Twenty Two

798 25 3
                                    

Twenty Two

Ang ganda ng aking gising habang nasa loob ng elevator. Meron pa naman akong trenta minutos para hindi ako masabing hindi late. Isa-isa kong pinagbabati ang mga ka-opisina kong alam kong may galit padin saakin and sabi nga ni God. Forgive each other, hindi ko na siguro kasalanan kong ako padin ang pinaguusapan nila diba?

Lets spread good vibes since its Monday, again.

Bitbit ko na rin ang mga pinamili kong Mug sa bawat isa. Nakatanggap na din ako ng email sa Purchasing Dept. na nasa amin narin daw ang mga supplies na nirequest ko.

I started my day making coffee, isa-isa kong pinagbibigyan sila Crell ng maiinom habang nagpapasalamat sa pagtimpla ko ng kape sakanila.

"Bute nalang dumating ka dito.." Nakangiti kong inibahan ng tingin si Mam Liza habang umiinom na ng kape.

"Ou naman po. Ayokong nagsisimula kayong magtrabaho ng walang laman ang tiyan. Kaya niyo po yan." Bumalik ako sa aking pwesto nang may ngiti sa labi at inayos ang mga schedule ni Bossing.

Hindi nagtagal ay iniluwa na ito ng Elevator. Binate ko lang siya habang tutok na tutok sa kanyang Phone.

"What? Youre going here? Im busy right now Ches. Sa iba-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya at mukhang binabaan siya ng kausap niya. Nagpigil ako ng tawa dahil sa nakikita ko'ng inis na nakaguhit sa kanyang mukha.

Nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok sa loob ng kanyang Opisina habang nagkusa na din akong gumalaw upang pagtimplahan siya ng kape.

Makaraan ang ilang minuto ay kumatok na ako sa Pinto and as usual, busy na naman siya. Dahan-dahan kong inilapag ang bago kong biling tasa'ng para sakanya.

"Kape po Sir." Tiningnan niya lang ako ng seryoso at ngumiti saakin.

Napatikhim siya at ininom kaagad ang kapeng tinimpla ko. Patago akong ngumiti habang pinapanuod siya.

"My schedule?" Mahinahong tanong niya kaya napatikhim muna ako bago magsalita.

"This 10am, may meeting po kayo sa conference Room about the new launch product. In 1pm, the planning department will be here to discuss their plan . By 3pm, Mr. Jasper want to talk to you. And by 5pm you will be having a dinner with your father."

"Okay, you may go." Aniya. Malapad akong ngumiti at tumango sa sinabi niya.

Pagkalabas ko ng kanyang opisina ay agaran akong nilapitan ni Crell.

"Mukhang nagkakasundo na kayo ni Sir Pres ah." Panunukso niya saakin.

"Ha! Hindi naman." Pero ou, tama nga siya. Hindi na siya katulad noon na halos walang makausap kapag kaharap na niya ang Computer niya.

"Gusto mo bang may sabihin akong fact sayo about kay Sir?" Kaagad nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Agad akong tumango-tango at bumulong na ito saakin.

"Did you know that only us and the higher position are the only one who know who is the president of this company" ika niya. Kaya siguro hindi ko siya kilala noon pa.

Pero bakit kaya?

"Why?" Tanong ko.

Nagkibit balikat ito saakin. "I dont know, kaya nga hindi ganun ka nagha-hire ng secretary niya kasi alam mo yun, umiiwas sila."

Ngumiti siya saakin at malapad na nginitian ako. "Kaya nga nagpapasalamat kami kasi nung dumating ka, halos hindi na niya kami pine-pressure almost hindi narin namin naririnig ang boses niya sa malaking speaker. Siguro kasi natutulungan mo siya sa mga ibang paper works. O sige na, babalik na ako sa trabaho ko. Baka makita pa niya tayo dito." Sinilip ko ulit si Sir Pres na busy sakanyang ginagawa.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon