Nine

897 30 6
                                    

Nine

Padabog kong nilapag ang isang baso ng tubig habang ramdam na ramdam ko ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Naguumpisa pa lang ako sa paglilinis at pagaayos ngunit pagod na kaagad ako, dapat pala ay hindi ko muna pinauwi si Papa para kahit papaano ay may nakakatulong pa ako.

Hapon na at kwarto ko palang ang naayos ko, sandali akong nagpahinga at isa-isang pinagbubuksan ang mga Wedding Gift na balot na balot pa. Baka lang kasi may mga magagamit pa ako dito, sayang naman kapag maitambak lang.

Halos lahat naman ata pwede kong magamit, kaya napangiti ako. May magandang naidulot rin naman pala ang muntik ko ng pagpapakasal, dahil doon ay nagkaroon ako ng mga instant na gamit.

Naglinis ulit ako sa sala at pinag-uurong ang isang mahabang couch na pinadala saakin ni Mama para may magamit ako. Yung TV ko din sa kwarto ay narito kaya hindi ako gaanong nahirapan, may maliit rin akong refrigerator at ang mga kulang nalang ay ang Utensil na which is bibilhin ko pa mamaya sa Department store sa oras na matapos ako.

Makaraan ng ilang oras ay padabog ko ng ibinagsak ang sarili ko sa malambot na kama at napangiti-ngiti.

"Natapos din!" bulalas ko. Ipinahinga ko muna ang aking katawan at hindi napansing nilamon narin pala ako ng kama.

Gabi na ng magising ulit ako, kinuha ko na ang towel at naligo. Sinigurado ko rin na maayos ang daloy ng tubig dito sa taas at mukhang maayos naman. Kumakanta-kanta pa ako habang nagsa-shower, hindi ako makapaniwalang wala na ako sa puder ng aking mga magulang.

In my 29 years of existence palagi akong nasa tabi nila kaya excited na kinakabahan ang nararamdaman ko ngayon dahil it is my first living by myself without them.

Habang naka-topless ay in-on ko ang Bluetooth speaker at nagpatugtog habang nagbibihis, maya-maya ay tumunog ang doorbell at mas lalo akong napangiti. Malamang si Ken na iyan, sinabi niya kasi saaking maaga siya uuwi dahil sasamahan niya daw ako sa pamimili.

Masigla ko siyang pinagbuksan ng pinto habang hindi inalintana ang nakatopless kong katawan ngunit-OmyG, napatulala ako ng makita ko si Mr. Landlord na nanlaki ang matang nakatingin saakin.

"MAMA!" Wala sa loob na sigaw ko at dali-daling sinarado ang pinto.

Putragis, did he see me like this? Halos madapa-dapa ako para lang makita sa salamin ang itsura ko. Nakapusod ang buhok ko habang tumutulo pa ang basang basa kong katawan at-at towel lamang ang humaharang sa aking pagkatao.

Napatulala ako sa kawalan, wala na! Wala na, my most precious asset nakita na niya.

'O common Nadine, huwag kang feelingera, may takip lahat ng kung anong dapat makita sayo. Dont act like he see all of it' sarcastikong bigkas ng aking konsensya.

Pero.

Dali-dali akong nagbihis para malabas ko ulit ang alam kong naghihintay na si Mr. Landlord sa labas, huminga ulit ako ng malalim at awkward na nginitian siya.

"S-Sorry I didnt mean-' bigla akong napatigil sa pagsasalita ko. Teka lang, bakit nga pala ako ang nagso-sorry sakanya? Hindi naman ako may kasalanan.

Pinasadahan niya ulit ako ng tingin mula ulo hanggang talampakan at kaagad na nag-iwas ng tingin.

"A-Ano po iyon?" nahihiyang tanong ko sakanya.

"C-Can you just lower the volume of your speaker, rinig na rinig sa ibaba." masungit na sambit niya. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya about sa huwag maingay. Ou nga pala, nakalimutan ko.

"Ou nga pala, S-Sorry."

"Good." nagbabadya na sana ulit siyang umalis sa harap ko ng bigla mapakunot noo ako sa mga inaasal niya.

"T-Teka lang, hindi ka ba hihingi ng paumanhin saakin?" Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko at humarap ulit saakin.

"Why would I?" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Woah.

"You also see me in that state and you also didn't apologies, so its quits, I guess" I rolled my eyes at him at tuluyan na ulit siyang umalis.

Inis na inis kong sinarado ang pinto ko at tuluyan nang nag-inet ang ulo. I wonder kung paano pinalaki ng mga magulang niya iyon at ganun ka suplado, may mga kaibigan pa kaya yun?

Bumaba na ako sa Unit ni Ken dahil handa na daw ito sa pamimili namin, pareho kaming nagpara ng taxi at masayang sumakay doon. Hindi ko na muna kinuwento sakanya ang mga nangyare dahil paniguradong wala na namang gagawin ito kung hindi tawanan ako.

May inabot siya saaking Alumni Invitation. Grand Reunion about our college batch.

"Pupunta ka?" Tanong ko habang binabasa ang nakasulat doon.

"Ou. Tara? Sama kana"

"Pagiisipan ko pa." Tanging naging tugon ko at nanahimik na, bigla ko tuloy naalala ang buhay college ko na hindi nagbigay ng magandang karanasan saakin, aside from the stress na nakuha ko noon sa bawat course and subject and I hate the fact na palagi akong naiikompara.

"Did you remember, Nadine? Nadine Medina?" Napalunok ako. Of course, bakit ko naman makakalimutan ang magandang si Nadine Medina e halos siya ang nagpasakit saakin noon, siya palagi ang ikinukompara saakin noon at that time doon ko unang beses na sinisisi ang aking mga magulang sa pangalang binigay nila saakin.

I was always compare because of my name, magkapareha kasi kami.

I'm a commoner Nadine Medina and she's a gorgeous Nadine Medina.

"I heard she's coming at did you know na bali-balita din na dapat may papakasalan siyang son of the owner of a well-known company, but she ran-away."

"Papaano mo naman nalaman yan?" Tanong ko sakanya.

"Hello Girl, nasa group chat natin. I-on mo kasi yang social media mo minsan para hindi ka napag-iiwanan."

"Alam mo namang trabaho lang ako dati diba?"

"Okay okay." Pag-sang ayon niya.

Tumingin ako ng seryoso sakanya. "A-Anong company I mean sino pala mapapangasawa niya at bakit niya tinakbuhan?"

Napakibit balikat ito. "I dont know, basta ang alam ko lang High School sweetheart niya iyon."

Bigla na akong natahimik dahil sa sinabi niya at nagpara sa Taxi Driver. Iwinala ko muna ang iniisip ko about kay Nadine kaya nag-enjoy na muna ako sa pamimili ng aking magagamit sa aking bagong tahanan.

Vote, Comment

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon