Thirty Five

802 31 0
                                    

Thirty Five

It's weekend, hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga nangyayare sa buhay ko ngayon. We'll I'm just currently dating my Landlord slash Boss slash Jel Arthur.

Kaagad kong hinampas hampas ang aking unan sa kama at parang batang nagpagulong-gulong sa kilig.

Hindi-Hindi ito isang panahinip lamang.

Dahan-dahan akong naglakad palabas sa aking kwarto dahil baka marinig niya ang aking paghakbang, ayokong lumikha ng ingay na kinadahilan ng pagkaka-tun-off niya saakin.

Mag-isa akong ngumingiti habang nagtungo ng banyo at naglabas ng sama ng loob.

Hindi naman niya siguro maririnig pati ito hindi ba? Oh shocks napaisip ako sa mga pinaggagagawa ko nitong mga nakalipas na araw. Omo! Pinakilala ko sakanya ang sintunadong ako kapag naliligo, ang mga pag-utot ko ng napakalakas sa Sala ang pagbu-burp ko pagkatapos kumain.

Kaagad namula ang pisngi ko sa mga naalala ko. Hindi naman siguro niya narinig lahat ng iyon diba? Omygosh! Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sakanya kapag narinig niya nga. Nakabusangot akong lumabas ng banyo at nagtungo sa kusina upang makapag-init ng tubig.

Kaagad kong binuksan ang TV saaking sala at walang alinlangang naupo sa sofa habang humihikab pa, maya-maya ay narinig ko ang pag-alingawngaw ng doorbell at- no-way. Hindi naman siguro siya iyan hindi ba? Ang aga pa masyado para maglambingan kami.

Ano bang mga iniisip mo Nadine, behave. Inayos ko muna ang sarili ko at chineck kong mabango ba ang hininga ko. Mukhang okay naman. Mahinhin kong binuksan ang pinto at kaagad napawi ang malapad kong ngiti ng makita ko si Ken doon na may dalang pagkain at ulam.

"Anyare sayo? Nu nakain mo? Parang ang saya mo?" Unang bungad niya saakin.

"Wala." Bigong sambit ko.

"Why? Bakit may inaasahan ka ba?" Pangaasar niya pa lalo saakin. Napasmirk lamang ako sa harap niya at tamad na bumalik sa sala.

"Wala nga." Sagot ko ulit.

Agaran siyang nagtungo sa kusina upang iayos ang pagkaing dala niya.

"Magkwento ka nga, anong meron sainyo ni Landlord. I mean anong status muna sakanya?." Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Anong status? Parang sinasabi mo naman na ako ang naghahabol sakanya?"

"Ganun na nga." Wala sa loob na bigkas niya. Inirapan ko lamang siya ng nakakaloko at naupo na sa hapagkainan, isa-isa niya narin pinaglalagay doon ang dala niyang pagkain.

"We're actually dating na." Sandali siyang natigilan sa sinabi ko at seryosong tiningnan ako.

"Utot mo!" Kaagad akong napasinghap sa sinabi niya.

"Totoo nga." Pagpupumilit ko.

"Paano naman nangyare yun?" Naupo na siya sa tabi ko at nagsimula ng sumubo ng pagkain.

"Uhm, He kiss me yesterday." Kaagad kong itinago ang aking kakiligan sa aking labi at halos mabilaukan siya sa sinabi ko.

"Ginawa na din naman niya sayo dati yan diba? Nagsorry pa nga siya." Panira niya ng moment ko.

"I know pero yung halik niya kagabi ay ibang iba sa ginawa niya nung gabing iyon and he also said na he really fall for me." Kilig na kilig na sambit ko.

"Naku, naku Nadine, magingat kana lang. Duda pa din ako sa mga ganyan niya sayo, as long as hindi pa nagsasabing gusto ka niya at mahal ka niya, hindi padin ako naniniwala." Napabusangot na lamang ako at nanahimik habang sumusubo ng pagkain. Hindi ko din talaga maasahan si Ken sa mga ganito, like what she always say, she's not the type of person na may paniniwala sa salitang pagmamahal because for her, she can always satisfy her heart and mind and its all about sex.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon