Fourteen

830 41 0
                                    

Fourteen

Maghapon ko'ng pinag-aralan ang schedule niya, halos mapuno ko na din ito ng highlighter dahil sa kaka-review. Pero nagwo-worry na ako sa kanya, hangang ngayon hindi parin siya kumakain. Ilang beses na din akong pumasok sa kwarto niya upang tanungin siya sa kakainin niya ngunit masama lang niya ako'ng tinitingnan na animo'y masama ang magtanong sakanya.

It's already 4 in the afternoon at isang oras nalang at magu-uwian na. Sinilip ko ang mga ibang empleyado na naruon ngunit maging sila ay hindi nagiimikan dahil sa dami ng ginagawa.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa Pantry, baka may pu-pwede akong gawin para man lang malagyan ng laman ang tiyan niya.

Isa-isa akong nagbukas ng Ref doon pero wala akong nakita tanging alikabok lamang. Gumawa pa sila ng Pantry kung wala man lang palang makakain dito.

Inistorbo ko lang muna sandali si Crell at nagpaalam na pupunta muna ng cafeteria para makabili ng makakain.

Pagdating ko sa Cafeteria ay sarado na ito, nagtungo ako sa Coffee shop at bumili ng Pitong Coffeee at Donuts para saaming lahat ngunit binukod ko ang para kay Sir President.

Kaliwa't kanan ang bitbit ko, hindi ko alam kung matutuwa ba sila but since its my first day working with them isa nalang ito sa treat ko para sakanilang lahat.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang iluwa ng Elevator, awtomatikong nagbukas ulit ang glass door na naruon.

Pagkapasok ko sa loob ay nakangiti ko silang binating lahat. Isa-isa kong pinagbibigayan ng mga binili kong kape ang limang empleyadong iyon.

At halos lahat sila ay nagpasalamat saakin, kilala ko narin silang lahat. Crell is handling the Finance, siya din ang pinakabata (25 years old). Sir Gray is in the Planning (29, years old), Ma'am Liza is in Operation medyo matanda lang ako sakanya ng isang taon (28 years old). Ma'am Andrea is in Sales siya ata ang pinakamatanda saaming lahat. (32 years old) at si Sir Oliver who is in-charge to the investor (30 years old).

Inayos ko ang pagkaing ibibigay ko kay Sir, hinanda ko pa ito sa magandang lalagyan na nakita ko sa Pantry at nakangiting kumatok sa Office niya.

"Come in." Ani niya in serious voice.

Malalaki ang aking hakbang patungo sa harap niya pero focus padin siya sa kanyang pagtatrabaho.

Unti-unti kong inilapag ang cake na hawak ko at kape sa table niya dahilan para matigilan siya sa ginagawa niya.

"Ano yan?" madiing bigkas niya saakin at masama na naman akong tiningnan.

"Pagkain po."

"I know, I mean did I tell you to buy me a food? Did I tell you that I am starving?" galit na utas niya. Bigla ng nanuyo ang lalamunan ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Pero-"

"Look Ms. Medina, If I said to you to just stay put on your desk then iyon lang ang gawin mo. I'm not paying you to feed me, I'm paying you to FOLLOW me, my INSTRUCTION." Iniyuko ko ang aking ulo dahil sa pamumuo na naman ng aking luha.

"I'm sorry po." huli kong sambit at kinuha na ang dinala kong pagkain sa harap niya at umalis.

Hindi ko na napigilang bumuhos ang luha ko habang patungo'ng pantry.

Nadine naman, para namang hindi ka sanay sa mga ganung klaseng Boss, mas matindi pa nga si Sir Robert sayo noon, pero masakit parin mas lalo ng wala ka namang masamang balak. Concern ka lang naman sa Health niya.

Naupo ako sa upuan at mag-isang kinain ang binili kong Cake para sakanya. Wala naman akong magagawa, tama naman siya he's paying me for my service at hindi dahil sa nagaalala ako sa kalusugan niya.

Bumalik na ako sa aking upuan at nagfocus na ulit sa aking ginagawa, pagpatak ng alas singko ay tumayo na din ako. Sinulyapan ko ang Opisina niya at nakita ko siyang nakatayo doon habang nakatanaw sa labas.

Madiin akong napapikit, hindi na lang din ako magpapa-alam baka kung ano na naman ang sabihin niya.

Sumabay ako kila Crell sa paglabas ng Building at nagpaalam na. Mag-isa kong tinatahak ang landas patungong opisina ni Ken habang dumadampi ang malamig na hangin sa aking balat.

Parang ang haba-haba ng araw na ito. Ano na naman kaya ang mangyayare bukas?

__________*__________

Jel Arthur POV

After what I've said, I feel guilty. Pinanuod kitang bigong lumalabas sa aking opisina habang dala-dala ang hinanda mo para saakin. I dont know, when I always see you, I want to scold you all the time. Why you're always smiling even if you are literally broken inside.

Lumabas ako ng Office at nakita kitang mag-isang kinakain ang cake habang patuloy na lumalabas ang luha sa iyong mga mata.

Napahinga ako ng malalim at bumalik sa aking Opisina, nawalan na ako ng gana sa pagtatrabaho.

Napansin na kitang bumalik sa iyong pwesto but you didnt even glance on me again.

Did I hurt you again?

And once again, nagpakawala ako ng malalim na paghinga habang sino-sort out ang mga nasa isip ko.

At sa pagtingin ko sayo ay wala ka na sa pwesto mo. Masyado na pala akong nilamon na naman ng iniisip ko at hindi ko na namalayan ang oras.

Hindi ka man lang nagpaalam saakin.

Hinayaan ko ulit na lumipas ang minuto at napatanaw sa ibaba ng gusali and for the last time, I see you again.

Walking as if you don't have any pain right now. Iyon nga siguro ang kaibahan nating dalawa.

But to tell you honestly, this day is so good.

Because I see your craziness when your in shock to see me working here as a president. I smiled.

Naupo na ulit ako sa aking upuan. My biggest question now is why Dad choose you to be my secretary?

VOTE, COMMENT

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon