Ten

930 31 2
                                    

Ten

Jel Arthur Sy POV

Hindi maipinta ang ngiti ni Rio ng makapasok ako sa loob ng bahay, umiinom din ng tubig si Jasper sa may Sala habang nagbubuklat ng magazine si Raiden at tahimik lamang. I don’t know kung anong meron sakanila at narito sila sa Unit ko.

“What’s up with that smile?” tanong ko sakanya habang kinakalas ko ang neck tie sa aking leeg.

“Wala lang, just wondering about your emotion.” Pilyong tugon nito.

“Bakit ba dito ang pinili niyong spot na pagiinuman?” tinanggal ko na ang coat ko at inihagis ito sa kama.

“You already knew how Cheska will react if he know that I am in Jasper Bar kaya as a husband tinutupad ko lang ang gusto niya.” I rolled my eyes.

“Then umuwi na kayo, bakit ba kayo nandito.”

“Alam mo ba kung gaano ka-hectic ang bahay, nanduon si Riel at si Calvin. Magpapalipas muna ako sandali dito since it’s been a while since nabuo tayo.” Sunod kong tiningnan si Jasper na isa-isa nang inilalabas ang bote ng beer sa loob ng aking ref.

“And you Jasper?”

“Me? Wala lang, just curios if sino yung Nadine na nasira mo ang buhay…” Lahat kami ay napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

“Ou nga pala, I’m dying to see kung sino iyong napagkamalan niyo’ng si Nadine mo.” Hindi ko alam kung ano ang i-a-akto ko sa harap nila, nagtama rin ang paningin namin ni Raiden kaya alam kong pati siya ay may tanong din sakanyang isip.

Napahinga ako ng malalim habang hindi na mapigilang tunggain ang alak na nasa harap ko. Si Raiden ay nasa tabi ko lamang habang pinagmamasdan ang madilim  na kalangitan, si Jasper ay medyo tinatamaan na at si Rio ay naguumpisa ng magkuwento about sa kanyang mga anak. I simply smile ngunit mas namayani saakin ang bawat luhang pinapatak ng kanyang mata habang nakikita ko siyang nakaupo sa malawak na damuhan at pinagmamasdan ang napakagandang fountain sa kanyang harapan.

Lahat ng ito ay kasalanan ko, if I didn’t ruin her boyfriend career in just one snap, baka nakikita ko siyang mas masaya ngayon. Baka hindi siya nakatira sa itaas ng unit ko at baka hindi siya pinalayas sa kaniyang tahanan. It was all my fault, kaya rin siguro pumayag ako sa lahat ng gusto niya.

I feel guilty towards her. If I was not blindly in pain during that time in the Bar because of Nadine, maybe she’s not suffering right now. Maybe all of it was not really happened.

And somehow I want to give back that happiness in her.

“Tulala kana naman…” tinapik ni Raiden ang balikat ko kaya tipid akong ngumiti sakanya.

“Are you okay? Is it about Nadine again?” tanong niya.

“Nope.”

“Then who? Don’t tell me the other Nadine?” hindi ako nagsalita.

“If I was just not that stupid during that time maybe hindi siya nahiwalayan ng boyfriend niya before her wedding.”

Napatungga na ulit ako ng alak at I don’t know, nasasapian na yata ako ng presensya nito kaya kung ano ano na ang mga pinagsasabi ko. Napatigil ako sa pag-inom ng lahat kami ay napatingin sa pintuan ng Rooftop dahil iniluwa siya nito.

“Oppss Sorry.” Nakangiting sambit niya.

“Is that her?” sabay sabay na tanong nila saakin.

“She’s pretty” bulong ni Raiden saakin. Kaagad kong inilihis ang paningin ko sakanya at sinamaan ng tingin ang may kakaibang ngiti na si Rio at Jel.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon