Thirty One

801 32 0
                                    

Thirty One

Tahimik akong nakatanaw sa dinaraanan namin at mapaklang sumulyap sakanya. "I almost thought na totoo yung sinabi mo kanina but then I keep imagining things again. Its our win win deal, hindi ba?" Hindi siya nagsalita. Napaismid ako at napairap sa kawalan. Hawak ko padin ang panyo'ng inabot niya saakin at ayokong mag-assume muna sa isip ko. Gusto kong komprontahin siya about rito kapag hindi na ako lasing.

Tahimik kaming dalawa habang tuluyan ng huminto ang sasakyan sa tapat ng apartment. Padabog kong kinalas ang seatbelt at walang sali-salitang lumabas sa kanyang kotse.

"If you didn't like me, then leave me alone. Huwag mo nang pakialaman pa ang mga gagawin at susuotin ko dahil wala kana doon." Huling litanya ko sakanya bago tuluyang umakyat sa 3rd floor.

Nahuli ko pa siyang nakatanaw saakin at walang emosyong tinitingnan ako. Sa sobrang inis ko ay padabog ang bawat hakbang ko paakyat nang bigla niya akong hinigit at inis na hinarap sakanya.

"Yeah. I don't like you, in fact I hate you so much so stop appearing in my dream and mind. I am not the one who always gives you trouble, ganun ka din saakin. I tried so hard to avoid you. Naiinis na ako sa sarili ko, alam mo ba yun?! Fuck!" Napahilamos siya sa kanyang mukha at galit na galit na sinuntok ang pader na nasa harap niya. Nanlaki ang mata ko at kinakabahang tiningnan siya.

"Leave, I want you to leave..." salitang hindi ko inaasahang maririnig ko sakanya ngunit itinaas ko lamang ang kilay ko sa sinabi niya.

"Leave? Me? If you are hating yourself because of my presence then you should be the one who' will leave. Kung sino ang may ayaw na makita ako, sila dapat ang umalis. Why would I leave, if you don't like me then fine. I will try so fucking hard para lang pigilan ito. After your rejection, sure. Itatanim ko na sa utak ko na hindi tayo pwede at ayokong ng umasa sayo." Hinubad ko sa harap niya ang jacket na suot ko at galit na galit na ibinato sakanya.

"Dont ever appear in my face having the jealous face again, baka bigyan mo na naman ako ng pag-asa." Galit na galit kong isinarado ang pintuan ng aking Unit habang tuluyan ng nagbagsakan ang luha sa mga mata ko.

Humahagulhol ako, hinayaan kong marinig niya ang aking bawat hikbi. Gusto kong kaawaan niya ako, gusto kong maramdaman niya na sa bawat luha'ng inilalabas ko ay maguilty siya. Mainis siya.

I wish all the people na ayaw akong makasama ay mamatay, sana lahat ng taong ayaw akong mahalin ay mawala . Sana mamatay lahat ng taong ayaw saakin, sana maguho na ang mundo at ako na lang ang matira. Sana.

Itinulog ko ang lahat ng sakit ng nararamdaman ko, itinulog ko lahat ng mga masasakit na salitang natanggap ko sakanya. And maybe even if I am asleep, I feel like I am also crying.

~*~

Sinadya kong magising ng tanghali, sa klima ng pilipinas ay ramdam na ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis sa buo kong katawan ngunit lahat ng iyon ay ininda ko. Ayokong lumikha ng ingay, gusto kong akalain niyang patay na ako sa taas dahil wala pa siyang ingay na naririnig mula sa akin.

Tuluyan akong napabangon ng marinig ko ang maiingay na alingaw-ngaw ng doorbell, para akong sinabunutan sa buhok ko dahil sa sobrang gulo nito at isa pa hindi pa ako nakakapagpalit ng damit ko kagabi. Tamad na tamad kong binuksan ang pinto at unang bumungad saakin si Papa na may mga dalang pagkain.

"Tanghali na, gumising ka na nga." unang bungad saakin ni Papa. Tamad akong bumalik sa aking kwarto at nahiga ulit. Wala akong balak makipag-kwentuhan sakanila ngayon.

Hindi nagtagal ay sumilip si Mama.

"Magbihis kana, may bisita tayo." Aniya at isinarado ulit ang aking pinto. Napairap lamang ako sa kawalan at mas lalong nagtalukbong ng kumot ngunit pumasok na naman si Mama at galit na hinila ang kumot ko.

"Tirik na tirik ang araw, bumangon kana sabi diyan. Tingnan mo nga yang suot mo, huwag mong sabihin saakin na natulog ka'ng ganyan. Kaya nga gusto kitang mag-asawa na para hindi kana umaakto ng ganito. Bumangon kana!" Inis na inis akong napabangon at galit na tiningnan si Mama. Padabog kong kinuha ang towel at damit na pambahay, lumabas ng kwarto at walang lingon-lingong nagtungo sa banyo para makapaghilamos at magbihis.

Pagkatapos ng aking seremonya sa banyo ay nagtungo kaagad ako sa hapagkainan, kompleto na sila roon ngunit kapansin-pansin ang mga kakaibang ngiti nila habang nakatingin sa katabi ko. Unti-unti kong nilingon kung sino ito at halos malaglag ako sa aking upuan ng makita ko si Jel sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na sabi ko sakanya.

Kaagad akong nakatanggap ng batok galing kay Mama. "Yung tono nga ng boses mo..." malapad siyang ngumti kay Jel at napanganga ako habang pinagmamasdan ko si Mama ng ganito. Isa lang ang gusto niyang mangyare. Panigurado akong tatad-tarin na naman niya ng tanong itong lalaking nasa tabi ko at kung pasado ito sa gusto niya. Siguradong-siguradong ipu-push niya akong i-date ito.

"Huwag mo nalang muna intindihin si Nadine. Bagong gising kasi pero hindi naman talaga yan ganyan. Ang ibig kong sabihin, hindi iyan tanghali kong magising." Napahalakhak ako sa sinabi ni Mama at napaismid. As if naman, hindi niya alam ang oras ng gising ko. Napairap ako.

"Mabuting babae naman itong anak ko. Nga pala, gusto lang sana namin magpasalamat sa ginawa mong pagtawag saamin nung may sakit siya." Pinagmasdan ko si Jel at ang lapad ng ngiti niyang ngumiti sa harap nila Mama. Why he is so plastic, aminin nalang niya na ayaw niya saakin. Why is he smiling like that, mas lalo akong naiinis.

"Wala po iyon." sagot nitong lalaki'ng nasa tabi ko. Nagsimula na akong sumubo ng pagkain sa harap nila habang sila Mama at Papa naman ay hindi matigil sa pag-o-offer ng pagkain sa lalaking ito. Tahimik akong ilang beses na napapabuntong hininga sa ginagawa nila.

"Ano pala ang trabaho mo?" panimula ni Papa ng tanong sakanya. Sinilip ko lamang siya sa kabila kong mata at nagtuloy ulit sa pagkain.

"Office related po, more on handling ng business." sagot nitong katabi ko.

"Talaga? Yung magulang mo? Anong-" Pabagsak kong binagsak ang hawak kong kutsara at tinidor at masamang tiningnan sila Mama at Papa.

"Tama na, Ma." bulyaw ko sakanila.

Kaagad akong sinamaan ng tingin ni Mama at ngumiti ulit na tumingin kay Jel na nakatingin saakin. "Huwag mo nalang muna siya pansinin pero katulad nga ng sinabi ko kanina hindi naman tala-" Naikuyom ko ang aking kamao at inis na inis na tiningnan itong nasa tabi ko.

"Sinabi ng tama na nga..."

Hinampas ulit ako ni Mama at pinandilatan ng mata. "Ano ba? Hindi ka ba titigil?" Galit na galit na utas niya saakin at ngumiti ulit sa katabi ko.

Napasinghap akong tumayo sa kinauupuan ko. "He didn't like me, okay. Uulitin ko ayaw niya saakin. Kaya huwag niyo na siyang tinatanong ng kung ano-ano dahil hindi mangyayare yang iniisip niyo."Tuluyan akong nag martsa paalis doon ng bigla akong matigilan sa sinabi ni Mama.

"Bakit? Anong meron sa anak ko at ayaw mo sakanya? Did he force herself to you para lang magustuhan mo siya? Bakit? Anong wala sakanya na meron sa iba, hindi ba siya pang-wife material? Sabihin mo! Umamin ba siya sayo at hindi mo siyang nagustuhan? Sa tono ng boses niya alam kong gusto ka niya pero ayaw mo lang. Bakit, anong mali sa anak ko?" Madiin akong napapikit at tuluyang pumasok sa loob ng aking kwarto. Bigo akong napaupo sa sahog at niyakap ang aking sarili habang naririnig ko parin ang mga tanong ni Mama sa labas.

"Nadine is not a type of woman na kapag may nagustuhan ay hahayaan na lang, siya ang tipo ng babaeng gagawin lahat para lang masabi sa taong yun ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang pagsisihan lahat. Dahil ba doon kaya hindi mo siya nagustuhan? Dahil ba doon!" bulyaw ni Mama. Biglang tumulo ang luha sa mata ko habang naririnig kong pinapakalma ni Papa si Mama.

Nanahimik ako sa isang tabi, lumipas ang ilang oras at naririnig ko ang ingay nila Mama sa labas. Alam kong wala narin doon si Mr. Landlord pero si Mama ay hindi padin matigil sa kakatanong. Wala akong magawa upang maibsan ang sakit na nararamdam nila after all ako din naman ang gumagawa at nagdedesisyon ng lahat, nadadamay lang sila sa mga sakit na pinagdaraanan ko because we are family.

VOTE, COMMENT

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon