Twenty

837 29 0
                                    



Twenty

"Pakibaba nalang po ako dito" hindi siya nagsalita. Dahan-dahan niyang inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang Restaurant.

Tipid lang akong ngumiti sakanya at nagpaalam na. Wala lang din siyang imik na pinatakbo ang kanyang sasakyan. Psh! Hindi ba marunong mag-welcome yun?

Inayos ko muna ang suot ko at konting retouch ng make-up. Sa labas palang Restaurant ay napapansin ko na kaagad na nagkakasiyahan sa loob.

Nagtama na din ang tingin namin ni Ken. At malapad itong ngumiti ng makita ako.

"Nadine is Here" sigaw niya dahilan para halos lahat sila ay mapatingin sa papasok na ako.

"Really, nandito na siya?" Rinig ko pang bigkas noong isang lalaki.

Nang tuluyan na akong makapasok ay kitang kita ko kaagad ang dissapointment sa mga mata nila ng makita ako. Mukhang hindi ako ang ineexpect nilang Nadine.

"Ah the commoner Nadine." Dissapointed na sambit noong isa.

"Yeah,yeah. The Commoner Nadine Medina, bakit may problema tayo doon?" Asal ko. Kaagad na ngumiti saakin si Ken at inakbayan ako.

"Chill, hayaan mo nalang muna." Bulong bulong niya. Napairap na lamang ako sa kawalan at naupo sa tabi niya.

Nanghingi na din siya ng panibagong plate para saakin, tumabi saakin Troy yung number 1 bully noon at ang ultimate na may gusto kay Nadine.

"Sayang, alam mo ba kung hindi dumating si Gorgeous Nadine sa klase natin that time alam mo bang may pag-asa ka saakin." Inismiran ko siya ng ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Hindi bale nalang no" kaagad nagtawanan ang aming ibang kaklase dahil sa mga pangaasar niya saakin.

"Why? Alam ko naman yung mga pasimple mong tingin saakin noon ay may ibig sabihin. Dont worry kung wala ka lang asawa ngayon baka niligawan kita..." kaagad natahimik ang paligid namin dahil sa sinabi niya. Maging ako ay natahimik.

Naramdaman ko din ang paghawak ni Ken sa kamay ko upang pakalmahin ako. Napangisi ako ng mapakla at dire-diretsong ininum ang alak na nasa aking harapan.

"Hindi mo alam?" Mapanukso kong tiningnan si Troy.

"Ang alin?"

"I just called off our wedding."

"Why? I mean bakit?"

Inabot ko pa ang isang baso'ng nasa harap ko na punong puno ng alak at ininum ulit ito.

"For the last time, I will explain it to all of you. Sana wala nang magtatanong ha!"

"Sure." Sabay sabay na bigkas nila. Sinensyasan ko silang lahat na lumapit at makinig saakin.

Pilyo akong ngumiti at iminodel sa harap nila ang aking suot na damit, alahas at sapatos.

"If you want to have a branded bag, dress and jewelry. Plan a wedding at pagkatapos mong makuha ang mga wedding gifts, cancel it." Simpleng sambit ko sakanilang lahat.

"Woah. So lahat ng suot mo ngayon? Wedding gift sayo?" Para akong tangang tumatango tango sa sinabi niya.

Umaalingaw-ngaw kaagad ang palakpak ni Troy na nasa tabi ko. Kaya pasimple ko lamang siyang nginitian at naupo ulit.

"And my last reason is, I just love boys so much. Makita ko lng ang sarili kong nakatali sa isa-thats a No. No." Mas lalong lumakas ang hiyawan nila sa sinabi ko.

Para na lamang akong tanga sa mga kasinungalingang sinasabi ko, para lang ma-please sila.

~*~

Hindi na ako makatayo ng maayos habang habang naka-akbay kay Ken na lasing na lasing na rin.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon