Twenty Three

816 29 0
                                    

Twenty Three

Mabigat ang aking hakbang habang paakyat ng 3rd floor, hanggang ngayon ay humahapdi padin ang labi ko dahil sa sugat. At hindi ko parin makalimutan ang nangyare kanina.

-Flashback-

Pagkaupo ko galing sa banyo ay unti-unti kong sinilip si Sir Pres sa kanyang kwarto, buti nalang at hindi nakasara ang automatikong kurtina kaya malaya ko siyang nakikita sa loob.

Pero biglang nagsalubong ang mata ko ng bigla siyang humagalpak ng tawa sa loob. Namumula na naman ang pisngi ko. Omygod! Ito na nga ba ang sinasabi ko, pagtatawanan talaga niya ako.

Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa naririnig kong malakas niyang pagtawa at ang hindi ko mas maipaliwanag ay ang presensya ng lima kong kasamahan na nasa tabi ko na pala.

Mukhang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila.

"Anong nangyare? Bakit tumatawa si Sir?" Tanong ni Sir Gray saakin. Napalunok ako at hindi nakapagsalita.

"First time ko lang siyang makitang tumawa ng ganyan." Sabi ni Mam Andrea.

"Ako din. Ano kayang nangyare?" Sabi naman ni Sir Oliver. Awkward akong nguniti ng makita ko ang seryoso nilang tingin saakin.

"W-Wala po akong alam." Maang-mangan ko.

Bumalik na sila sa kanilang pwesto habang hindi parin tumitigil sa pagtawa si Sir na nasa loob. Pinagmasdan ko siyang halos mangiyak ngiyak na hinahampas ang kanyang mesa dahil sa tuwa.

This is also my first time hearing him laugh, at kung may pagkakataong papiliin ako kung gagawin ko ulit iyong nangyare kanina. I will not hesitate to do it again, kung ito lang ang paraan para mapangiti at mapasaya ka ng ganyan, gagawin ko ulit.

-End of Flashback-

Inilapag ko lamang sandali ang gamit ko sa Unit at umakyat na din ng Rooftop. Niyaya kong lumabas si Ken kanina ngunit mukhang busy ito sa kanyang trabaho.

Pagkaupong pagkaupo ko ay nagtama kaagad ang tingin namin ni Mr. Landlord na may namumuo na namang ngiti sa kanyang labi.

"Sir, I mean Mr. Landlord. Kanina pa kita naririnig na tumatawa sa Office. Utang na loob tama na...." mas lalo siyang napatawa sa sinabi ko kaya huminga na lamang ako ng malalim at pinagmasdan siya. Maging ako ay nahahawa na din sa kanya.

"Hindi ba dapat ilibre mo ako dahil napatawa kita ng ganyan?" Napatikhim siya sa sinabi ko.

"Okay na ako sa Fastfood." Bigla siyang naglakad paalis doon kaya napahinga na lamang ako ng malalim. Ano nga naman bang aasahan ko kay Mr. Land-

"Ano pang hinihintay mo, lets go." Kaagad nagdiwang ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Seryoso, ililibre niya ako?

Dali-dali akong nagbihis ng short at simpleng t-shirt sa bahay at lumabas na. Ang lawak ng aking ngiti ng makita ko siya na hinihintay ako habang nakapag palit na din. Sabay kaming naglalakad sa Village na iyon at wala din akong idea kung saan niya ako dadalhin but since hindi niya dala ang kotse niya, palagay ko malapit lang.

Huminto kami sa isang Restaurant na hindi ko alam na nag-e-exist pala sa lugar na ito. May malapit palang kainan dito malapit saamin? Hindi man lang ako napapasyal ni Ken dito.

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon