Seven

988 32 1
                                    

Seven

Napahiga ako sa mesa dito sa Rooftop habang pinagmamasdan ang pagtatakip silim ng bahaghari. Napahinga ako ng malalim at tamang tamang umihip ang malakas na ihip ng hangin dahilan para mapuwing ako. Gosh!

Napabangon ako at kinukusot ang aking mata, napaka-epic naman. Para tuloy akong kagagaling lamang sa iyak dahil sa sobrang pula nito. Bumaba na ulit ako sa 1st floor upang makapaghanda narin ng makakain ng aking pinakamamahal na kaibigan (sarcastic tone)

Binuksan ko ang refrigerator at inalisa kong ano ba ang mga pu-pwede kong lutuin but I ended up with a simple scramble egg and egg soup, paano naman kasi itlog lang ang laman ng ref niya at napakaraming in-can beer at tubig.

Nagpapasalamat na nga lang din ako at may bigas pa siya kaya may nasaing pa ako. Paano ba si Ken nabubuhay ng ganito? Mabuti na lang at nasa mga magulang pa ako kaya hindi ko pino-problema ang mga ganito.

Hindi nagtagal ay dumating nadin ito habang napakalawak ng ngiti saakin. Napansin niya kasing nakapaghanda na ako ng hapunan naming dalawa. Psh!

Matapos niyang magbihis ng pambahay ay naupo na din siya sa harap ko na which is hapagkainan. Isa-isa niyang pinagbubuksan ang mga hinanda ko at hindi ko maiwasang matawa dahil sa reaksyon niya.

"Itlog? Mukhang egg expert ka ah. Egg soup and then scramble egg, dapat sinubukan mo ding mag tortang talong, at lahat ng may kinalaman sa utlog" sarkastikong sambit niya.

"Kung meron lang diba? Kaso puro itlog laman ng ref mo, ayoko namang lumabas para lang bumili. Hindi ko pa ganun ka kabisado ang lugar, nagka-ligaw ligaw pa nga ako kanina habang nag jo-jogging buti nalang at tinulungan ako ni Mr. Tenant 2" nagsalubong ang mata niyang tiningnan ako.

"Si Tenant sa taas?" Tumango ako.

"T-Tinulungan ka?" Tumango ulit ako.

"Hindi nga? That Landlord tinulungan ka talaga?" Kaagad nag iba ang emosyon ko dahil sa sinabi niya so alam niya na Landlord namin ang nasa 2nd floor?

"So alam mo pala na Landlord natin siya?" Tumango ito.

Napaismid ako. "H-Hindi mo man lang sinasabi saakin, baliw ito."

"Sorry na, pero seriously tinulungan ka talaga?"

Sumubo na ako ng pagkain "Ou nga, bakit ba ayaw mong maniwala, ganun ba ka-suplado yun at hindi ka makapaniwala?"

"Ou."

Napa-tss na lamang ako sa harap niya at nagsikainan na ulit kami. Nabaling sa iba ang nga pinaguusapan naming dalawa kaya medyo lumipas ang oras ng mabilis. Ako na ang nagprisenta na maghuhugas at hinayaan ko suyang mag beauty rest na muna roon sa kanyang higaan habang may mga nirereview about sa trabaho niya.

Matapos ko kumilos sa bahay niya ay umakyat na ulit ako sa Rooftop, dala ko ang phone ko at isang in-can na beer sa kabila kong kamay. Napaliyad ako habang napangiti ng makitang mukhang masosolo ko ang rooftop.

Humiga ako sa mesa na naruon at pinagmasdan ang nagkikislapang mga bituin and suddenly, there is a tears na bumabagtas sa aking mga mata.

Ayoko na sanang maalala ang mga pinagsamahan naming dalawa pero hindi ko maiwasang hindi mapaluha habang naaalala ko ang mga bagay bagay na ginawa namin ng magkasama, katulad na lamang ng pag-s-star gazing.

Binuksan ko ang incan na beer at sandaling naupo para inumin ito. Naka-injan shit pa ako habang tuloy tuloy na lumalagok nito, kinuha ko ang phone ko at nilibang ang aking sarili sa mga games na alam kong magpapawala ng mga iniisip ko.

"You should not sit there" halos mabilaukan ako sa madiing tono ng nagsalita. Kaagad na lumitaw ang presensya ni Mr. Landlord I mean Mr. Jel Arthur doon.

"S-Sorry" dali-dali akong bumaba sa mesa at naupo sa upuan.

May hawak na naman itong laptop sa kanyang kamay kaya alam kong magtatrabaho na naman siya, inilihis ko ang paningin ko sakanya at naalala ang mga kondisyon na sinabi niya. Na huwag akong mag-iingay. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng Rooftop at mas maganda sana kung may mga halamang nakapaligid dito.

Tuluyan ko ng naubos ang iniinom ko at napahinga ng malalim, nagtama pa ang paningin naming dalawa. Omo, did I just do some sound?

"Sorry, naingayan ka ba?" Hindi siya nagsalita at nagfocus ulit sakanyang pagtatrabaho. Psh! Suplado mode na naman siya, wala sigurong kaibigan tong lalaking ito.

Nag-browse browse ako sa aking phone at nang magsawa ay hindi na ako nakatiis, unti-unti akong lumapit sakanya.

"Mr. Jel Arthur?" Tawag ko ng pansin niya. Hindi niya ako pinansin.

"Mr. Jel-"

"What?" Iritableng bigkas niya habang hindi man lang magawang tumingin saakin.

"G-Gusto ko lana mag propose sayo" kaagad kumunot ang noo niya dahil sa "propose" word ko.

"Hindi romantically ah, for clarrification. I mean I have some suggestion lang sana."

"Like what?" Naiilang akong naupo sa harap niya at naiilang din na ngumiti. Alam kong hindi niya naman ito papayagan, but atleast I try my best.

"Uhm, if papayagan mo pwedeng pwede ko namang pagandahin itong Rooftop mo" mas lalong nagtanong ang isip niya kaya awkward akong ngumiti "I mean, since I am on leave now at wala din naman akong gagawin, pwede kong lagyan at taniman ng mga halaman ang paligid nito, but siyempre po-pondohan mo. No labor pay lang, gift  ko na ito dahil hinayaan mo akong makuha ang unit ng murang halaga at no months deposit iyon sana ay kung papayag ka?"

Sandali siyang natigilan sa sinabi ko. "Again, hindi ko sinasabing pangit ang rooptop mo ah, naghahanap lang talaga ako ng mapaglilibangan at para din kapag tumambay ka or nag work ka mas gaganahan kang nagtrabaho since may nakikita kang halaman sa harap. Sabi nga "Working with great atmosphere is good for our health?" Para akong tangang ngumingiti sa harap niya habang gumagawa gawa ng mga kung ano anong verses para lamang mapapayag siya.

Napalunok ako ng gumalaw na siya at tiniklop ang Laptop niya.

"First of all I'm not lowering the monthly rate for you to be thankful, did you friend told you what is the main reason kung bakit walang nagtatagal sa 3rd floor?" Nanlaki ang mata ko.

"Its because there is a woman killed herself in that Unit. I'm saying this for you to be inform" What the- bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. M-May multo doon? Kaya ba napakababa lang ng Renta doon? W-Wala namang nabanggit saakin si Ken about dito.

Tuluyan na siyang tumayo. "And if you really want to take that Unit, then gagawin ko yung sinabi mo about sa rooftop. May oras ka pa para pag-isipan." At tuluyan na siyang umalis doon at bumaba. Biglang nag-iba ang mood ko habang pinagmamasdan siyang mawala sa paningin ko.

Woah, tinatakot niya ba ako? Woah!

Ako na nga itong nagmamagandang loob tapos pero totoo kaya yung about sa sinabi niya? Biglang nanayo ang balahibo ko at napalinga-linga sa paligid.

Napalunok ako at hinanda ang sariling tumakbo pababa. Shit!

Vote, Comment

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon