[33] - End

382 20 32
                                    

Conflict Thirty-Three

~

Kabang kaba si Christine sa mga pumapasok na eksena sa isip niya. Nararamdaman niya ang kanyang panginginig at ang pagkaaligaga.

She's too weak at ang mga senaryo sa isip niya ay sobra-sobra nang torture sa kanya dahil bali-baliktarin man ang mundo... wala siyang kakayahang pigilan yun. Hindi niya kayang ipagtanggol ang iba.. Ang mga taong mahahalaga sa kanya.

-

Bumukas ang selda na kinaroroonan ni Christine, at gaya ng nasa kanyang isip ay inihagis sa harap niya ang dalawa niyang kapatid na hindi na humihinga.

"ELLAINE! PATRISHA!" Napahiyaw nalang si Christine dahil hindi niya alam ang gagawin. Bakit ba kasi nangyayari yun sa kanila? At sino ang may pakana nito?

Hilam na ang mga mata ni Christine sa kakaiyak pero wala talaga siyang magagawa dahil hindi na humihinga ang dalawa niyang kapatid. Nanlumo siya at napapikit. Pero may panibagong senaryo na naman siyang nakita.

Kusang naging dilaw ang mga mata niya habang nagpa-process ang panibagong bisyon. Mga bagong nagpasakit sa damdamin niya.. Mga bagong dahilan na naman para paulit ulit niyang sisihin ang sarili.

Anrielle..

She's begging... "No please.. please! Tama na po. Please po.. p-please."

Jessah..

Blood. Gunshot.

Elisha..

Darkness. Grudge.

--

Walang malay si Elisha habang tinatanggal siya sa isang container. Doon siya inilagay matapos siyang kunin ng isang helipad mula sa taas.

Ginapos siya ng tatlong lalaki dahil ang kakaibang bilis nito ang kanyang kakayahan.

Binuhat ng isa sa kanila si Elisha at dinala sa katabing selda kung nasaan si Christine. Mag-isa siyang nilagay doon habang ngising ngisi ang bumuhat sa kanyang lalake. Hinaplos nito ang pisngi ng dalaga at saka marahang pinisil iyon.

"Now.. it is so nice to see you again.. Babe." Nakangising sabi nito sa dalaga na wala paring malay.

Tumayo na ang lalaki at saka walang lingunang umalis sa selda. May nakasalubong ang lalaking yun.. panibagong nahuling mga Laundrize na naman. Ngunit hindi niya nasikmura ang itsura ng isa sa kanila. Puro sugat at hiwa ang babaeng yun habang naliligo sa dugo. He arched his brow trying to examine that woman. Pero napangiwi lang siya dahil wala siyang ma-identify na kung ano. That leave him no choice..

"Tsk. Makaalis na nga."

Sa kabilang banda naman ay patuloy parin sa pakikipaglaban si Yanel kasama si Vlad.

Hawak ni Vlad ang braso niya dahil aksidente iyong nahagip ni Yanel ng katana.

Yanel's sixth sense is malfunctioning. Wala na siyang maamoy kundi samu't saring dugo kaya hindi niya mapigilang mahilo.

Napahawak si Yanel sa ulo niya at anumang oras ay mawawalan na siya ng balanse. Mabuti na lamang ay mabilis na nakalapit si Vlad sa kanya.

"Oy Yanel! Anyare sayo? Wala ka namang sugat----bakit mahihimatay ka dyan? Gago ka ba?!"

Dahil sa sinabi niya ay nanlilisik siyang tiningnan ni Yanel.

"Hayup ka, Vlad."

"OY HINDI AH! Sa gwapo kong to ikukumpara mo lang ako sa hayuuup? Aba! BAHALA KA DYAN YANEL! Tadyakan kita eh!"

Sisters' Conflict {BTS Fanfic}  → Triplets' Conflict  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon