Forty Seven

927 28 0
                                    

Forty Seven

Mahimbing akong natulog ng gabing iyon at nabawi ko ang pagod sa ilang araw na nagdaan.  Sa pagdilat ng aking mga mata ay hinanap ko kaagad ang kanyang Phone dahil baka panaginip lang pala ang nangyare pero hindi, totoo lahat.

Halos mapunit ko na ang kumot sa kakagat dahil sa sobrang saya at hindi makapaniwala sa nangyayare. Masigla akong lumabas ng kwarto at binati sila Mama na nanunuod ng balita.

"Mabuti at nagising ka pa, kumain kana diyan." Unang bungad saakin ni Mama. Kaagad kong sinunod ang gusto niya. Naupo ako sa hapag habang nakatanaw sa sala. Pansin ko rin ang kakaibang mga tingin nila saakin kaya ngimingitian ko lamang sila ng parang tanga.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang tumunog ang Phone niya na ikinagalak ng puso ko.

Napalunok muna ako sandali bago ko tuluyang sagutin ang tawag. "Good Morning." Malalim ang kanyang boses na bati saakin.

"Morning." Nakangiting tugon ko.

"What are doing?" Tanong niya.

"Uhm, eating."

"Kagigising mo lang?"

"Ou. Ikaw?"

"Doing some paper works, masyadong na-delay ang mga deadline kaya maaga ako pumasok para ayusin lahat bacuse I am so busy in you this past few days." Kaagad kong itinago saaking labi ang kilig na nagsisimulang umusbong saaking katawan.

"Talagang saakin ah!"pambibiro ko saknya.

"Uhu. May gagawin ka mamaya?" Tanong niya. Kaagad na naagaw nila Mama ang atensyon ko ng hindi ko mapansing nakadikit na pala ang mga mukha nila sa tenga ko. Chismosa talaga!

"Ma, anong ginagawa niyo?" Tinakpan ko ang phone na hawak ko at nagtatakang tumingin sakanila.

"W-Wala!" Nahihiya silang bumalik sa sala at nanuod ulit.

"Uhm." Balik ko ng usapan namin. "Ano nga ulit yung tanong mo?"

"May gagawin ka mamaya?" Mahinahong tanong niya.

"W-Wala diba nga wala naman ako trabaho, malamang maghapon lang ako dito sa bahay. Why? Yayain mo ba akong lumabas?" Mapanuksong sagot.

"Well if you want? I can pick you after office?" Hindi ko na maitago ang saya sa labi ko.

"P-Pero strict po ang parents ko, hindi po nila ako basta basta pinapalabas ng gabi." Pambibiro ko sakanya. Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya.

"Okay, maghahanda ako" matapos nun ay pinatay na niya ang tawag. Matagal bago ko tinanggal sa mata ko ang Phone niya. Nagsilapitan na din sila Mama sa harap ko upang makiusisa.

"Landlord?" Tanong ni Papa. Tumango ako.

"Matanong ko lang, ano nga pala ang trabaho ng landlord mo na iyan? Hindi naman siya naka-stay lang sa bahay niya at naghihintay na magbabayad kayo ng renta hindi ba? May iba pa bang pinagkakakitaan yan?" Mahabang tanong niya saakin.

"Ou."

"Ano?" Pareho silang lumapit saakin at naghihintay ng sagot.

Napalunok ako at nagalangan kung dapat ko bang sabihin sakanila pero malalaman at malalaman din naman nila. Himinga ako ng malalim.

"Sa Sy Group of companies." Diretsong sagot ko.

"M-Magkatrabaho kayo?" Kaagad akong tumango sa tanong ni Mama at sumubo na ulit ng naiwan kong pagkain.

"Anong posisyon?" Dugtong na tanong ni Papa. Natahimik na ako at hindi makatingin sakanila.

"Anong posisyon?" Balik na tanong ni Mama.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon