[17] - Shou?

500 25 11
                                    

Conflict Seventeen

~

Takang taka naman ako nang makita si Ellaine na nanakbo. Eh? Problema ng batang sawi na yun?

-

[ Vlad ]

Nandito kami ngayon sa pag-aari daw ng mga Laundrize na spa. Sa katunayan, para nga kaming may family reunion eh. Aba ewan ko ba kung bakit nila naisipang magpa-massage lahat. =__=

Hinarang ko si Ellaine na patuloy parin sa pagtakbo. Hindi naman siya mukhang nagnakaw o may pinagtataguan. Mukhang enjoy pa nga siya sa pagtakbo eh!

Ano yan? Feeling running oval 'tong spa? Aba ayos sa trip ni sweetie!

"Huy! San punta mo?" Sabi ko nang iharang ko ang braso ko sa kanya. Nasungkit ko tuloy yung bewang niya. Lumingon siya sakin at saka excited na ngumiti.

"Wala naman Vlad. May pinagtitripan lang ako dun. Hehehe." Nakakaloko siya tumawa parang may wicked thing ngang ginawa. Hmm.

Mataman ko siyang tiningnan. Na parang inaanalisa ang nararamdaman niya. At inoobserbahan ang bawat ekspresyon ng mata niya. And I got this. "Oy ikaw, baka umiyak ka na naman niyan ah. Hindi na ko magpapabasa ng damit sayo. Pati uhog naipunas mo sakin kagabi! Kadiri nito!" Patutsada ko pa.

"Uy hindi ah!" Depensa niya agad.

Yung totoo kasi. Kahapon, akala ko success yung ginawa niyang plano na pagpapaibig sa inggiterong playboy na si Zachary. Pero napatunayan kong hindi nung bigla niya kong dinamba ng yakap sa cafeteria pa mismo! Sa harap ng maraming estudyante! Nakita tuloy ako ng mga Vladmirers =/

Pero ayun nga, walang tigil siyang umiyak sa dibdib ko kaya wala akong nagawa kundi ang patahanin siya.

At saka in the first place isa rin naman si Ellaine sa mga youngest sisters ko. Kaya bunso ko na rin siya.

"Sshh.. Tahan na sweetie. Masakit nga yan pero.. kaya yan. Kapatid kita eh. That means... ubod ka ng ganda at kung sino man ang nanakit sayo. Aba! Ganti-ganti lang katapat niyan!" Sabi ko pa yun sa kanya habang hinahaplos ang paalon at malambot niyang buhok.

Hindi siya sumagot pero naramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin..

"Vlad.. magdudusa siya at sinisigurado ko yan."

Oh diba? Ang evil ng datingan niya. Pero wala eh. Maganda parin. Pasalamat ka Ellaine, nabahiran ka ng dugo ko! So proud YEAH! HAHAHAHA!

"Tara na nga. Pupuntahan pa natin ang prinsesang bunso ko." Sabi ko nalang sa kanya at saka siya hinila palayo.

Pumasok kami sa isang kwarto at ganoon nalang ang paglaglag nang makita kong isang lalaki ang nagfufull body massage sa bunso ko!

"Tangna! Bitawan mo ang kapatid ko!" Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na tinulak ng malakas yung lalake palayo kay Shizumi!

"Fvck!" Daing nya nung tumama siya sa lamesa dun. Ah basta! Pakealam ko, gago siya ah!

"Hayop ka 'tol! Anong karapatan mo para manyakin ang kapatid ko?? Diba kanina sinabi ko nang puro babae dapat ang magmamasahe sa kanila? Eh ano ka?! Puta ginagalit mo ko, mapapatay kita!" akmang susuntukin ko pa sana siya kaso bigla siyang nag-angat ng tingin.

"Shou?" Aba! Kilala ko 'to eh! Ito yung kakosa namin ni bespren sa Claymore Cafe & RestoBar!

Hinilot niya ang panga niya saka humarap ng maayos sakin.

Sisters' Conflict {BTS Fanfic}  → Triplets' Conflict  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon