Five

1.1K 36 0
                                    

Five

Nakabusangot akong bumalik sa Rooftop habang hindi padin naaalis sa aking isip ang itsura nung lalaki kanina.

"Bakit ganyan na naman yang mukha mo?"

Naupo na ulit ako sa pinag-upuan ko kanina.

"Kilala mo ba yung lalaki kanina?"

"Sino?" Anang niya habang nagpapapak ng fried chicken.

"Yung nagla-laptop diyan." Ininguso ko sakanya ang pinagpwestuhan nito.

"Ah si Tenant 2, why bakit?" Inis kong tinungga ang isang in can na beer at tumingin ng seryoso sakanya.

"Diba nag banyo ako." Tumango siya. "I am running so fast para makabalik agad  ako  dito ng hindi ko sinasadyang napatid ko ang sarili kong paa at sa kasamaang palad nasalo niya ako, I mean- pwede namang hindi diba? Sinabi ko ba sakanya na humarang siya? Nagpaliwanag na ako and then suddenly bigla bigla niya akong pagbabaksakan ng pinto. Anong klaseng lalaki yun."

Napangisi si Ken sa mga kwento ko at itinuro ang ilong ko. "Lumalaki na naman yang butas ng ilong mo, mana ka talga sa Mama mo." Mapakla ko siyang tiningnan ng masama at ngumuya na din ng chicken.

"So ano na ang plano mo ngayon?" Sandali akong natigilan sa sinabi niya at nagkibit balikat.

"I dont know, mag-aapply or maghihintay? Wala akong idea."

"Magpahinga kana lang muna, hindi ba dati mo pa gustong lumipat dito, tamang tama vacant ang 3rd floor."

"Nasabi mo na saakin yan, pagiisipan ko pa. try kong umuwi sa bahay bukas kapag mainit padin ang ulo ni Mama, baka kukunin ko pero kapag pinapasok na ulit nila ako sa bahay. Bye-bye 3rd floor." Pareho kaming nagpakawala ng malalim na paghinga habang nakatingin sa mga tala.

~*~

Paggising kinabukasan ay maaga ako nag-unat unat. Nagbihis din ako ng pang-jogging habang  mahimbing pading natutulog si Ken sa tabi ko. Halos tumingkayad ako para lamang makalabas ng Unit niya.

Idinipa ko ang aking kamay habang nilalanghap ang papasikat pa lamang na araw. 5:00 am palang kaya medyo hindi pa gaanong marami ang tao sa labas. Nag-unat unat ako para makapag-warm up na sa pagtakbo ng bigla na naman akong matigilan ng makita kong pababa sa hagdan si Mr. Tenant 2.

Since maganda naman ang gising ko, sige babatiin ko siya.

Ang lawak ng aking ngiti habang handa ng batiin siya nang hindi pa nga ako nakakapagsalita ay nilampasan na ako. Psh! Apaka suplado.

Pasalamat ka at cool na cool ka sa outfit mo ngayong naka-hoddie habang may malaking headset.

Okay Nadine, maldito lang talaga yan. Huwag nating hayaang masira ang araw natin. Keep smiling.

Tumakbo na din ako ng tumakbo ngunit yung paa ko ay para bang nakasunod kay Mr. Tenant 2. Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang huminto at seryosong lumingon saakin.

"Sinusundan mo ba ako?" Madiing bigkas niya.

"Ha? Haha. Hindi no! Sadyang yung way mo ay pupuntahan ko din." Awkward  akong ngumiti sakanya pero nakatitig lamang ito saakin.

"B-Bakit?"  Naiilang na tanong ko.

Nagsalubong na ang kilay niya at mas lalong lumapit saakin. "Then if you really didn't following me, mauna ka!" I rolled my eyes again at hindi makapaniwala. Apaka feelingero talaga.

Nilampasan ko na siya at nagsimula nang tumakbo. Iniinit na naman niya ang ulo ko, okay Nadine huwag papaepekto, mahaba pa ang araw. Don't be affected on what he's saying.

Lumingon ulit ako sa aking likuran at nagbabakasakaling nasa likod ko siya ngunit wala na ito. Psh! Pero teka lang, nasaan na ba ako? Parang dinaanan ko na ito kanina, sinubukan kong tawagan si Ken pero hindi na niya sinasagot. Mukhang naliligo na ito para sa pagpasok niya, tumakbo ulit ako at lumiko sa hindi ko malaman kung saan at nagbabakasakaling tama na ang daan but another dead end again.

Haist! Dapat kasi hindi nalang ako umalis doon kay Mr. Tenant 2, hindi ko na alam kung nasaan ako.

Mahina pa naman ako sa mga direction.

Mga isang oras na ata akong panay takbo at lakad at nanakit nadin ang paa ko pero hindi ko padin alam at nakikita ang bahay ni Ken.

Naupo ako sa daan at nagbabakasakaling may dumaan para mapagtanungan ko at kaagad na lumapad ang aking ngiti ng makita ko ulit si Mr. Tenant 2 na dadaan sa inuupuan ko.

Agaran ko siyang hinarangan sa kanyang daraanan. At nagmamakaawang tiningnan.

"H-Hindi ko na kasi alam kung saan yung daan pauwi, pwedeng sumabay?" Pinaningkitan niya lang ako ng mata at nagjogging na ulit.

Bigo akong bumalik sa pinag-upuan ko. Ou na, umasa na naman akong tutulungan mo. Haist!  Sinubukan ko ulit tawagan si Ken pero unti-unti kong inaangat ang aking mata  sa pamilyar na sapatos na nasa harap ko.

"What are you doing, Lets go!" Mala awtoridad na bigkas niya. Mabilis pa sa isang segundo akong tumayo at sumunod sa gusto niya.

Hindi na siya tumatakbo, napalunok din ako ng bigla niyang ibinaba ang kanyang hoddie at tinanggal ang kanyang headset. Mas nagiging malinaw sa paningin ko ang anyo niya, ang mukha niyang hindi ko inaasahang, super gwapo. Napalunok ako.

"S-Sorry hindi lang talaga ako maalam sa lugar at mahina ako sa mga direction" basag ko ng katahimikan naming dalawa.

"Its okay." Seryosong bigkas niya at hindi na ulit nagsalita. Kahit gusto kong magsalita ay pinigilan ko ang bibig ko, bahala na.

Ilang minuto pa kaming naglakad at nang maaninag ko na ang unit ni Ken ay hindi ko na maitago ang ngiti ko.

Tuloy-tuloy ang bawat hakbang niya paakyat sa hagdan kaya wala na lamang akong magawa kundi panuorin siya, simple akong ngumiti at nagpasalamat.

May kabutihang loob naman pala si Mr. Tenant 2.

VOTE, COMMENT

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon