Twenty Six

783 25 3
                                    

Twenty Six

Padabog kong inilapag ang katawan ko sa couch sa may sala. Napatulala ako. Woah! Niyakap ko si Mama na nasa aking tabi at tumulo ang luhang kanina pa umaagos sa mata ko.

“Tumigil ka nga, nanunuod ako.” Pagpupumiglas niya ng yakap ko. Hindi ko parin siya pinakawalan. Bigla akong natawa bigla habang umiiyak. Gusto kong magwala! Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

His ex-fiancé is NADINE MEDINA? WHAT THE FUCK! E’ halos sinabi ko na sakanya lahat ng dissapontment ko noong nagaaral ako. Mas lalo akong napahalakhak sa mga naiisip ko, sa mga naalala ko. Kung gaano ko kinainisan si Nadine sa mga kwento and yet ito pala yung isa sa naging bahagi ng buhay niya. At wala man lang akong ka-alam-alam.

Wala na akong pakialam kung magalit si Mama. Pinatay ko ang pinapanuod niya at nagpatugtog ng sobrang lakas habang parang tangang sinasayaw ang bawat tugtog na lumalabas sa Playlist ko. Ayokong makarinig ni kahit anong kaluskos. Wala akong pakialam kung magalit siya saakin dahil sa ingay. WALA AKONG PAKIALAM!

Ayokong makapag-usap sila ng maayos.

“NADINEEEE! HINDI KA PA BA TITIGIL?” Galit na galit na sigaw saakin ni Mama. Hindi ko siya pinansin, mas lalo ko pang-itinodo ang musika at nagtatatalon doon. Gusto kong mailabas itong frustration at inis sa aking katawan. Gusto kong pasabugin ang dibdib kong kumukulo dahil sa nakita ko.

NAIINIS AKO! How can you let her come in your house? Matapos ng lahat ng mga ginawa niya sayo? Matapos ng mga ipinakita mo saakin at walang alin-langan akong nahulog sayo, Mr. Landlord, Sir President at Jel Arthur. How can you let her? Ngayon magkakabalikan na ba kayo? Magpapakasal?

Napaparanoid na ako! Matapos kong i-admit sa sarili kong nahuhulog na ako tsaka pa darating ito. Tsaka pa darating ang babaeng hindi lang nagbigay pait sayo pero nagbigay din ng pasakit saakin.

Nakakatawa!

I laugh. Hindi ako tumigil sa paghalakhalk dahil gusto kong marinig mo ang mga peke kong ngiti habang nakikipagusap ka diyan sa babaeng iyan.

Siguro masaya ka because after all narinig mo mula saakin kung gaano ka famous yang minahal mo.

Hinahampas-hampas na ako ni Mama para patahimikin pero ayaw tumigil ng puso ko. Gusto kong sumugod. Gusto kong gutay-gutayin yang katawan mo.

“Ano bang nangyayare sayong bata ka!” frustrated na sambit ni Mama habang nakaharap sa harap ko at pinapanuod akong umiiyak.

“HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO SAYO!” Sigaw niya at tuluyan na siyang nagtungo sa kwarto ko. Hinayaan niya akong mag-isang nagiingay sa Sala. Hinayaan niya akong sumasayaw mag-isa habang umiiyak.

Lumipas pa ang ilang minuto at natulala na ako, napansin ko narin ang paglabas ni Mama ng kwarto at pinatay ang tugtog ko. Nag-alsabalutan siya ng damit, at itinayo ako roon.

“Umuwi kana. Uuwi na tayo! NABABALIW kana.” Hindi ko alam pero napasunod ako ni Mama. Ipinikit ko ang aking mata habang iniluwa na kami ng Unit ko. Dahan-dahan ang pagbaba namin ng hagdan hanggang sa matigilan ako’ng napatingin sa 2nd floor.

Mapakla akong ngumiti at sa sobrang sama ng loob ay kinuha ko ang aking sandal na suot at ibinato iyon sa bintana niya. Narinig ko pa ang pagkabasag nito at biglang nataranta si Mama dahil doon.

Nagtama ang tingin namin ni Mr. Landlord ng sumilip siya roon at galit na galit ang ipinukol kong tingin sakanya.

Inis kong hinila si Mama doon at nagmadaling maglakad upang makauwi sa aming bahay. Tulala ako buong byahe habang rinig na rinig ko ang bawat pagsinghap ni Mama at masamang tingin saakin. Pagkarating namin sa bahay ay nagdire-diretso kaagad ako sa aking kwarto at natulalang nagtalukbong ng kumot.

Ilang beses ko ring naririnig ang pagtatalo ni Mama at Papa dahil saakin pero naging manhid na naman ata ako at wala ng pakiramdam sa iba-

Hinayaan kong humupa ang inis at galit na meron ang dibdib ko. Makalipas ang ilang minuto ay nakatanggap ako ng text galing sakanya.

Sir Pres:
Come home, I’m waiting for you.
Kaagad akong napabalikwas sa aking hinihigaan at ang traydor kong puso ay nagsisimula na namang tumibok. Paulit-ulit kong binasa ang text niya at hindi ako mapakali hanggang sa kusa na ulit gumalaw ang mga paa ko at dali-dali’ng lumabas ng bahay.

Narinig ko pa ang pagtanong nila Mama saakin ngunit hindi ko na pinansin. Nakayapak akong nagpara ng taxi at sumakay doon. Tinakbo ko narin ang aming Village at hingal na hingal na nakarating sa Rooftop. Nakita ko siyang nakaupo doon habang titig na titig na nakatingin saakin.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hangang paa at hindi ko mabasa ang emosyong nilalabas niya. Pilit kong pinakalma ang nagwawala kong puso dahil sa aking pagtakbo at napatikhimsa harap niya.
Pinunasan ko rin ang pawis kong patuloy na tumutulo at naglakas loob na humakbang papalapit sakanya.

“Babayaran ko yung sa salamin. Sorry” napalunok ako at naupo na sa tabi niya.

Hindi siya nagsalita at tinitigan niya lamang ako. Bigla akong nailing sa mga titig na pinupukol niya.

“I’m sorry…” unang salitang bumungad sakanya.

“Because I didn’t tell you about Nadine, you must be so frustrated. Kaya ba…” madiin siyang pumikit sa harap ko at seryoso akong tumingin saakin.

“malakas ang sound mo? Kaya ba binato mo kami?” Hindi ako nagsalita.

“It’s my fault, Im sorry.” Sincere na sambit niya saakin ngunit mapakla ko lamang siyang nginitian.

“You must be happy, Jel.” Inis na bigkas ko sakanya.

“I told you all my unforgettable at embarrassing moment and it’s all about you ex. You must be very proud. Ou, you should be. Siguro habang nagku-kwento ako, you must be telling yourself. “Of course, that’s my girl. Iyan ang babaeng minahal ko.” Nakakatuwa ba? Natuwa ka ba sa mga pinagdaanan ko? Natutuwa ka ba dahil ganito ako? Sa tingin mo ba laro lang saakin ang lahat. Mr. LANDLORD? I trusted you all my secret na hindi ko sinasabi sa iba. But then I choose a wrong person to trust again. But anyway, thank you parin for listening.” Mapakla akong napatayo sa kinauupuan ko.

At pinagmasdan ang sarili kong nakapantulog at nakayakap. Napa-tss ako sa kawalan.

“At siguro naiisip mo, I am a cheap woman. Why? Because in just one text, halos magkandarapa na akong tumakbo para lang hindi ka paghintayin. Yeah! I am that kind of person. Pasensya kana. Ni hindi ko na nga alam kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon.” Matagal, ilang Segundo akong napapikit sa harap niya.

Napalunok ako at tumingin sa kawalan. “Nababaliw na nga ata talaga ako. Pasensya na ulit.” Nagsimula na akong tumalikod sakanya ngunit maagap niyang hinawakan ang kamay ko ng napakahigpit at tumayo.

Biglang nagunahan ang pagtulo ng luha sa mata ko ng makita kong bigla niyang hinubad ang suot niyang tsinelas at dahan-dahang isinuot ito saakin.

Bakit ka ba ganito Mr. Lanlord? I want to hate you, hindi mo alam kung gaano kita gustong sigawan habang nakita ko kayo kanina but you always gave me a reason to like and love you.

“Please don’t do this anymore, Jel.” Naikuyom ko ang aking kamay habang nagpipigil sa aking damdamin. Tumayo na siya at pumantay saakin ngunit isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya saakin.

“If you want to hate me, go on. You’re free to do all of it. Kung iyon lang ang magpapabawas ng inis mo saakin, gawin mo. But don’t ever stop me from doing something right for you.” Ika niya na nagpalambot ng tuhod ko. Tuluyan ng bumigay ang puso ko.

“Is it also right for me, Jel Arthur to like you?” Hindi siya nagsalita but I feel his comfort thru his hand as he patted my back.

I smile genuinely at tinanggap ang yakap niya saakin.

VOTE, COMMENT

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon