Twelve

870 34 1
                                    


Twelve

Nadine Medina POV

Ang saya ng aking gising kinabukasan dahil sa mag-uumpisa na namang magtrabaho ang aking kataawan at magsisimula na ulit mag-isip ang aking isip. Nakangiti pa akong napatingin sa aking malaking orasan na nakasabit doon ngunit kaagad nawala ang mga ngiti kong iyon ng makita ang oras. Shit! I’m late.

Halos madapa-dapa ako patungong banyo sa kakamadali, hindi ko nadin alam kung nakapag-sabon pa ba ako dahil sa kakamadali. Nasa harap na ako ng aking closet at mabilis na kinuha ang fitted kong corporate skirt at beige na long sleves. Naupo narin ako sa aking upuan at isa-isang pinaglalagay ang aking mga kolorete sa mukha.

Matapos nun ay inilabas ko ang aking 3 inches high heels pointed black shoes, at agarang lumabas ng pinto. Sinarado kong maigi ang aking 3rd floor unit at nagmamadaling bumaba. Kaagad akong nanalamin sa kotseng nakita kong nakaparada sa tapat ng building at isa-isang chineck ang aking ayos.

“Uhm, hairstyle Check.” Ipinilantik ko pa ang aking buhok. Mas lalo akong lumapit sa tinted na salamin at inalisa ang pagkaka-lipstick ko saaking sarili. “Lipstick. Check.” Sunod ko inalisa ang aking suot at iminodelo pa ito roon ngunit kaagad akong napanganga ng unti-unting bumaba ang salaaming iyon at iniluwa nito ang nakasalubong na kilay ni Mr. Landlord. Naiwan akong napanganga at namula sa kahihiyan.

“Please make sure you will provide your own mirror, Next time.” Mas lalong namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. “And please don’t ever do that…” idi-nemo niya pa saakin ang ginawa kong pag-nguso-nguso sakanyang salamin. “ever again” Mas lalo akong napatulala sa mga sinasabi niya. “At sa susunod huwag mong ipinipilantik ang buhok mo.” Wala na, wala na talaga. Parang iniwan na ako ng kaluluwa ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

Unti-unti na niyang sinarado ang bintana ng kanyang kotse at tumingin ulit saakin. “Please make sure that it will never going to happen again, kawawa sila tsk. tsk” At tuluyan na siyang umalis doon.
Sinampal sampal ko ang sarili ko sa mga nangyare dahil pakiramdam ko nilamon na ako ng lupa sa kahihiyan. Did he just see me modeling myself in front of his tinted car?

Kaagad akong napatingin sa langit. “Lord, parang awa niyo na po. Huwag niyo nawa ipakita saakin ang bwisit na lalaking iyon I mean hindi po ako nagsasalita ng masama ah. I mean yung lalaking iyon, please.”

Late na late na ako ng makarating  sa Opisina and like what the gossip wants, iba kaagad ang naging tingin nila saakin. Nagsimula na namang magbubulong-bulungan ang aking mga katrabaho doon. Kinuha ko ang aking cellphone at piniling makinig nalang ng music habang binabagtas ang opisina ng HR.

Masigla akong binati ng HR Assistant na naruon at agaran na din akong pinapasok sa loob ng opisina ni HR Manager.

“Good to see you again Ms. Nadine.” Nakangiting bati niya saakin.

“Good Morning po, mee too po.”

“By the way hindi na kita paliliguyin pa at katulad nga ng sinabi ko sayo thru phone. You will be handling a new boss starting today. Don’t worry about your requirement since may existence record kana. Ang gusto ko nalang gawin mo is puntahan mo ang top floor dahil pati ako ay wala ring idea kung sino ang hahawakan mo.” Papaano nangyare yun? HR si Ma’am tapos hindi niya alam kung sino.

Ipinakita na din saakin ni Ma’am ang new contract at mas lalong nanlaki at sumayaw ang utak ko sa offer na nakalagay doon. 50,000 per month? Hindi ba ako namamalikmata? Sinubukan kong pagpagan ang bawat zero’ng nakasulat doon pero 50, 000 nga.

Naguguluhan akong tumingin kay Ma’am. “Ma’am, hindi po ba pagbibenta ng katawan ang trabaho na ito?” kaagad na umalingaw-ngaw ang boses niya sa buong kwartong iyon dahil sa malakas na paghalakhak.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon