Two

1.5K 41 0
                                    

Two

Nakasandal ako sa aking kama habang naglalaro saaking cellphone, pinipilit kong libangin ang aking sarili sa lahat. Unti-unti naring nag-aalisan ang mga kamag-anak namin. Hindi narin matigil ang pagtunog ng mga cellphone ni Mama at Papa dahil sa sunod sunod na tawag for cancellation sa invitation. Marami ding naki-usisa kung bakit hindi na tuloy ang kasal.

Ito na sana ang araw ng kasal namin.

Halos wala akong lakas ng loob lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para kumain.

Nagsalubong pa ang tingin namin ni Mama at hinampas hampas na naman niya ako sa aking balikat.

"Ano ba ang naging kasalanan namin sayong bata ka, bakit ganyan ka" umiiyak na litanya ni Mama, hinayaan ko siyang hampasin lamang ako. Hindi ko naman masisi si Mama dahil noong ipinakita ko sakanya ang engagement ring ay halos hindi na siya makatulog dahil sa sobrang tuwa, tumabi nga ito sa tabi ko habang nakahawak lamang sa kamay ko, natatakot siyang baka panaginip lang na ikakasal na ako.

Biglang lumapit saamin si Papa at halos hindi makatingin ng diretso saaking mga mata, tulala lamang ako.

"Flor tama na yan, nasasaktan na ang anak mo." Walang nagawa si Mama kundi ang sundin ang gusto ni Papa. Naupo silang pareho sa may sala habang bumalik ako sa pagsasandok ng ulam at kanin.

Hindi ko pinahalatang umiiyak ang puso ko habang nakaharap sakanila, tiniis ko ang mga masasamang tingin saakin ng aking mga magulang at nang magtama ang mata namin ni Mama ay mapakla ko siyang binigyan ng ngiti.

"Anong nginingiti ngiti mo? Natutuwa ka ba na ito ang nakikita mo saamin? Naghihinganti ka ba kaya ka umatras sa kasal?" Sa sobrang galit ni Mama at binato niya ako ng unan at sumakto ito saaking mukha, natapon din ang pagkaing kinakain ko pero kahit gayun paman, sinubukan kong maging kalmado, sinubukan kong hindi ipahata sakanila ang nararamdaman ko.

"Ma, naman! Nasasayang ang pagkain." Inis na sambit ko sakanya.

Mapakla siyang tumingin "Nasasayang? Sa tingin mo ba hindi ka nagsayang? Sinayang mo ang mga oportunidad, nagsayang ka din Nadine. Naiirita ako sa mukha mo, doon ka sa kwarto mo kumain. Doon ka!" Para narin siguro sa makabubuti, binitbit ko ang aking pagkain sa loob ng aking kwarto at doon matiwasay na kumain.

Kumain ako habang naglalaro sa aking cellphone at hindi ko maiwasang hindi mapangiti doon.

"Nababaliw na ba talaga si Nadine?" Narinig kong bigkas ni Papa habang nakamasid saakin.

"Pakiramdam ko mamatay ako ng maaga kapag nakikita ko pa yan." Sabi naman ni Mama.

Naririnig ko sila sa kanilang paguusap pero wala akong lakas na sumabat. Hinayaan ko ang aking mga magulang na masaktan, mas mabuti ng ako nalang, mas mabuti ng ako ang alam nilang umatras dahil alam kong mas doble ang mararamdaman nila kapag nalaman nilang, Iniwan ang kaisa-isang anak nila, iniwan ng isang lalaki ang pinakamamahal na anak nila.

Mas kaya ko pang tanggapin ang lahat, mas matatanggap ko pero ayokong maramdaman nila ang sakit na meron ang dibdib ko.

Maghapon akong nakahiga sa aking kwarto habang nakatulala sa kawalan, maghapon din akong naglaro ng mga kung ano-anong laro saaking cellphone para malibang.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang biglang tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Ken doon, my one and only friend.

"Kamusta? Kamusta ang dapat na ikakasal?"

"Eto pinapagalitan dito sa bahay, nasaan ka? Labas tayo?"

"Sige, nandito na ako sa labas ng bahay niyo."

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon