[36] - Nagalaw Ko Na

346 18 39
                                    

Conflict Thirty-Six

~

Nakita kong nagpink yung pisngi nung babaeng mukhang anghel. Hehehe. Natamaan na ata sakin.

-

"U-Uhm.. sino ka nga po? Bakit ako nandito?... Sino sila?" Nahihiyang tanong niya sakin, napangisi naman ako lalo. Hindi siya makatingin sakin eh.

"Sila ba? Hindi ko rin alam eh.Teka.. Sino nga ba kayo?"

Napaangat siya sakin ng tingin at mukhang naguguluhan.

"Nagbibiro ka ba? Magkakasama tayo pero... hindi mo sila kilala? P-Pati ako?"

"Mukha ba kong payaso? Sa tingin mo joke joke lang 'tong magkakasama tayo? Basta ang alam ko, responsibilidad ko na kayo." Nakangusong sabi ko. Halata sa mukha niya na di makapaniwala.. parang nahihirapan siyang i-absorb lahat. Pero maya-maya ay napayuko siya.

"Edi.. sino ako?" Mahina niyang sabi. Natahimik na rin ako dahil all my handsome features know na wala akong maisasagot sa kanya. Aba! No ideas din ako noh. Di ko nga alam pangalan ko eh..

'Vlad Senri Ford..'

Biglang narinig ko yung boses nung babae kanina. Hindi nga pala ako nagpasalamat sa kanya nung tinulungan niya kaming tumakas. Eh kasi naman, gulo parin ng utak ko. =__=

Tumingin ako ulit sa kanya pero mukhang unti-unti na siyang pinapalibutan ng lungkot.

Ugh, iiyak na ba siya?

HALA! Teka, nagtutubig na nga yung mata!

Umalis ako sa pagkakaupo ko sa upuan at saka humakbang papuntang likod. Yumuko ako dun sa babaeng mukhang anghel at saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi para salubungin ang tingin ko.

"Uy teka! Wag kang malungkot! A-Ano... Vlad Senri Ford ang pangalan ko. Ano, pwede sa ngayon wag muna tayong magtanong kung sino ba tayo o kung saan tayo galing? Wag ka munang mag-isip ng kahit ano. Wag kang iiyak. Basta eto ang tatandaan mo, hindi kita iiwan. Hindi ko kayo pababayaan lahat. Simula ngayon ako na ang bahala sa inyo." Ngumiti ako ng malapad para makumbinsi siya.

Pumikit ang mata niya na para bang pinauurong pabalik yung nagbabadyang luha.

At paunti-unti nakita kong umu-okay na yung pakiramdam niya. Yung sad auras nawawala na.... then she smiled like a real angel.

"S-Salamat Vlad."

Nginitian ko rin siya para lalong convincing pero napaisip ako.. mukhang malalagot ako nito. Pitong babae... BUBUHAYIN KO?! Anaknang, yabang kasi eh.

Natapos ang araw na yun na wala paring malay ang iba. Habang yung mukhang anghel na babae ay nasa labas. Nagpapahangin. Gabi narin kasi. At gutom na ko.

Kelan ba kasi sila magigising. Nakakaulol naman oh. =____=

*RIING!*RIIING!*

May tumutunog na kung ano kaya hinanap ko kung nasaan yun. Lumingon ako sa likod dahil galing yun dun. Isa sa mga babaeng kasama ko.

Humakbang ako papuntang likod at patuloy parin ang pagring ng cellphone. Dumungaw ako sa bawat babae dun hanggang sa makita kong may umiilaw na bagay sa bandang dibdib nung isang babaeng naka-uniform ng Vanguard Corvette Academy. Maputi siya... yung puting di nakakasawa. Natural na maganda at kapansin-pansin ang mukha niya.

Bahagyang nakaawang ang medyo may kaputlaang labi niya. Mahaba ang buhok niyang may kaunting paalon sa dulo.

Dahan-dahan kong iniangat yung kamay ko para kunin ang cellphone na patuloy parin sa pag-ilaw sa bandang dibdib niya.

Sisters' Conflict {BTS Fanfic}  → Triplets' Conflict  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon