Forty Four

808 31 0
                                    

Forty Four

Isinubo saakin ni Mama ang free taste na meat sa grocery store. Hila-hila ko ang cart habang nakasunod lamang sakanya, since wala na akong trabaho ay wala silang ginawa saakin kung hindi ang utusan ako ng utusan.

Its  been days since huli kaming nakapamili ng mga stock na pagkain sa bahay. Since itong aking Ina ay dakilang matipid na tao bultuhan kami mamili sa lahat ng aming kinakain.

Ako ang nagprisentang magbayad ng aming pinamali at nagdala ng mga ito. Wala akong emosyon habang naglalakad at nakasunod kay Mama.

Hawak niya rin ang isang supot na pinamili namin, napangiti ako habang tinitingnan siya kahit sa pamimili niya ay masaya siya. I wish I am like that too.

Bawat nagtutumpukang mga kapitbahay namin ay tumitigil sa pagbubulung-bulungan ng dumaan kami. Mukhang ang pamilya na naman ang topic nila. Hinawakan ko si Mama at malapad na nginitian. Alam kong masyado niyang pinapahalagahan ang mga sinasabi ng tao saamin kaya pinaramdam ko sakanya ang presensya ko.

Nilalandas namin ng maayos ang daan patungo sa bahay ng pareho kami matigilan ni Mama sa paghakbang ng may maabutan kaming dalawang pamilyar na lalaki na parang magsasapakan.

"Si Brent yan hindi ba?" Tanong ni Mama ng masuri niyang si Brent ito. Tumango ako at tinitigan si Jel na kinukwelyuhan na ni Brent habang masamang tinititigan.

Magsasalita pa sana si Mama ngunit inunahan ko na ito, ibinigay ko sakanya ang mga bitbit ko at nangusap sa kanyang mga mata.

"Ma, mauna na po kayo sa loob." Sabi ko. Napahinga ito ng malalim at masamang tinitingnan ang magsasapakang lalaki sa harap namin.

"Anong gunagawa mo dito!" Inis na sambit ni Brent kay Jel habang hindi makapagsalita.

"I need to talk to-"

"Si Nadine?! Puta hindi ka pa ba nadadala sa mga suntok na natamo mo? Nakukulangan ka pa ba?!" Galit na galit na ikinuyom ni Brent ang kamao niya at isusuntok na dapat ito kay Jel pero inagaw ko na ang atensyon nilang dalawa.

Napasinghap akong galit silang tinitigan. "Brent find a place kung saan pwede kayong magbugbugan, huwag yung hahayaan niyong ipanuod saamin yang galit niyo." Inis na sambit ko habang masama silang pinagpapalitan ng tingin.

Padabog na ikinalas ni Brent ang pagkakahawak niya kay Jel dahilan para mapaupo ito sa daan.

Pinanuod ko ang pagbagsak niya at para bang gustong gumalaw ang katawan ko para lapitan siya pero hindi ako nagpadala.

Huminga ako ng malalim at unang nilapitan si Brent.

"Maghintay ka muna dito, kakausapin ko lang siya." Kakaiba niya akong nginitian at inis na iniwas ang tingin saakin.

"10 minutes, babalik ako ng 10 minutes" bigay ko ng assurance sakanya. Wala na din siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto ko.

Wala akong emosyon habang tinitingnan si Jel na nakatayo na, nauna akong maglakad at nakasunod naman siya. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin basta hinayaan ko lamang ang aking paa na maglakad.

"A-ano na naman bang kailangan mo?" Panimula ko ng usapan naming dalawa ngunit pinagmasdan lang niya ako at wala akong nakuhang sagot sakanya.

"Ano?"

"B-Bakit siya nasa tapat ng bahay niyo?" Wala sa sariling tanong niya saakin na kinadahilan para mapakla akong matawa.

"Bakit? Ikaw lang ba ang ba ang may karapatang pumunta sa bahay namin?" Bigla na itong nanahimik.

"I am dating him again." Napansin ko ang pagtigil niya at pinagmasdan ako.

Nilingon ko siya at wala sa sariling nilapitan. "B-Baka mag work ulit after all Brent was my first boyfriend at first love and we must be happily married right now kung hindi mo lang sinira." Seryosong sambit ko. Seryoso ang mga titig na pinupukol niya saakin at basang basa ko rin ang kalungkutan sa mga mata niya.

"W-Why?" Bulalas niya.

Ngumisi ako "Why?! Hindi ba natural lang na bigyan ng second chance ang bawat relasyon mas lalo na kung may valid reason?"

"At tama na, we are hurt enough lets just go back to our old self yung hindi natin nakilala ang isat-isa. And I don't want to push myself to you anymore kaya babalik na lang ako sakanya." Dahil kapag pinagpatuloy ko pa ang kahibangan ko ay hindi na naman ako makakawala sayo. Napapikit ako bago ko ulit tuluyang tingnan ang kanyang mga mata.

"Like what I said lets be a stanger to each other-"

"I miss you." Aniya. Natigilan ako sa sinabi niya at sandaling nanginig, nandito na naman ako sa aking nararamdaman.

"You dont have a right to miss me." Tagos sa ilong kong sambit. Sa pagkakataong ito ay gusto ko na siyang yakapin ngunit nag-alangan ako. Our timing now is off.

Lumapit pa siya lalo saakin at nagmamakaawang nangungusap saaking mga mata. "I miss you so much." Halos naging bulong na sa pandinig ko ang sinabi niya at yung puso ko, hindi ko na naman maipaliwanag. Madiin niyang hinawakan ang aking pala-pulsuhan at hinigit ako papalapit sakanya.

"I miss you" ulit niyang bulong. Nagtama ang tingin namin at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ngunit kusang lumandas ang luha ko habang tinititigan ko siya.

Ipinapakita niya saakin ang lungkot sakanyang mga mata habang nakatingin saakin, he feels really sorry at doon ko lang napansin na sobrang inaapoy siya ng lagnat. Namumula ang mata niya at nanginginig ang katawan niya.

"Are you sick?" Wala sa sariling sambit ko.

"I miss you, I miss you." Nanlaki ang mata ko ng biglang tumilapon si Jel sa harap ko ng suntukin ito ni Brent.

"10 minutes done, now back off." Galit na sambit ni Brent at madiin niyang hinawakan ang aking kamay l at hinila ako paalis doon.

Hindi mapalagay ang puso ko habang nakikita ko siyang nakaupo ulit sa daan at nakahawak sa labi niyang may panibagong sugat. Bago tuluyang mawala siya sa paningin ko ay nakita ko ang pagbagsak niya.

Napatigil ako sa paghakbang at kumalas sa pagkakahawak saakin ni Brent. Kunot noo siyang tumingin saakin.

"Dont tell me babalikan mo yung lalaking yun? Tangina Nadine!" Hindi ako nagsalita, natulala ako habang ang lalim ng aking iniisip.

Nagsisimula na ring pumatak ang luha mata ko.

Kinakabahan ako, ihahakbang ko na sana ang paa ko pabalik kay Jel ng maagap ulit na hinawakan ni Brent ang kamay ko at nagmamakaawang tinititigan ako.

"I'm sorry, I cant do this to you anymore. I'm really sorry." Tinalikuran ko siya at halos madapa-dapa para lang makabalik kung nasaan si Jel.

I saw him walang malay na nakahiga sa daan at kahit nasasaktan ako sa nakikita ko ay mas lumalamang sa puso ko ang kagustuhang mayakap at mahalin siya.

I dont know what are the consequenses of my action but right now is the best time to hug you.

There maybe 10,000 reason to unlove you but the fact that I love you is the one more reason to be with you.

VOTE, COMMENT

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon