Forty

876 31 0
                                    

Forty
Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang nasa tapat ni Mama, hindi ko rin magawang galawin ang pagkain sa harap ko.

"Ma." Mahinahong tawag ko ng pangalan niya

"Oh ano iyon?" tipid ko silang nginitian ni Papa habang nagpipigil narin ng luha si Mama.
"P-Pwede ba tayong umalis sa lugar na ito? Pwede ba tayong lumipat, yung lugar na tayong tatlo lang. Yung lugar na kung saan walang mas higit saakin? Ayoko na dito." Nagkatinginan sila Papa sa sinabi ko at iniyuko ko na lamang ang ulo ko at pinunasan ang aking luha.

"Pasensya na kayo saakin. Talagang nahihirapan na ako Ma, Pa." tuluyan ng bumuhos ang napakaraming luha sa aking mata at para akong limang taong gulang na umiiyak at nagsusumbong sa mga magulang niya.

Biglang tumabi saakin si Papa at niyakap ako, si Mama naman ay hinawakan ng mahigpit ang kamay ko habang sinasabayan na ako sa pag-iyak.

Dinamayan nila ako kahit hindi nila alam ang rason, lumipas ang buong gabing iyon na tulala akong nakatanaw lamang sa aking kisame. Kinabukasan ay wala akong lakas na bumangon upang pumasok.

Kumuha lang ako ng iilang alak na idinisplay ni Papa sa aparador at nagpakalunod sa aking kwarto.
Hinayaan ako nila Mama na magpakasawa at magkulong , in-off ko na rin ang aking Phone at lumalabas lang ng kwarto sa tuwing may pagkaing ibibigay sila Mama.

Pinakuha ko narin kay Papa ang lahat ng gamit ko sa apartment na dahil wala na akong balak na bumalik pa roon.

Pagsapit ng tanghali ay lumagapak ako sa aking kama at nagsisimula na namang tumulo ang luha sa mga mata ko habang naalala ang lahat. Napakatanga mo Nadine. Sobrang tanga. Ilang beses ako nakakarinig ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay namin at ilang beses din akong nagbabakasakaling siya iyon, pero hindi.

Ano na naman ba ang ginagawa mo Nadine? Umaasa kana naman. Bumagsak na naman ang luha sa mga mata ko habang paulit-ulit akong binibigyan ng sakit. Biglang naglaho ang kalasingan ko dahil sa simpleng pag-asa na nagpapabuhay ng puso ko.

Gabi na ng biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at iniluwa nito si Ken na nagaalala. Napansin niya rin ang mga kalat saaking kwarto ngunit sandali ko lamang siyang tiningnan at uminom na ulit.

"Ano bang nangyayare sayo Nadine?" nagaalalang tanong niya saakin.

"Nagaalala na sila Tita sayo maging ako. Kung gusto mo'ng uminom tara sasamahan kita..." pagod kong idinilat ang mga mata ko at seryosong tumingin kay Ken.

"T-Tara." Walang ganang sabi ko at nagpalit na ng damit. Hinayaan ko siyang kausapin sila Mama sa sala at nung handa na ako ay ngumiti lamang ako kila Mama at tuluyan ng nagpaalam. Tahimik at wala akong imik habang binabagtas namin ni Ken ang pinakamalapit na Resto Bar paglabas ng Village.

Hinayaan ko lamang siyang umorder ng aming maiinom habang tulalang kong pinagmamasdan ang paligid.
Naagaw ulit ni Ken ang atensyon ko ng katukin niya ang mesa at mapakla ko siyang nginitian.

"Ano ba talaga ang nangyare sayo?" Nagpakawala ako ng malalim na paghinga ngunit kalakip noon ay ang luhang nagsisimula na naman.
Sa bawat bigkas ko ng aking pinagdadaanan sa harap ni Ken ay dalawa na kaming lumuluha. Ilang beses niya akong pinatatag ngunit nagiging blangko ang isip ko.

Lumipas ang ilang minuto at medyo natatamaan na si Ken ngunit para saakin naglalaho lamang ang alcohol sa aking katawan at lumalabas ito sa aking mata.

"K-Kasalanan ko ata ito lahat. During the week of your wedding, I was really drunk that time at dahil sa sobrang pagka-proud ko sayo. I broadcast it sa isa sa mga Bar na iniinuman ko, parang may nagtanong saaking lalaki that time about you at palagi ko lang sinasagot ito because I know all about you..." biglang namuo ang luha sa mata ni Ken at nagsimula na itong umiyak.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon