[10] - A Holiday

632 24 12
                                    

Conflict Ten

~

Simula nang makita ni Vlad ang nanay niya, most of the time palagi na kong mag-isa. Hindi naman sa namimiss ko yung gagong bespren ko na yun na ubod ng kapal ng mukha.

Pero kasi nakakapanibago... Wala na yung kaibigan kong laging umaasa sa akin sa kahit na anong bagay.

-

.

.

Nasa harap ako ngayon ng limang babaeng umiinom dito sa Claymore Cafe & RestoBar. Tulad ng dati, heto ako taga-kuha ng orders ng mga customers.

Rinig ko ang alitan ng dalawang babae sa kanila. Samantalang yung iba ay naghahagikhikan dahil may nakikita silang gwapong mga lalaki.

Hay nako.. kung makikita niyo si bespren, baka maglupasay na kayo. Isip isip ko pa.

Actually, bilib talaga ako kay Vlad. Dahil sa kapal ng apog niya at kabundok na confidence ay naging malakas siyang tao, loob at labas. Kaya naman, hanggang ngayon buhay na buhay ang gagong yun. Hindi mo aakalaing siya mismo ang napalaki at tumustos sa sarili niya.

Sa gitna ng pagtatrabaho ko kung saan binibigay ko na yung order nung limang babae ay bigla akong nakaramdam ng kaba.

Hindi ko rin inaasahang manginginig yung kamay ko kaya dumulas yung hawak kong bote ng alak.

.

*CRAASSH!*

.

"FVCK! Waiter naman! Look oh, nadumihan na yung dress ko! Arrgh! Kainis ka naman eh!" Sabi nung isang natapunan ng alak. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya kaso bumaybay na naman sa sistema ko ang matinding kaba.

Akala ko nga namalikmata pa ko dahil biglang pumasok sa isip ko yung postura ni bespren kaninang pauwi kami hanggang sa umakay siyang bus.

"Hey Waiter! Ano nang gagawin ko? Ang dugyot dugyot ko na! Ugh!" Patuloy parin sa pagmamaktol yung babae kaya napagpasyahan kong humingi nalang ng tawad at saka umalis sa lugar na 'to dahil hindi na talaga ako mapakali.

"Sorry Miss. Sor---"

.

*BRZZK!*BRZZK!*

.

Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko kaya mabilis ko iyong kinuha. Nagulat ako dahil numero sa telepono ang nakasulat sa screen. Naisip ko bigla, sino namang tatawag sakin ng landline? Eh wala naman akong kakilalang may alam ng number ko maliban kay....

V-Vlad?

Mariin akong napalunok. Kinakabahan na naman ako dyahe lang talaga.

"Hello?" Sabi ko. Kaya lang isang buntong-hininga lang ang narinig ko. "Sino ho 'to? Ano hong kailangan niyo? May trabaho pa ho ako, medyo nakakadistorbo ka ho." Diretsahang sabi ko pero nilakipan ko parin ng paggalang.

"I'm sorry Sir. May I ask, if this is uhmm.. Lalaking Hindi Pinagpala ang Mukha? Is it you? Ito lang kasi ang numerong naka-save sa may-ari nito."

Nangunot naman ang noo ko at bahagyang tumaas ang presyon? What the fvck! Paniguradong si Vlad ang tinutukoy niyang may-ari! Siya lang naman ang may alam ng number ko eh!

Lalaking Hindi Pinagpala Ang Mukha pala ha---- Tangna mo talaga Vlad! pakyu ka! Pakyu ka talaga! +____+

"Teka. Ba't nasayo ang cellphone ng hayop na yan?" Pag uusisa ko pa at talagang may halong pang-uuyam ang boses ko.

Sisters' Conflict {BTS Fanfic}  → Triplets' Conflict  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon