Thirty Three

861 31 0
                                    

Thirty Three

Sobrang pinipiga ang ulo ko ng magising ako, kaagad akong naghanap ng tubig ngunit pagdilat ng aking mata ay nasa pamilyar na kwarto uli ako. All white ulit ang nakita ng mga mata ko.

Nasa bahay na naman ba niya ako? Agaran akong napalabas ng kanyang kwarto at dali-daling uminom ng tubig upang mawala itong panunuyo ng aking lalamunan.

Ayoko na talagang uminom. Iginala ko ang aking tingin sa kabuuan ng Apartment niya at wala akong nakitang bakas niya rito.

Ano na naman ba ang nangyare saakin kagabi? Pinilit kong alalahanin ang lahat at mas lalo lamang sumasakit ang ulo ko.

Kaagad akong napabaling ng tingin sa orasan na nakasabit sa kanyang sala at halos mailuwa ko ang mata ko, shit! I'm late. Kaya pala hindi ko makita ang bakas niya.

May nakita pa akong note sa may pintuan.

"Don't force yourself, magpahinga kana lang muna." Ani nito.

Dali-dali akong umakyat ng Unit ko at sinarado ng maayos ang Unit niya, naligo at nag kung-ano-ano akong seremonya roon. Halos tinakbo ko na ang daan papalabas ng Village at agarang nagpara ng taxi. Pagkarating ko sa Building ay hindi na gaanong crowded ang elevator since late na nga ako.

Pagkapasok ko saaming floor ay busy kaagad silang nagtatrabaho. Binati lang nila ako sandali at bumalik na rin sa kanilang ginagawa. Sinilip ko si Sir President sa kanyang kwarto at nakita ko kaagad itong nagtatrabaho.

Napahinga ako ng malalim at ni-ready narin ang sarili sa pagtatrabaho. Nang bigla akong ma out of balance dahil sa sakit ng ulo. O gosh! Nakalimutan kong tanggalin ang pagka-hang-over ko.

Nagtungo muna ako sa Pantry upang makapagtimpla ng mainit na kape para mawala kahit papaano itong sakit ng ulo ng bigla akong matigilan ng pumasok si Sir Pres doon.

Nanlaki ang mata ko ng pinagmamasdan siyang unti-unting lumalapit saakin at may inabot na pagkain.

"I told you na huwag ka ng pumasok, ang tigas ng ulo mo." Bulyaw niya kaagad saakin.

"P-Para saakin ba to?" Naninigurarong tanong ko.

"K-Kumain kana, its important to eat a breakfast when you have a hangover." Aniya sa malumanay na boses. Pasimple kong tinanggap ang inaalok niya at katahimikan ang namayani saaming dalawa.

"W-Wala naman akong ginawa sayo kagabi diba po?" Nagaalangang tanong ko.

"W-Wala, maliban lang sa sinukahan mo ako." Walang emosyon niyang sambit at umalis na sa Pantry.

Naiwan akong nakanganga roon at hindi makapaniwala. S-Sinukahan ko s-siya? As in? Paano? Bakit wala akong matandaan?

Omygod! Sinukahan ko talaga siya? Bigla akong  nailang sa sinabi niya at dali-daling kinain ang binigay niyang pagkain. Pinilit kong alalahanin ang nangyare kagabi at ang huli ko lang natatandaan ay yung tumakbo ako sa sulok at sumuka roon.

Ilang beses akong sumulyap sa kwarto niya pero biglang umaatras ang pwet ko dahil sa kahihiyan. Napahinga ako ng malalim at tuluyan ng pumasok sa loob ng kanyang opisina at  niremind siya sa kanyang schedule.

Hindi ako makatingin ng maayos kaya nanatiling nakayuko lamang ang ulo ko ko sa harap niya.

After ko sabihin sakanya ang schedule niya for this day ay tuluyang nagtagpo ulit ang tingin namin na kinaiwas ko ulit.

"A-About yesterday, w-wala lang talaga ako sa sarili ko. If I made a mistake, pasensya na po. Hindi na mauulit" dire-diretsong sambit ko.

"At salamat din po pala sa breakfast." Kaagad na humakbang ang paa ko palabas sa opisinang iyon.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon