babaeng ito. Ngumiti si Jel at nangungusap na tumingin saakin.

"You should go, mukhang kanina pa siya diyan. Call me" malungkot akong ngumiti at tumango sakanya. Binuksan ko na ang pinto ng bigla ulit akong lumingon sakanya.

"H-Huwag nalang kaya ako pumunta dito, l-labas nalang tayo, dinner." Sambit ko. Itinago niya ang kanyang ngiti dahil sa inaakto ko.

"Nandito na tayo at kanina pa sila naghihintay sayo. Nakita ka na din nila na nandito. You should go, we can date tomorrow or the day after. Marami pang oras." Napabusangot akong huminga ng malalim at lumabas na ng kanyang sasakyan.

"Call me, see you." Pinanuod ko'ng maglaho ng tuluyan ang sasakyan niya sa mga mata ko at hinarap si Ken na nakahalukipkip at umiling-iling na pinagmamasdan ako.

"That's the reason why I cannot enter the world of "being in love". H-hindi ko masikmura ang sarili kong magpapakabaliw ako sa isang lalaki" nandidiring sambit niya saakin.

"Tse, palibhasa hindi mo pa nakikita si "the one" mo." Asar ko din sakanya. Inakbayan na niya ako.

"Eww, "the one?" Whoever is he, I don't want to know him anymore, at ayokong sumali sa club ng mga babaeng nagpapakatanga dahil sa salitang "pagmamahal"" ngumisi ako at nakataas ang kilay na tiningnan siya.

Ang lakas magsalita ng tapos nitong babaeng ito, baka tatawanan ko na lang siya balang araw kapag nangyare yun.

Nang makapasok kami sa restaurant na iyon ay good mood kong pinagbabati ang mga tao na naruon, why? Because I''m so in love at pakiramdam ko napakasarap mabuhay sa mundo. Thankfully wala rito yung crush kong si Ice na sobra sobrang pinagselosan ni Jel ko. Ilang mga paliwanag pa ang binanggit namin ni Ken para lang mapapayag niya akong pumunta dito.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon