Conflict Fifteen
~
Napatango-tango ako sa senaryong nakikita ko. Aba! Akalain mong pwede palang mag-PDA dito?
-
Tatakpan ko na sana ang inosenteng mga mata ng bunso ko para di niya makita ang kahalayan sa harap namin pero naalala ko.. Tengene. Di nga pala nakakakita 'to.
Umiling iling ako ng isa't kalahati. Minsan talaga nasosobrahan na ko sa kakaimagine. Pero ayos din sana yung makakita si Shizumi para kung sakaling may pera ako.. ipapasyal ko siya sa Italy! Hehehe. Asa pa ko. =__=
Napatingin ako roon sa dalawang naghahalikan. Aba't akalain mong.. tapos na?!! YUN NA YUN?! Di man lang ng isang minuto! Kung ako yan.. 12 minutes kiskisan at walang patiran! Walang hingahan! HAHAHAHA!
"Oh? Sama mo makatingin ha?" Puna ko pa kay mukhang takong. Pano kung makatingin sakin para bang inggit na inggit sa kagwapuhan ko. Inismuran niyalang ako saka inakbayan si Anrielle. Nagtuloy-tuloy silang maglakad.
Pinasakay niya si Anrielle sa Audi namin. Naks! NAMIN TALAGA!
Nagpaalamanan sila tapos edi yun, inalalayan ko na sina Shizumi at Ellaine sumakay. Dahil dun, payapa kaming nakaalis.
Nakita ko si Anrielle na namumula sa harap kaya inasar-asar ko.
"Naks oh! Nakikipag-LP na si Anrielle! Ayiiee~" Sinundot sundot ko siya sa tagiliran kaya lalo siyang namula.
"Eeekk! Vlad!" Hiyaw niya.
"Vlad ka dyan? Kuya mo ko! Kuya! Aba----kung hindi lang sinabi sakin kanina ni Ellaine na triplets kayong tatlo nila Anjie Shizumi, hindi ko pa sana malalaman na mga kadugo ko kayo!" Pagtatampo ko pa kunwari. Nilingon niya naman ako saka ngumiti.
"Hi, Kuya!"
Nagliwanag ang ekspresyon ko nang tinawag niya ko nun kaya naman, natuwa na ko sakanya.
"Nice! Ikaw na ang baby ko Anrielle, okay?" Maagap naman siyang ngumiti sakin kasabay ng pagtango.
Now, I can't believe it. Nakukuha ko na ang loob nila. Mejo hindi pa nga lang kay Ellaine. Pero magagawan ko ng paraan yan. Hehehe, may deal kami eh.
Flashback~~~
Inutusan na naman ako ni Nanay na sunduin ang dalawa kong kapatid sa Vanguard Corvette Academy. Pero this time, nasa Audi na ko with manong F.D. slash Family Driver.
Pagdating ko dun, nabungaran ko na agad sa gate si Ellaine na naka-Euphemia hairstyle. Mukha siyang malungkot kaya hayun nilapitan ko siya.
"Ellaine.. psst. Huy!" Tawag ko sa kanya. Mabilis siyang tumingin sakin ang kaso ay biglang nanlisik ang mata niya sakin.
"What are you doing here?!"
Aww. Ang hard ni kapatid sa kagwapuhan ko ah. Inggit ata siya?
Pero dahil trip kong mag-acting ngayon. Sige. Go lang ng go.
I leaned closer to her habang ikinukulong siya ng mga kamay ko sa isang yakap.
"I'm here to love you, Ellaine... to love.. you." Bulong ko sa tenga niya. Naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan niya at pati kaba niya ay dama ko na. I smirked as I let her go. Ganun na yun? Ang bilis palang maapektuhan ng kapatid kong 'to. Tsk. Tsk. Next time tuturuan ko siya kung pano magpakipot. ^__^
"Huy, Ellaine! Gising na!" Natatawa ko pang sabi hanggang sa unti-unti na siyang mahimasmasan.
Namumula siyang napatingin sakin at saka umirap. AKALAIN MO YUN?!!
BINABASA MO ANG
Sisters' Conflict {BTS Fanfic} → Triplets' Conflict (On-Going)
Teen FictionBook 1: Sisters' Conflict Book 2: Triplets' Conflict Book 3: - - -