Forty Five

889 31 0
                                    

Forty Five

Nanginginig kong kinuha ang cellphone niya at tinawagan sila Mama, hindi nagtagal ay napansin ko narin ang paglapit nila Mama at tarantang tinatanong ako sa nangyare. Hawak ko ang kamay niya at kahit napapaso sa init nito ay gusto kong maramdaman niya na hindi na siya nagiisa.

Pinagtulungan namin siyang buhatin patungong bahay, inayos ko ang kama ko at dahan-dahan siyang inihiga dito. Wala parin itong malay. Kumuha sila Mama ng towel at maligamgam na tubig at inilagay ito sa maliit na lalagyan. Tinanggal ko ang sapatos niya at tinitigan siya. Sunod sunod na nagsituluan ang luha ko sa nakikita ko, ang putla putla niya at halos hindi ko na maitsura ang mukha niya sa mga sugat at pasa nito.

Nahuli ako ni Mama na humahagulhol at umiiyak.

"Bakit ka ba umiiyak? Hindi naman makakatulong yan." Tiningnan ko lang siya at mas lalong umiyak.

"Ano ba kasing nangyare sakanya at ganyan ang itsura niya." Napailing iling lamang ako at naupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko siya habang hindi padin matigil ang aking mga hikbi.

Napapikit ako at inalala ang sinabi niya kanina "I miss you" dinamdam ko ang mga katagang iyon. Dinamdam ko lahat ng mga paulit ulit na sinabi niyang iyon at mas lalo akong napaiyak.

Pinigaan ko ang towel na ibinigay saakin ni Mama at pinunas ko ito sa mukha niya. Mas lalo akong nasaktan.

Why? Bakit hindi ko man lang naisip nung nagdurusa ako ang bawat sakit na natatanggap niya kay Brent, he didn't even fight back at tinanggap lahat ang bawat suntok at pasa na meron ang mukha niya.

Bakit hindi ko man lang nakita noon kung gaano siya nagsisisi dahil sa nangyare, pero ang tanga tanga ko kasi hindi ko nakita iyon nabulag lamang ako sa sakit na idinulot niya saakin.

T-Tinulungan akong hubaran siya ng pang-itaas ni Mama para mapunasan at halos manlumo ako ng puno ng pasa ang katawan niya, wala akong tigil sa pag-iyak habang dumadampi ang pamunas ko sa katawan niya. Maging si Mama ay naaawa rin.

"Kung sino man may gawa sakanya nito, sigurado akong matindi ang galit nun." Napalunok ako.

Pumasok si Papa sa loob ng kwarto at sapilitang kinuha saakin ang pamunas na hawak ko.

"Sa labas kana lang muna maghintay, kami na muna nang Mama mo ang bahala dito." Aniya. Kahit ayoko siyang iwan roon ay wala akong nagawa.

Niyakap ko ang aking sarili sa may sala at natutulala, habang ipinipikit ko ang aking mata ay pasa niya lang at sugat ang lumalabas sa isip ko.

Habang gabi-gabi siyang nasa labas ng bahay namin, iniinda niya ba lahat? Iniinda niya ba lahat ng sakit na binibigay namin emotionally and physically? Paano niya pa nagagawang humakbang patungo sa bahay namin kung ganun ka lala ang sakit na nararamdaman ng katawan niya? Paano pa?

Buo ang loob kong tumayo at lumabas ng bahay. Tinahak ng mga paa ko ang daan patungo sa bahay nila Brent.

Ilang beses akong huminga ng malalim at hindi inalintana kung ano ang itsura ko ngayon, gusto ko lang talaga siya makausap.

Nagdoorbell ako sa bahay nila at ang Mama niya kaagad ang bumungad saakin.

Ang dami niyang tanong pero wala sakanya ang atensyon ko, tinawag niya lamang sandali si Brent at nakangiti na itong bumaba habang nakatingin saakin.

"Sabi ko na nga ba at babalikan mo ako." masayang pahayag niya.

Napansin ko na rin ang presensya ng mga nagulang niya sa tabi ko pero wala akong balak na kausapin ang miski isa sakanila, nagbagsakan ang luha sa mga mata ko at dahan-dahang lumuhod sa harap niya.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon